Mag-ingat Sa Mga Murang Android Phones
Kung nagbabalak kang bumili ng Android Smart Phone at limitado ang iyong budget sa halagang dalawang libo, huwag ka na munang bumili dahil baka magsisi ka lang sa bandang huli. Maraming naglipanang Android China Phones na nagbibida ng murang presyo at mataas na processor pero kapos sa ROM at RAM ang telepono.
Ang RAM ang memory na kasama ng processor ay nagpaptakbo ng iyong mga aplikasyon sa iyong phone. Kapag mababa ang RAM ng phone mo mabagal ang response ng aplikasyon mo kahit na dual/quad core pa ang processor mo. Slow motion kung baga sa kasabihan.
Ang ROM ang memory na pinaglalagyan ng mga aplikasyon bukod sa iyong internal harddisk memory. Ang ROM ang lalagyan ng aplikasyon sa phone. Kapag marami itong laman, bumabagal ang pagkilos ng lahat ng aplikasyon na na-install mo sa phone. Kapag maliit ang kapasidad ng ROM limitado lang ang magagamit mong aplikasyon. Ang mga aplikasyon na facebook, twitter at viber ay lumalaki ang data consumption o pagkunsumo ng mga data habang tumatagal ang iyong paggamit at ang ROM mo ay patuloy na nababawasan. Maraming mga aplikasyon ang nagkacrash dahil sa maliit na ROM at mabagal na RAM.
Kung bibili ka ng android smart phone, ang processor ay di dapat baba sa dual core, Ang RAM ay dapat di bababa sa 1GB at ang ROM ay dapat di bababa 4GB. Ang mga telepono na may ganitong katangian ay nag kakahalaga ng apat na libo pataas.
Kaya payo ko sa inyo mga kaibigan kung gusto mo na maenjoy ang android phone mo pumili ka ng mas mataas na specification ng phone. Kung akala mo na nakamura ka sa android phone mo, mag-isip ka muna. Mahirap maibalik o refund ang pera mo kapag nabili mo na yung phone.
Walang pinakamaganda kundi ang suriin mong mabuti at wag kang atat na bumili ka agad. Lingo-lingo bumaba ang presyo ng mga gadgets dahil ito sa mass production sa China at iba pang bansa.
Sa lahat ng mga telepono, ang iPhone ang may pinaka stable pagdating sa operating system (OS), processor, RAM at ROM. At ang pinaka maganda sa lahat hindi ito nagkakaroon ng virus dahil di napapasok ang internal storage nito ng basta-basta. Yun lang mahal ang presyo, pero sigurado ka. Hindi po android ang iPhone. iOS po ang gamit nya.
Samsung at Sony pa rin pinaka stable sa mga android phones. Hindi dahil branded sila. Dahil ayaw nilang mapahiya sa kanilang mga customers.
0 comments