Paghahalintulad sa RCA Digital TV Box at ABS-CBN TV Plus

by - 2:36 PM





Ngayong nagsisimula ng maghanda ang mga Television networks para sa switchover from analog to digital broadcast. Maraming Digital set-top-boxes ang naglalabasan sa market ngayon at nag-uunahan makakuha ng pinakamalaking market share bago tuluyang mag-full digital broadcast sa Pilipinas.

Tinatayang sa taong 2018 ay fully digital broadcast na ang Pilipinas. Ang pinahintulutan na gamitin sa Pilipinas ay ang ISDB-T na nagmula sa Japan. Ang Ibigsabihin ng ISDB-T ay Integrated Service Digital Broadcast - Terrestial. Mas pinaboran ang ISDB-T kesa sa DVB-T2 na mula sa Europa dahil tinatayang mas mura ang magagastos sa paglipat sa ISDB-T.


Maraming mga brands ng digital set-top-box ang mabibili sa market ngayon lalong-lalo sa mga leading appliance store ngayon tulad ng ABS-CBN TV+, RCA Digital TV box, Xenon Digibox at iba pa.

Tingnan natin kung anong kanilang pagkakaiba. Pagkumparahin natin ang RCA at TV Plus.


Ang TV+ na tinatawag na "Mahiwagang BlackBox" ay produkto ng isa sa pinakamalaking broadcast company sa Pilipinas na ABS-CBN. 

Ang TV+ ay nakakasagap ng digital broadcast mula sa mga television network na naghahatid ng digital signal, malinaw ang reception sa television. Maliban sa mga free-to-air channels na nasasagap nito, nagdagdag ng apat na exclusive channels ang ABS-CBN at ang mga ito ay ang CINEMO, YEY, Knowledge Channel at DZMM. 

May kasama na itong remote control at indoor antenna. Ang output papuntang television ay rca jack. Ang USB port ay walang function maliban lang sa pag-upload ng UPDATE.


Ang RCA Digibox ay isa sa mga naunang digital box sa market ngunit di masyadong kilala dahil walang advertisement. 

Ang RCA Digibox ay tulad ng TV+ na nakapaghahatid ng digital broadcast. Lahat ng free-to-air channels ay malinaw depende sa lokasyon. Ngunit wala itong exclusive channels na tulad ng TV+.

May kasama na itong remote control at indoor antenna. Ngunit ito ay may dalawang output, rca jack at HDMI port. Higit na mas malinaw ng 4 - 6 beses kapag HDMI ang gagamitin. Pwede hangang 1080p na resolusyon ang maging output. Kapag HDMI ang ginagamit tunay na High Definition ang iyong mapapanood. 

Ang dalawa pang karagdagang feature ng RCA ay ang mga sumusunod;


1. TV Recorder
  • Pwedeng magrecord ng kahit anong TV show kahit ang TV mo ay naka OFF.
  • Pwedeng i-set ang timer upang mag-record sa isang specific na oras, petsa at channel.
  • May 7-day Electronic Program Guide na magagamit upang mas madaling makapagrecord.
  • Kailangan ng USB storage para makapagrecord.



2. Media Player
  • Pwedeng magplay ng music, photo at video mula sa USB storage device at External Hard Disk.
  • Nagplay ng ibat-ibang video format tulad ng avi, mkv, mp4, flv, etc.
  • Suportado ang Dolby Sound para mas magandang tunog.
  • Kailangan ng USB storage para makapagplay.



Narito ang Comparison image ng RCA Digibox at ABS-CBN TV Plus


Kapag nagswtchover na mula analog patungong digital broadcast, ang mga television ay mangangailangan ng mga set-top-boxes upang mapanooran. Lahat ng television na wala pang ISDB-T receiver ay nangangailangan ng digibox para mapanooran ng digital broadcast. 

Ang mga television brands na mayroon ng ISDB-T receiver ay Devant, Hisense, Sharp at TCL.  



You May Also Like

10 comments

  1. Mukhang mas sulit bilhin and RCA Digital TV Box! Pero di ko na kakailanganin ito kasi nakabili na ko ng LED TV with Digital TV from SHARP.

    ReplyDelete
  2. what are the channels of RCA? How manny channels?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Read this please.... https://aplyans.blogspot.com/2016/09/ang-mga-channel-sa-digital-tv-broadcast.html

      Delete
  3. Saan makakabili ng remote control. Kasi nawala. Pag matagal bang hindi ginamit sng rca unit ay ano ang mangyayari. 7 months na stock.

    ReplyDelete
    Replies
    1. di naman masisira ang unit kapag di mo ginamit. nung masira ang remote ko di ko sya nagamit ng 6 months. nakabili ako ng remote control sa Ace Hardware, ang brand ay CYBERTEC. Nung ginamit ko ulit yung RCA ok naman sya kahit matagal na di ko ginamit.

      Delete
  4. wHAT TO DO IF CHANNEL 2 HAS NO SOUND?

    ReplyDelete
  5. May signal ba s Tayabas, Quezon Province ang RCA digital tv box.

    ReplyDelete
  6. Mapapanooran ba ang tv pag nilagyan ng RCA tv box ang tv namin dito sa Tayabas City, Quezon Province

    ReplyDelete
  7. Bumili ako ng RCA malinaw sya kaya lang di kuha ang GMA at ABSCBN. Ang nakukuha lang TV5 at local channel dito sa Zamboanga City.

    ReplyDelete