Mga Dapat Tandaan Sa Pagbili ng Refrigerator.

by - 7:46 PM



 

Sa modernong panahon ang pagkakaroon ng refrigerator sa bahay ay isa ng pangangailangan at hindi na kalayawan. Ang mga pagkain ating binili mula sa palengke ay kailangan mailgay sa refrigerator upang hindi masira. Marami ang benepisyo sa pagkakaroon ng maayos na palamigan sa bahay.

Datapwa’t ito rin ang isa sa may pinakamataas na kunsumo sa kuryente o elektrisidad. Marami tayong dapat tandaan sa pagbili ng refrigerator.

Narito ang mga dapat nating tandaan sa pagbili ng refrigerator.


1. Alamin ang tamang laki ng refrigerator na bibilhin mo ayon sa laki ng lugar na paglalagyan at dami ng taong gagamit. Kung maliit lang iyong bahay siguradong hindi mo kailangan ng malaking refrigerator dahil kakain ito ng malaking espasyo. Kung nag-iisa ka lang, mainam sa’yo ang maliit na refrigerator. Kung nagsisimula ka palang magkapamilya ang katamtamang laki ay maari. Kung malaki ang iyong bahay at marami din kayo sa pamilya ay pwede ang malaking refrigerator. Kelangan mo rin isaalangalang ang tagal ng pagpunta mo sa pamilihan. Kapag namamalengke ka araw araw kelangan mo lang ng katamtamang laki ng refrigerator ngunit kung linguhan ka mamili, kelangan mo ng mas malaki upang meron kang mainam sa paglalagyan ng iyong mga pinamili.

2. Ang kunsumo sa kuryente ay nakasalalay sa uri ng refrigerator na bibilhin mo.

    a. Direct Cooling - ito ay ang sinaunang klase ng refrigerator na lumalamig dahil ang cooling elements ay nakadikit sa aluminum freezer wall ng refrigerator. Ang parte ng bagay o pagkain na nakadikit sa freezer wall ang unang nagyeyelo. Ang lamig na nanggagaling sa freezer ay bumababa para palamigin ang iba pang laman. Ang yelo ay kumakapal sa paligid ng freezer wall. Napagkakamalian na mas magandang magyelo dahil sa yelo nito sa freezer wall ngunit hindi yun ang batayan ng tamang paglamig. Kailangan mong magdefrost upang mawala ang makapal na yelo. Ang ganitong uri ng refrigerator ay mas mura ang presyo.

Kumakapal ang yelo sa freezer wall dahil ang mainit na hangin ay pumapasok at ang moisture na dala nito ay didikit sa wall at magyeyelo. Tandaan po natin kapag nagbukas tayo ating refrigerator, ang malamig na hangin ay lalabas at ang mainit ay papasok. Kung ayaw mo ng palagiang magdefrost ng iyong refrigerator, hindi para sa iyo ang direct cooling ref.


    b. No Frost - ito ay isa sa mga makapagong teknolohiya sa ating panahon. Ang lamig ay ibinubuga na nagmumula cooling fan o blower. Ang malamig na hangin ay umiikot sa loob ng refrigerator at freezer. Hinahanap ng malamig na hangin ang nasa loob nito na mataas ang temperature. Mas mabilis itong magpatigas o magpayelo ng bagay na nasa loob nito. Ang malamig na hangin ay karaniwang nagpapatigas sa likidong bahagi ng bagay na inilagay sa refrigerator. Halimbawa, naglagay ka ng karne, ang likido ng karne ang pinatitigas ng malamig na hangin na umiikot sa loob ng refrigerator. Hindi kumakapal ang yelo nito sa freezer wall dahil wala dito ang bagay na nagpapalamig sa freezer. Meron itong sensor sa loob na nagbabantay ng temperature sa loob ng refrigerator upang gumana ang compressor kapag tumaas na ang temperature sa loob.

 

Hindi mo kailangan magdefrost dahil sa makapal na yelo ng freezer. Kailangan mo lang linisin ito isang beses kada buwan upang huwag mangamoy.  Mas mataas ang presyo ng refrigerator na ito kumpara sa Direct Cooling dahil mas marami ang mga dagdag na katangian ang tinataglay nito.

    c. No Frost Inverter - ito ang pinakabago sa tatlo. Ang lamig ay imiikot sa loob ng refrigerator at freezer. No Frost ito kaya pareho lang ng gamit tulad ng nabanggit sa itaas. Ang pagkakaiba lang ay ang compressor o motor nito. Meron din itong sensor na nagmonitor ng kabuoang temperatura sa loob ng refrigerator. Ang inverter motor nito ay nagmementina ng mas mababang daloy ng kuryente kapag naabot na ang tamang temperatura sa loob ng refrigerator. Mas matahimik ang motor, mas matipid sa kuryente at mas matibay. Mas mahal ang presyo ng inverter refrigerator kumpara sa dalawang nauna ngunit sa matagalang paggamit nito mas makatitipid ka sa kuryente dito. Mas sulit ka dito pagtagal.  

 


3. Pumili ng may anti-bacteria o pamatay bakteria upang maiwasan ang pagkakaroon ng amoy. Ang amoy ay hindi nangagaling sa pagkain kundi sa bacteria na namumuo sa pagkain kaya ito bumabaho. Kapag may anti-bacteria hindi mo na kailangan maglagay ng uling sa iyong refrigerator.

4. Siguruhin na may hiwalay na lalagyan ng gulay na may moisture control upang mapanatili ang gulay at prutas na sariwa. Kapag may tamang moisture ang gulay hindi agad ang mga ito malalanta at mapananatili ang sustansya ng mga ito. May mga refrigerator na may hiwalay talagang lalagyan ng gulay at prutas.

5. Depende sa inyong pangangailangan, may mga refrigerator na may sliding compartment upang mas maging madali ang pagkuha ng pagkain. Piliin ang pinakakelangan nyo. Marami sa mga compartment ng refrigerator ay plastic na karaniwang ikinatatakot ng marami dahil baka mabasag o baka di kayanin ang bigat ng laman ng refrigerator. Alalahanin po natin na ang mga plastic compartment na ito ay dumaan sa mga testing kaya nakasisiguro tayo na kaya nitong gampanan ang kanyang function.

6. Upang mas lalong makatipid sa kuryente, hanapin ang refrigerator na gumagamit ng LED lamp. Ito ay mas maliwanag at mas mababa ang kunsumo sa kuryente.


7. Ang pagkakaroon ng gulong ay mas ideal upang mas madali mong mailipat ang pwesto ang iyong refrigerator kapag kinakailangan. Mas madali linisin ang labas nito kapag kinakailang dahil maigagalaw mo ito.

8. Huwag matakot kung ang gilid ng ref mo ay umiinit. Natural po ito. May heat tube po talagang nakalagay sa gilid ng ref upang maiwasan ang pagpapawis. Ang refrigerator ay tulad ng isang baso na may yelo sa loob. Kapag walang heating element sa gilid, ang moisture sa hangin ay didikit sa gilid ng refrigerator. Kapag nababasa ang gilid nito dahil sa pawis ito ay pagsisimulan ng kalawang. Kung napansin ninyo na sobrang init ng gilid nito, itawag ninyo agad sa service center upang macheck nila ito.

9. Piliin ang refrigerator na may mataas na EER rating. Makikita ito sa dilaw na tag na nakalagay dito. Tingnan mo rin ang power consumption ng refrigerator at ikumpara sa iba upang malaman kung alin ang may mataas na kunsumo sa kuryente. Kung bibili ka ng malaking refrigerator tulad ng side-by-side refrigerator, asahan mo na mataas ang kunsumo nito sa kuryenta.

10. Kung walang kasamang patungan ang ref na nabili mo, kelangan kang bumili nito upang tumagal ang ilalaim ng ref mo laban sa rust, corrosion o pagkakaroon ng kalawang. 

11. Pumili ng kilalang Brand upang makasiguro ka na matibay, maasahan at mapagkakatiwalaan ang kalidad ng iyong nabiling refrigerator at siguruhin na may service center na malapit sa inyo ito.

12. Huwag ka lang maging kampante sa katangian ng iyong refrigerator napili, isaisip mo rin ang warranty nito. Alamin kung ilang taon ang manufactuer’s warranty sa parts at service. Alamin mo rin kung ilang taong ang warranty sa compressor. Piliin mo yung may mas matagay na warranty upang makasiguro ka.  


Sa pamamagitan ng mga ito ay maari kang makabili ng maayos na refrigerator na magagamit sa mahabang panahon. Ang refrigerator ay magagamit natin ng 5 hangang 10 taon. Kapag lumampas dito ay bonus na yun. Kapag umabot na ang refrigerator mo ng lampas 15 taon, alamin mon a ang kunsumo nito sa kuryente mo, baka tumataas na dahil dito.

 

Sana makatulong ang mga tips na ito sa inyo. Salamat po sa pagdalaw sa website na ito.


Watch more appliance videos on Youtube. Click Here
 

 



You May Also Like

236 comments

  1. ok lng po ba ibyahe ng pahiga ang ref?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po, sisingaw po ang freon ng motor kapag nakahiga ang ref.

      Delete
    2. Kung naka higa po siya hindi na po ba mag ice ang ref?

      Delete
    3. Ibinyahe ko ang ref ko pahiga tapps 4 days ko di g8namot ngayun ginamit ko na sobrang init ng likod nakakapaso normal paba yun

      Delete
    4. Auz lng po b kpg maingay ang ref sobrang ingay po kc lge ng nbli namen condura

      Delete
    5. Sir may taning lang ako kasi ang ko hindi nag yeyelo ang upper right side lang nag yelo pero manipis lang ano po ba ang problema ng ref. Ko condura ang brand 1 door

      Delete
  2. Ang samsung ref inverter model RT20FARDSA/TC ay matipid ba sa kuryente at matibay ito ang nabili ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo matipid po yan sa kuryete. Maganda po ang airflow nyan kaya mabilis magpalamig ng laman. Ang gulay po ay napapanatiling fresh. Tahimik din ang motor.

      Delete
    2. Matibay po ang kabuon ng refrigerator. 10 years po ang warranty ng motor nyan.

      Delete
  3. Ang samsung ref inverter model RT20FARDSA/TC ay matipid ba sa kuryente at matibay ito ang nabili ko

    ReplyDelete
  4. Sabi po ng nanay ko sobrang init ng gilid ng ref namin (LG brand) tama po ba yung sinabe ko sa nanay ko na natural lang mag init ang ref, lagi pa niyang pinapatay :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Umiinit po talaga ang gilid ng ref dahil may heater yun sa gilid para di po magkaroon ng moisrure at di agad kalawangin. Wag po patayin kasi masisira ref nyo. Kung sobrang init talaga tumawag po sa service center.

      Delete
    2. Ganyan din sakin pero naging ok naman na. Pero kinabukasan pinatay ko kasi wala pa naman laman, tapos nung sinindihan ko hindi naman na lumalamig.

      Delete
    3. Ganyan din sakin pero naging ok naman na. Pero kinabukasan pinatay ko kasi wala pa naman laman, tapos nung sinindihan ko hindi naman na lumalamig.

      Delete
  5. Good am! Gaano po ba katagal tumigas ang yelo sa freezer kung ang temp knob ay nkaset sa coldest? Condura 2-door po ref namin parang mabagal kasi tumigas ang yelo ty

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depende po sa dami ng laman na supot ng yelo. Kung puno po ang buong freezer maaring 24 hangang 36 na oras ang itagal bago lahat mabuo. Ang una pong mabubuong yelo ay yung nakadikit sa wall ng freezer.

      Delete
    2. 24 hours bago mabuo ang yelo? Para lugi ka nmm sa benta mo s yelo kumpara s magagastos mo s kuryente?😢😰

      Delete
  6. Tanung ko lang po last wik lng po pinagawa ko po yung mini ref co kc po kalahate lng ang nagyeyelo tas s ibaba d gaano lumalamig. Ang sv po skin freon daw po tsk barado daw po ang daanan ng lamig. Pinalitan nia po ng linya panibagong tubo po ata. Nun ibinalik po sa bhay mabilis nmn po xa mag automatic off khit p xa ganun kalamig.tsk d xa gaano nagyeyelo. Kaya pianaayos ko po ule s kanya. Ngaun nmn po parang feeling ko po d na xa nag aautomatic off. Pero d nmn po nagyeyelo ng talagang yelo parang panimula yelo lng po ganun. My problema prin po b ang ref ko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko po masagot yung tanong nyo dahil technical side po yan. Pero base sa inyong kwento mukhang freon nga ang kulang kasi inayos na ang tube ng ref at nawala na ang bara pero mahina lumamig. Kung ang ref mo ay mahigit ng 5 taon bumaba na ang level ng freon nyan.

      Delete
    2. cindy mengote....ganyan sira ng ref ko last month lng halos 5 times nila ulit ulit ginwa pero tnx god bnaayos nmn metal switch ang pinalitan nila.

      Delete
  7. Ano po mas okay na brand? Kelvinator KPR122MNL 4.3 cu.ft. or EZY ES-88F 3.2 cu.ft? Will appreciate your response po since torn po ako sa dalawa. Gagamitin ko lang po sa apartment ko. Thanks!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko kilala yung Brand na EZY kaya di ko sya kaya irecommend. Ang Kelvinator po ay matagal na sa Pilipinas at ginagawa ng Concepcion kaya mas maaasahan po.

      Delete
    2. Hello ask ko lng po bumili kasi ako ng Hanabishi ref(HASREF-60S model) normal lng po ba na nainit yung gilid nya? Thanks po

      Delete
    3. Malakas po ba sa koryente ang personal ref.na kelvinator 49watts lang po xa.thank po sa reply

      Delete
  8. Ano maganda brand panasonic or lg? madali ba masira ang inverter? bibili po kasi ako this month at itong dalawa ang aking pinagpipilian

    ReplyDelete
    Replies
    1. matibay po ang inverter at tahimik pa. Sa compressor po ng ref mas gusto ko ang panasonic.

      Delete
  9. ok ba ang hanabishi na brand para sa personal ref?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo maganda po ang quality.

      Delete
    2. pano kaya aausin ung ref n bigla nlng nwala ung lamig

      Delete
  10. Nung sinaksak po ng mama ko yung nabili kong 2nd hand na panasonic kaninang umaga mainit daw po ang gilid natural lang po ba yun? Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. natural lang po na uminit ang gilid ng ref... para po di yun mag moist. pero kung sobra ang init hindi po yun normal.

      Delete
    2. Sir good day po pag ang ref d napagana ng ilang taon d naba lalamig ung ref or sumingaw na ung freon

      Delete
    3. pwede pong gumana yung ref pero maaring di na maganda lumamig. ipacheck nyo po muna sa technician bago nyo gamitin ulit.

      Delete
    4. Ask q lang po bumili po kmi ng ref napancn ko po matagal tumigas ng ice candy naka #2 knob lang po single door ung ref namin ang tumitigas lang po e ung sa baba at sa gilid ung 2nd layer ng ice candy ang tgal bgo tumigas condura po tatak ng ref namin... may auto frost po xa

      Delete
    5. Pwede po ba patungan ng mabigat ang ibabaw ng ref po??

      Delete
  11. tanung ko lang po na mas malakas po ba sa kuryente ang two door na ref kaysa sa one door po

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas matipid po ang two door kasi hindi mo binubuksan ang buong ref hindi lumalabas ang lamig ng buong ref.

      Delete
  12. Ano po ba ang pinakamaliit na freezer pero tipid at matibay. Maliit lng kc ang inuupahan ko at gusto rin mgnegosyo. Slamat po

    ReplyDelete
  13. Hello po ask ko lng po kakabili ko lng po nang panasonic na ref un freezee po nya ok nmn mdali mgyelo pro un fridge nya po hindi po lumalamig 6am ko po sinaksak s power un ref 4pm n po un tubig po hindi p din po lumalamig ano po kaya ang dapat ko gawin? Puede ko po ba ito papalita sa panasonic?tnx po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry po di ko agad nasagot ang tanong nyo. May 7 days replacement po ang appliances kapag may manufacturing defect. Pwede po kayo magpa-assist sa dealer na binilhan nyo.

      Delete
  14. Hello po ask ko lng po kakabili ko lng po nang panasonic na ref un freezee po nya ok nmn mdali mgyelo pro un fridge nya po hindi po lumalamig 6am ko po sinaksak s power un ref 4pm n po un tubig po hindi p din po lumalamig ano po kaya ang dapat ko gawin? Puede ko po ba ito papalita sa panasonic?tnx po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry po di ko agad nasagot ang tanong nyo. May 7 days replacement po ang appliances kapag may manufacturing defect. Pwede po kayo magpa-assist sa dealer na binilhan nyo.

      Delete
    2. sira na kaya yung ref bigla nlng nawalan ng lamig

      Delete
  15. Ung ref po nmen lg smart inverter kbibili lng po nmen sabi kasi dun sa pinagbilan nmen sabi nya pag sinaksak daw po nmen ubg ref dapat daw nkatodo ung temp nya ng 2hours tapos after 2hours ilagay n daw nmen sa kung anong gusto nmen n temp,napansin ko kasi n umiinit ung gilid at likod normal lng ba tlga un,pra kung hindi papalitan ko agad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natural lang po na uminit ang gilid ng ref... para po di yun mag moist. pero kung sobra ang init hindi po yun normal.

      Delete
  16. tanong ko lang bakit yung nabili naming 2 door kelvinator ref ay may namumuong yelo loob ng ibaba? normally nasa dulong side ng ref at sobrang init ng mga side ng refrigerator

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung manipis lang yung yelo at hindi buobuo ok lang po pero makapal yung yelo itawag nyo na sa service. nag iinit po talaga ang gilid ng ref kc may heater po yun para di magmoist.

      Delete
  17. ano po ibig sbhn ng semi-auto? tsaka ano po mas trusted nyong brand LG or kelvinator pgdting sa ref?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapag semi-auto po may pinipindot na button sa temp dial para magdefrost ang ref at pagkatapos nya magdefrost magnonormal opereration na ulit yung ref.

      Delete
    2. Pahelp naman po may bibilhn po kc akong 2nd hand na panasonic 5yrs na skanila sa tingin nio po normal function pa rn po ba un?

      Delete
    3. Pano po pag di nyo po napindot ung button 3beses na po inaalis kupo ung saksakan po ng ref nkalimutan kupo

      Delete
  18. ano po kayang ref na matipid sa kuryente.. ung maliit lng, at magkano po kya.. paano po sukat ng cubic feet? kasi ung feet lng alam ko sukatin.. nalilito po ako..

    ReplyDelete
  19. Sir patulong nmn po sa pag pili ng ref. Panasonic nr-bp7716an 85w, 0.79kwh/24hr, eef 325. 1 yr parts and servce, 5 yrs on compressor.
    Vs
    Samsung rt20farvdsa 100w, 0.79kwh/24hr, eef 321. 2 yrs parts and servce, 10 yrs on compressor..

    Parehas maganda nmn po. Kaso ung warranty ng panasonic 5yrs lng. Pero kng sa tipid nmn po ay best choice si panasonic.

    Patulong po sir anu dpt ko bilhin, nahirapan po ako mamili. Ty

    ReplyDelete
  20. Malakas po ha sa koryente ang automatic na ref?

    ReplyDelete
  21. Hindi ko masyado pina paandar ang ref namin parang once a week lang tapos 3 days ang andar tapos pag matigas na ang yelo tinatanggal na po namin sa saksakan , tanong ko lang po hindi po ba nakkasira yun nag titipid po kasi kami sa kuryenti

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas magiging mataas po ang kuryente nyo kapag lagi nyong pinapatay. Madali din syang masisira at babaho po kapag pinatay ng hindi nilinis.

      Delete
  22. Gud pm poh. Concern q lang po x bago kung bili na ref, artm-755sx home american po.hindi kasi na explain saking ng mabuti sabi inverter daw ng ni research q po direct cooling pala, tapos normal lang po ba yun ang tagal mabuo yung yelo kahit isanh helira lang po okei naman yung lamig x baba tsak may sarili pong sub-meter pansin q lang parang ang bilis po umikot, magasto ba yun x kuryente? Nag aalangan po ako kung baka may dperinsya yung ref o normal lg..5days q palang po nabilin.salamat po

    ReplyDelete
  23. Hello... tanong ko lang po kung anong dahilan kung bakit hindi nagyeyelo yong right part freezer ng electrolux ref ko? Tanong ko din po kung ang back part ng freezer ay nagyeyelo din po ba kasi hindi ko matandaan bale nanggaling na po siya sa service center at yan po ang napansin ko? Nagffreeze din po ba ang back part ng freezer o yong side lamang po ba?

    ReplyDelete
  24. Paano po makkatipid sa kunsumo sa bill ng kuryente na gamit ang ref? Sa ilang oras po ba siya pwde gamitin? 4-6 hrs everyday na nkasaksak pwede na po ba yn ? Ano po ang pwedeng gawin para makatipid sa electric bill gamit ang ref?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung ang ref nyo po ay inverter na dapat mas matipid na po sya. Pero kung hindi inverter pwede ko po ba malaman yung modelo ng ref.

      Delete
    2. Hello po, ask ko lng pp, simula po nung bumili kami ng ref,condura CNF 275 po model,ay prng lumaki po bigla bill nmin ng koryente, nakaset po ang freezer sa #5 tas amg refrigerator po ay nkset sa #4 po..kc un po nklagay sa manual na un nirerecommend dw po nila na iset sa sa NORMAL ung both knob to ensure stable performance...tas ang bilis po nya makalamig at makabuo ng yelo, ano po ba dapat ko gawin,kc ok lng nmn po skin khit hndi xa ganon kabilis mkalamig kc po dlwa lng nmn po kami sa bahay at hndi po ginagamot sa negosyo..

      Delete
  25. pwede pong gumana yung ref pero maaring di na maganda lumamig. ipacheck nyo po muna sa technician bago nyo gamitin ulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. CRF-BDC752-SS
      camel po tatak ng ref maganda po ba yun?

      Delete
  26. Sir matipid po ba ang sharp..direct cooling po siya tapos mabagal po mag yelo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka po nasa mababa ang thermostat ng ref nyo kaya di nagyeyelo agad. Kung bagong bili pa po ang ang inyong ref matipid pa po yan. Kapag tumatagal lumalakas sa kuryente ang direct cooling.

      Delete
    2. Ganun din po ang ref ko kbbli ko lng..magttnung lng po ako ano po bng # ang pnkacoldest db 1-7 sya?tsaka nagmomoist ba ang ibabaw ng ref mo?

      Delete
  27. Hi sir tanong q lng po kakabili q lng kxe ng ref condura freezer po.. Tanong q lng po kng pwede b xa ioff araw araw tuwing gabi kxe yung bote ng softdrinks nmin nababasag s sobrang lamig,nagyeyelo n xa..any tips po para makatipid po s kuryente

    ReplyDelete
  28. Hi sir tanong q lng po kakabili q lng kxe ng ref condura freezer po.. Tanong q lng po kng pwede b xa ioff araw araw tuwing gabi kxe yung bote ng softdrinks nmin nababasag s sobrang lamig,nagyeyelo n xa..any tips po para makatipid po s kuryente

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madali masisira ref mo kapag lagi mong ini-off. Mas lalong malaki ang kuryeteng makukunsumo mo kapag lagi mong pinapatay.

      Delete
  29. sir tanong lang po worry po ako sa nbili ko ref n condura kc lately po parang ppatay sindi po kada oras po ntural lng po ba iyon? tnx po sa sgot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag narating na ng ref ang desired na lamig sa loob ng ref ang compressor po ay tumitigil na. Dahil kung hindi sobrang magyeyelo ang loob at malaki ang babayaran mo sa kuryente.

      Delete
    2. Hi po ask. Ko. Lang po bumili ako ng condura direct cooling inverter na ref normal lang po na Hindi po sxa nagpapahinga o humihinto napakainit na kasi ng loob ng haus nmin dhl sa mainit na panahon tapos dhil na dn sa binubuga ng condenser sa likod ng ref.

      Delete
    3. Ganyan din 'yong sa amin every 30 mins namamatay tas babalik every 30mins din condura din sa amin

      Delete
  30. Iinit ba ng sobra ang gilid ng ref kapag nakasaksak lng s xtention,.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Umiinit po talaga ang gilid ng ref. May heater po yun sa gilid, para di magkaroon ng moisture na nagiging sanhi ng corossion.

      Delete
  31. Hi, ok po ba ang Panasonic NR-BP7716AN , semi automatic no frost inverter po ito.. sa kuryente matipid po ba kahit 24H/7D a week naka-on,thanks po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo matipid po yan sa kuryenta dahil inverter na sya.

      Delete
  32. Hello, Magtatanong lang may ref kami national ang tatak galing ibang bansa kaya nasa 110v daw un di compatible. Tanong ko dati naman mabilis syang lumamig at magyelo. Then ngaun po pagkatapos maglinis ng ioopen ung ref maya maya lalamig tapos maya maya mwawala na din yung lamig? ano kaya possible na sira nun? kelangan naba naming bumili ng bago?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para po kayo makasiguro ipacheck up nyo po muna sa Service Center ng Panasonic yan na po ang brand ng dating National. Salamat po!

      Delete
  33. Hi po may nbili po kming ref.halos evry 5minutes po halos ngpatay sindi po xa normal po b un sa condura negosyo inverter single door.tnx po

    ReplyDelete
  34. Mas malakas po ba sa kuryente kapag mas mataas ang thermostat ng ref?

    ReplyDelete
  35. Every nag dedefrost kami kasi kumakapal na ang yelo..normal ba yun?

    ReplyDelete
  36. sir pa help nmn po. after ko po kasi mag depros ayaw na po gumana ng motor ng ref ko.

    ReplyDelete
  37. Hello po pwedi mag tanong kong ang ref kopo ay sanyo 2dors ,ngayon isang right lang ang nag yeyelo normal paboyan hinde n kagaya ng dati mabilis lumamig

    ReplyDelete
  38. Hi po, ano po ba ang sira ng sanyo ref ko 2 dors po isang Side lang ang nag yeyelow ng aluminum. OK pahubayon .Yong S baba ok panaman sya, bakit S taas isang side Lang ang nag yeyelow.

    ReplyDelete
  39. hi ano mas malakas mgcontume ng electric mini ref or big ref

    ReplyDelete
  40. Hi po, kabibili lang po namin ng condura inverter ref. Normal po ba na maingay sya minsan? Pumunta po kami dun sa store na binilhan namin for replacement pero ang sabi nung employee dun ay normal lang daw po yun sa inverter refs. Tama po ba yun? Thank you.

    ReplyDelete
  41. hello po kakabili lang po namin ng ref LG GR B202SQBB mag 2hours na po siya naka max yung setting hndi pa po lunalamig yung baba pero yung taas malakas na po yunh blower niya no forst inverter po siya

    ReplyDelete
  42. hi sir ask ko lang poh bmili kmi ng ref na panasonic inverter n poh sya kso napansin nmin every 1 day humihina ung lamig at ung ibang yelo s gilid nya nag tutubig n kc prang nawala ung lamig nya., tpos after 20 mins ata ska sya ulit gagana normal poh b un oh gnun poh b tlga pag inverter n ref.?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din po yung ref namin..napapansin ko pag di na mainit yung gilid ng ref sisilipin ko yung freezer natutunaw yung yelo sa mga gilid nya.nagtutubig..normal kaya yun?sana may sumagot

      Delete
    2. Ganyan din po yung ref namin..napapansin ko pag di na mainit yung gilid ng ref sisilipin ko yung freezer natutunaw yung yelo sa mga gilid nya.nagtutubig..normal kaya yun?sana may sumagot

      Delete
  43. Sir ask ko lang po napansin ko lang po kanina ung freezer po kc ng ref namin 2 doors po ito....sa gilid po nahulog ung yelo taz may konting konting sira lang po sa gilid ng freezer...ano pong mangyayari?kinakabahan po kc ako...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana masagot po kaagad kc nagwoworry po ako

      Delete
  44. Hello tanong ko lang po ano po ba dapat gawin.. My load ang reef bago pa andarin uh dapat walang laman? LG inverter single door reef namin salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paandarin nyo po muna ng walang laman for 30 minutes. Saka nyo po lagyan ng laman.

      Delete
  45. Sir Arth ano po ang dahilan kung bakit nagpapawis ang labas ng ref nmin. Condura 2doors po ung ref nmin, nagkakatubig sa gilid at top. Ano pong mapapayo nyo? Salamat po

    ReplyDelete
  46. Anu po kya ang problema ng ref naman, ge po xa lumalamig naman po pero d naman tumitigas ang ilalagay s loob ng freezer?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun din ang problema ng freezer ko hindi tumitigas ang yelo magdamag na nakalagay.

      Delete
  47. Good pm sir arth ask q lng po maganda po ba yon CONDURA CTD311MNI 9.8 CU.FT. TWO DOOR REFRIGERATOR mababa po ba cya sa kuryente.. salamat po

    ReplyDelete
  48. good afternoon sir,kabibili ko lng po ng freezer ko,LG 6cubic ft.pang tinda kl ng yelo,ok lng po b na nka max lagi para mabilis mag yelo..puno lht ng layer..slmt po sa sagot.

    ReplyDelete
  49. tanung lng po kakabili k lng ng sharp 2 door ref.. napansin k n ngyeyelo ang ibabang parte nito, normal lng ba yun?

    ReplyDelete
  50. Goodafternoon po kelvinator po ref na nabili ko .. bale 4months palang po xa .. nagkakamoist po xa sa may gasket minsan sa mga Gilid ng door nya . Ano po kaya ang posibleng defecT nya Thermostat o gasket ??? ThankyOu so much for yOur wonderFul answer ..

    ReplyDelete
  51. Totoo po ba na mas malakas sa konsumo ng kuryente ang 2doors na ref kaysa sa 1door?

    ReplyDelete
  52. tanong ko lang po ang nabili po nmin ref ay beko ang nppaansin ko po kc lumalakas ang ugong ng ref nmin kpag marami ang nklgay sa frizer normal po b un. ndi po ba delikado atsk sobra pong nagiinit ang gilid,

    ReplyDelete
  53. Hello tanung ko lng po matagal po magyelo yung bago po nabili nmin na condura 2door po.at nagfreeze dn para nagyelo dn po.po yung babang door

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal nga po mag yelo..kabibili lng namin ng condura inverter..pero yong luma namin condura rin 2 door sobrang lakas mag yelo khit luma na.

      Delete
  54. Maganda po b ang Samsung inverter no frost n ref kaysa s condura no frost din inverter,7cubic 2 door

    ReplyDelete
  55. nasira po yung takip ng freezer ng ref namin. kapag ganon po ba malakas na sa kuryente?
    tnx po

    ReplyDelete
  56. Ok lang poh ba na kahit 2buwan n di magamit ung ref

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po maganda na itigil gamitin ang ref kung di maiwasan at talagang kelangan, siguruhin na malinis ang ref bago nyo itigil sa paggamit.

      Delete
    2. Gaano po ba katagal tumigas ang yelo at gaano din po kadami ang pwede ilagay sa chest freezer. Salamat po sa sagot

      Delete
  57. Ok Lang po b ung maybe na tatak ng ref?..sister company daw po un G.E..matipid po b un sa kuryente?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang naman po, CYA po ang distributor nun, same with GE, dito sa PIlipinas.

      Delete
  58. bumili ka bago na ref brand: PANASONIC inverter 2 doors, bakit po umiinit ang gilid ng ref...? natural po ba un?

    ReplyDelete
    Replies
    1. umiinit po talaga yung gilid ng ref kasi may heater yun upang di magpawis at maiwasan ang kalawang.

      Delete
  59. hi. ask ko lang. inakyatvkasi sa taas namin ung ref. kaso pabaliktad na naakyat. may possible ba sya na masira? inverter po sya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede pong masira yan dahil may pisibilidad na sumingaw ang freon.

      Delete
  60. Hello po ,may nabili akong ref Kelvinator KPR122MNL,natunog sya which is feeling ko naman dahil sa makina nya yun tapos biglang mawawala din ,pansin ko kasi pag natunog sya nagyeyelo yung freezer tapos pag nawala yung tunog natutunaw din yung yelo hindi diredirecho ang pagyeyelo bakit kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapag tumutunog po syempre nagtatrabaho ang compressor para magpalamig ng iyong ref. may problema ang ref mo kung hindi lumalamig o nagyeyelo. kung nagyeyelo naman ok lang yan syempre. kung sobrang lakas ng tunog na di ka makatulog, itawag mo na sa service center.

      Delete
  61. normal lang po ba na nahinto ang compressor pag nahit nya na yung certain temp nya?

    ReplyDelete
  62. okay po ba ang sharp na ref? kakabili ko lng po kc
    ngayon

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din po sharp ang nabili ko.. maganda po ba yun?? kasi yung freezer okay naman pero yung sa ibabang part ang tagal po lumamig ganon po ba talaga??

      Delete
  63. Malakas kumain nang kuryente Ang ref ko anu kaya Ang dahilan okey Naman cxa kaso Minsan Maingay Minsan Hindi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipacheck up mo sa service center para mas malaman mo ang sanhi ng mataas na kuryente at ingay.

      Delete
  64. Gaano po katagal bago lumamig ang fridge ng 2 door fujidenzo ref kung ito ay bago?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Usually may 12 - 24 hours dapat malamig na yan, maykonting yelo na. Kung wala pa, dapat mo itawag sa binilhan mo para mapacheck up nila sa technician ng supplier.

      Delete
  65. Ung ref po nmin ginawa kong aircon sa sobrang init ng panahon binuksan ko ung rep tapos nilagay ko ung electric fan sa harap di po kya masira ung ref ?lagi g nkabukas di na sinara

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat po ng bagay sa mundo kapag inabuso sigurado may katapusan. Pinahihirapan mo ang compressor ng ref mo at pinalalaki mo ang babayaran mo sa kuryente. Bumili ka nlng ng aircon mas makakatipid ka.

      Delete
  66. Tanong ko lang po bakit po pag nakasaksak ung ref namin parang di po gumagana... Walang tunog tas mga ilang oras bglang gagana... May sira na kaya 2.panasonic po... Parang feel ko nakasaksak sya pero walang tunog at di gumagana

    ReplyDelete
  67. Ask lng po bumili KC ako panasonic NR-BP7716AN 7.7 2door. Last Jul 2018 after 4mos di n lumlamig at nagyeyelo sabi ng tech high pressure ng compressor so pinalitan nila ng compressor at board last Nov. Ngaun ganun n nmn ulit sakit sa ulo ayw mttpos na warranty sa Jul. Pupunta n nmn ung tech para e-check ulit. Defective kya tlg unit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo ng ihingi ng kapalit, compressor pala ang laging nasisisra eh.

      Delete
  68. ask ko lang malakas po ba sa kuryente yng samsung side by side ref 21cuft.?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag malaki ang refrigerator mo mataas sigurado ang watts o power consumption nyan. Ang kelangan maging efficient ka sa paggamit ng iyong ref. Kelangan lagyan mo ng laman para sulit ka sa bayad sa kuyente. No frost naman yan kaya maganda yan lumamig, kaya lang kung walang laman o kokonti laman, lugi ka sa kuryenteng magagamit nyan.

      Kapag bumili ka ng side by side na ref dapat handa ka na sa kuryenteng babayaran mo na siguradong malaki. Pero kapag nagamit mo yan ng maayos, pagdating ng 5 - 10 years sulit ka jan.

      Delete
  69. yung ref ko inverter 55w pag sinet ko ba siya sa coldest tataas ba waths nia o 55w parin? di ba masisira ang ref kung pabagobago ng setting?

    ReplyDelete
    Replies
    1. If that 55watts is the maximum power consumption, even you put the thermostat to full that will be the consumption. Hindi masisira ang ref kung inilalagay mo sa tamang setting na naayon sa dami ng laman. Kapag maraming laman ilagay mo sa mataas kapag walang laman ibaba mo ang thermostat.

      Delete
  70. Panasonic no frost inverter po ang ref q.. Bakit po kaya gnon gumawa aq ng yelo pangbenta bakit po ndi cia tumitigas ng todo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko po masasagot yan dahil di ko po nakita ang yelo. Kasi ang basehan natin na yelo na sya ay dahil puti na yung tbig at matigas ang labas. Sa No frost po mas unang tumitigas yung gitna o loob ng tubig sa plastik at hindi ang labas. Kaya ang akala mo mas matagal sya tumigas. Mas mabilis talaga tumigas kapag direct cool ref ang gamit mo dahil nadikit yung plastic ng yelo sa wall ng freezer pero kapag tumigas naman ang sa no frost ref, mas solid kapag na buo ang yelo.

      Delete
  71. Gdpm sir arth, kakukuha ko plng po ng ref condura negosyo inverter, nagworry lng po ako ung freon/or makina nya ang name ay panasonic. Ang sabi po ng binilhan nmin sa panasonic dw supplier ng motor ng condura at lg, tama po b un?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Please reply po i'm in doubt po tlaga sa motor ng condura na ref bkit po pnasonic ang name nya?

      Delete
    2. Matsushi po ang compressor... maker po yan ng Panasonic. ok lang po yun marami sa mga ref matsushita ang compressor. Matsushita kasi ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng compressor sa Japan na maganda ang quality.

      Delete
    3. Matsushita po ang manufacturer ng mga compressor na mataas ang kalidad. Ang Panasonic ay isa sa mga company ng MAtsushita. Maganda po ang compressor ng ref mo kapag Matsushita ang gumawa.

      Delete
  72. Bkit po kaya di nagtutuloy na magyelo ung 100v ref ko, di po ba tlga magyeyelo if ever na ung 100v isaksak sa 220v?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguradong sira po ref nyo kapag 100v ay sinaksak nyo sa 220V.

      Delete
  73. sir mamagnda ba ang Ge na refregirator matibay b xa. thanks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. OO maganda GE ref. pili ka lang ng naayon sa kailangan mo. enjoy...

      Delete
    2. sir two door po na sharp no frost jtech inverter ang nabili ko... maganda po ba yun?? nagwoworry po kasi ko ngayon ko lang inopen binili ko po sy kahpon.. yung freezer okay namn pero yung sa bb po na part ndi po sya masyadong lumalamig... ganun po ba tlaga?? salamat po

      Delete
  74. Sir kakabili ko lng po ng sharp ref two door po sya..tag ulan po kse at sobrang lamig ng panahon napansin ko po na ngmomoist ang ibabaw ng ref..normal pa po ba ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat po di nagpapwis ang ref kung ang outer heater ay gumagana.

      Delete
  75. Sharp po ang ref nmin 2 door..ano po ba anh pinakacoldest temp nya?1-7 po sya..yung nkalagay po kse s manual 7 daw ang pinaklowest temp..

    ReplyDelete
    Replies
    1. lowest po siguro sa degrees centigrade. ang paglamig po kasi ay pababa, ang freezing point ay mababang temperature. 1 is warmest, 7 is coldest.

      Delete
  76. SIR BAKIT PO NAGPAPAWIS ANG LABAS NG REF NAMIN?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sira po maari ang heater sa gilid ng ref. Yung heater po ang pumipigil sa pagpapawis ng inyong ref. Ikunsulta nyo po sa service center ng inyong brand. Ang pawis po ang pinagsisimulan ng pagkakaroon ng kalawang.

      Delete
  77. Good day po sir..pahelp naman po nakabili po kasi kmi ng 2nd hand na Sanyo ref..ei sira po ung ikutan ng temp.nya kc ndi po namin napansin Kamag anak naman po kc nabili pro gumagana naman po sya.pero nag kukusa po syang namamatay.kahit mga 45mins palang po naka plug.tpos nag o on naman po kusa

    ReplyDelete
  78. ano pong mangyayari kung matagal ng hindi napapasaksak ang ref? 10mos?

    ReplyDelete
  79. Sir hindi kupo napipindut ung buton ng defrost inaunplug kupo 3beses na po nkalimutan kupo 2months plang po skin ung ref

    ReplyDelete
  80. Sir hindi kupo napipindut ung buton ng defrost inaunplug kupo 3beses na po nkalimutan kupo 2months plang po skin ung ref

    ReplyDelete
  81. Sir hindi kupo napipindut ung buton ng defrost inaunplug kupo 3beses na po nkalimutan kupo 2months plang po skin ung ref

    ReplyDelete
  82. Good day po, sir ask ko lang po may ref po kase ako na old model condura, normal lang po ba itong umuugong o tumutunog, tapos bigla mawawala na aakalain po na namatay ang ref pero hindi naman po.? slamat po sna mapansin nyo po ang katanungan ko

    ReplyDelete
  83. sir bumili kami ng ref 2mos. pa lng nasira na pwede po ba un palitan ,mabagal po kasi warranty service saan po pwede ako magreklamo para gawin nila agad .

    ReplyDelete
  84. Sir tanong ko lang po . Namamatay po ba paminsan minsan yung makina ng ref na inverter ? Bago lang po ting ref namin eh. Panasonic 2 door inverter po .

    ReplyDelete
  85. Bigla nalang po nag off yung ref ko. Ano po kaya ang sira nun.

    ReplyDelete
  86. Ung ref namin na condura one door may ilaw at kuryente perp di nalamog natunaw lahat ng yelo na ginawa ko

    ReplyDelete
  87. sir, nagyeyelo Yung suction pipe NG compressor sa labas ng fridge ko sa likod nya,,okay Lang po ba Yun? masisira ba Yung fridge Kung hayaan Lang na ganun?

    ReplyDelete
  88. Sir ang condura negosyo- inverter po matagal tlga lunamig ang ilalim? pero ung freezer ok naman po.

    Kasi nung dineliver po tumabingi po e. tumama kc sa kable ng kuryente. naabot xa.

    hmm at isa pa po... pwede ko kaya singilin ung nag deliver?kasi noong dineliver nia na ay may dent na ung ref dahil sa nangyari pagtabingin ng red habang nasa sasakyan nia.

    ReplyDelete
  89. ask ko lng kakabili lng kse nmin ng ref, wla p sya 7days pasok p sya s replacement, npkabagal magyelo minsan 24 hours n hindi pdin buo, npapanis lng lahat ng nilalagay s loob, normal pba yun, sharp ung nbili nmin brand

    ReplyDelete
  90. Gaano katagal po bago magyelo ang samsung digital inverter? Ok lang ba na nakamaximum ang freezer nito? Ang tagal kasi magyelo. Bago pa r

    ReplyDelete
  91. Good am po bakit po ganun 'yong refrigator namin every 30 mins namamatay sya tas mabubuhay 30 mins ulit bkit ganon

    ReplyDelete
  92. hi po normal lng po bang sobrang init nung mga gilid ng sharp ref..kasi po na stock po xa ng 6months nung gagamitin n po ulit nmn sobrang init po ng dlawang gilid nia..pls answer po

    ReplyDelete
  93. hi ano pong sira pag bigla na Lang hindi gumana ung ref kahit nakasaksak naman po sa koryente ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko masabi, tawag ka po ng service technician at ipacheck nyo po.

      Delete
  94. sir ang no frost po ba na ref ay matagal magyelo? samsung po yung brand, balak ko po bumili

    ReplyDelete
  95. Sir ok lng po bang sa isang outlet na saksakan.pinagsabay ko ang ref at freezer??.o dapat po hiwalay ang saksakan nya?..thanks po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ipacheck nyo po sa license electrician yung electric capacity sa bahay nyo. sila po ang makapagsabi kung pwede po o hindi.

      Delete
  96. Hello po. . Sir tanong ko lang po kung pwede po lagyan ng mga sofdrinks ang chest freezer po dual function (fujidenzo brand po sya?) Pwede po kaya kahit magdamg sa loob po ng freezer ang mga bote ng soft drinks ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang bote po ay maaring pumutok sa extreme cold.

      Delete
  97. magandang araw, bakit yung ref ko umuugong sa loob pag binuksan ? normal lang ba un?
    tahimik kase dati to ee.
    LG

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung under warranty pa po ang ref nyo, tawag po kayo sa service ipacheck nyo po.

      Delete
  98. Meron po bang personal ref na inverter ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang alam ko po wala pa... kapag meron na po iblog ko po.

      Delete
  99. Lahat ba Ng ref namamatay pag malamig n sobra?

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat po kapag nareach nya yung desired temp, tigil po ang compressor.

      Delete
  100. Normal lng po b na ngyeyelo ung likod ng ref sa my bandang makina po ..ge po tatak ng ref namin

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po yun normal, ipacheck nyo na po agad sa service.

      Delete
  101. good eve po bumili po ako kahapon ng sharp 2 door no frost jtech inverter po... kaninang hapon ko lang po sya inopen... talaga po bang matgal lumamig yung babang part nya??? nagwoworry po kasi ko...magandang klase na po ba ito?? SHARP SJ-FTSO7AVS-SL??? sana po mareplyan ako salamat po

    ReplyDelete
  102. Ano po ba ang tamang temperature ng ref at ng freezer? Ang freezer ko po kc -7’c ang ref ko po -23 tama po ba?

    ReplyDelete
  103. Tama lng po bang temperature ang freezer -7’c ang ref -23’c tama lng po ba ito?

    ReplyDelete
  104. Bumili po ako ng Fujidenzo yung 2 door na maliit. Ok namn po sya 80 watts at may energy saving. Ask ko lang po Every anong day,weeks months ko sya pwede linisan or i defrost? At malakas po ba sa kuryente ang 80 watts?

    ReplyDelete
  105. Ano po ang magandang ref for small business? Magtitinda ng yelo at softdrinks sa sari sari store? Ok ba ang no frost inverter para dito?

    ReplyDelete
  106. Bakit po ba minsan malakas ang tunog nang reff ko pero minsan namannamang tunog.

    ReplyDelete
  107. tanong lng po ok d po b masisira ref k sa singaw n init ng aircon nasa lbas po kc ng kwarto ref k

    ReplyDelete
  108. May condura upright freezer po ako nag yeyelo naman po sya pero matagal tanong lang po kung bakit matagal sya mag yelo kahit freezer type sya

    ReplyDelete
  109. Kabibili lang po namin ng Panasonic NR-BP260VD 9cuft. Yung freezer gumagana sya pero hindi masyado nag freeze yung tubig na nilagay sa plastik, yung refrigerator naman hindi lumalamig almost 48 hours na syang nakasaksak. Normal po ba yun since bago pa ang ref or dpat mag work na yun normally?

    ReplyDelete
  110. normal lng po ba namamatay ung ref tapos sisindi din po

    ReplyDelete