Mga Dapat Tandaan Bago Bumili ng Air Conditioner.

by - 3:49 PM




Bago bumili ng Air Conditioner(AC) para sa personal o pangnegosyong paggamit ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod upang maiwasan ang pagkakamali sa pagitan ninyo at ng tindahang binilhan.

1. Pumili ng respetadong tindahan na dapat bigyan ng tiwala upang bumili sa kadahilanang hindi maliit na halaga ang inyong ilalabas upang ibili ng air conditioner. 

2. Alamin kung anong klase ng air condition ang gustong bilhin na may pagsaalangalang sa mga sumusunod; laki ng espasyo, mga equipment o appliances na nasa loob, dami ng taong gagamit, ayon sa posisyon ng araw, klase ng sahig (kahoy o simento), at iba. 

3. Kung ang espasyo ng paglalagyan ay 1 - 30 metro kwadrado, pwede na ang .5 - 2.5HP na window type. Kelangan ang circuit breaker mo ay 100 ampheres.

4. Kung 20 metro kwadrado pataas ang espasyo mo at gusto mo ay split type air condition, kelangan kang pumunta sa tindahan na iyong gusto at magrequest ng survey ng  area. Huwag mag-alala, libre naman ang survey. Pumili ka ng dalawa o tatlong Brand at sa kanila ka magpasurvey. 

5. Dalawa ang dahilan ng pagpapasurvey, una, upang malaman ang tamang lakas o cooling capacity ng air condition na dapat ilagay at pangalawa, upang malaman kung magkano ang magagastos sa instilasyon May mga supplier na nagbibigay ng libre hangang 10 metro ng copper tube pero di lahat may libre. Ngunit kung malayo ang indoor unit sa outdoor unit mas malaki ang inyong babayaran sa instilasyon. Humungi ng quotation para sa instilasyon upang maipagkumpara ang bawat installer.

6. Kung split type ang bibilhin mo, kailangan ang circuit breaker mo sa bahay o building ay 3 phase upang makasiguro na di mag-overload. Itanong mo sa lisenyadong electrician ang tungkol sa bagay na ito. 

7. May dalawang uri ng air condition, ordinary at inverter. Ang inverter ay mas mataas ang presyo kumpara sa ordinary ngunit mas matipid ito sa kuryente, mas tahimik ang motor at mas matibay. Kung may extra budget ka maipapayo ko na mag-inverter ka. Piliin din ang AC na may mas malakas na air blower upang mas malayo ang marating ng malamig na hangin at mas maayos na sirkulasyon.

8. Kapag nakapagdesisyon ka na, unang gawin ay bilhin ang AC at ipa-schedule ang instilasyon.  Huwag kalimutan i-fill up ang warranty card. Alamin kung ilang taon ang warranty ng pyesa at serbisyo, at ang motor/compressor ng unit. Alamin din ang dalas ng paglilinis ng AC. 

9. Kapag nainstall na, tiyakin na lumalamig ang AC bago paalisin ang installer. Ang mga AC na makabago ngayon ay may indicator kung tama ba ang pagkaka-instilasyon. 

10. Obserbahan mabuti ang AC sa loob ng 7 araw. Kung may nakita o naramdamang kakaiba, huwag magatubiling ipaalam sa tindahang binilhan o sa customer service hotline ng supplier. 

Note: Kung maari piliing ilagay ang unit ng AC sa north or south upang makaiwas sa araw. Ang araw kapag tumatama sa motor/compressor ng unit ay nagbabawas ng kakayahang magpalamig. 
 
 

You May Also Like

1 comments

  1. Dala n po b ng installer ang breaker? Incase n kelangan

    ReplyDelete