MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
Walang mas mabuting panahon upang bumili ng Telebisyon. Ang paglago ng teknolohiya ay nagpabago sa kalidad ng larawan ng telebisyon habang ito ay nagging mas abot kaya. Ngunit marami parin ang mga mamahalin at mataas na uri ng telebisyon sa mercado.
Ngayon na lubhang napakarami ng uri ng telebisyon, ano ang dapat mong hanapin sa pagbili nito? Narito ang mga dapat mong malaman upang makita ang pagkakaiba ng bawat telebisyon.URI NG TELEVISION
Ang una mong dapat malaman ay ano bang uri ng telebisyon ang dapat mong bilhin. Marami ng mga telebisyon ang nawala sa pamilihan tulad ng conventional, DLP, Plasma, Projection TV at LCD. Ang marami sa ngayon ay LED, QLED at OLED. Isa-isa po nating talakayin ang mga ito.
LED TV (Light Emitting Diode)
Ang LCD at LED TV ay palaging sinabi na magkaibang teknolohiya, kung paano nila pinalalabas ang picture sa screen ay pareho lang, ito ay sa pamamagitan ng Liquid Crystal Display. Ang LCD ay isang manipis na panel na pwede lumampas ang ilaw na binubuo ng milyong cells na kilala sa tawag na pixels na naglalaman ng liquid crystal. Ang bawat pixels ay pwedeng magbago ng opacity kapag nalagyan ng enerhiya. Ang Pula, Asul at Berdeng color filter ay pwedeng magbigay sa bawat pixel ng abilidad na gumawa ng kanyag sariling kulay. Kapag tumagos ang ilaw sa pixel galling sa likod, makakabuo ito ng malinaw na imahe o image.
Ang pagkakaiba lang ng LCD at LED ay ang ilaw nito sa likod o backlight. Ang LCD ay gumagamit ng fluorescent lamp samantalang ang LED TV ay LED lamp. Alam naman natin na mas maliit ang LED kesa sa fluorescent kaya mas manipis ang LED TVs. Gumagamit din ito ng mas kokonting kuryente kaya mas energy efficient ito o mas tipid.
Ang hindi magagawa ng florescent backlight ng LCD ay ang local dimming na pwede sa LED TV. Ito ay ang kakayahan mamatay ang ibang backlights sa isang scene na may mataas na contrast, kaya yung maliwag ay magiging mas maliwanag at yung madilim ay tunay na madilim. Ang LCD TV ay di pwedeng magpatay ng backlight kaya yung dapat ay itim o madilim ay kulay gray. Ang Local Dimming ng LED TVs ay mas matingkad na image at magandang contrast at color, kaya mas magandang tingnan ang mga larawan.
Nung nagsimula ang paglaganap ng LED TVs ito ay mas mahal ang halaga kumpara sa LCD TVs ngunit sa kinalaunan naging pareho nalang ang dalawa at nawala na ang LCD TVs sa merkado.
Quantum Dot / QLED TV
Upang maintindihan natin kung ano ang kaibahan nito sa
ibang TV technologies ay umpisahan natin sa Quantum Dots. Ang mga dots na ito
ay napakaliit na man-made crystals na nagliliwanag kapag tinamaan ng enerhiya o
energy source. Ang mga QLED TV ay meron layer ng mga quantum dots sa harap ng
blue backlight. Ang blue backlight ang nagpapagana sa quantum dots kaya ito
lumiliwanag. Ang kumbinasyon ng LED backlight at quantum dots ang
nagpapahintulot sa QLED TVs na maglabas ng napakaganda at malinaw na kulay at
liwanag. Datapwa’t, ang paggamit ng backlight ang sanhi ng hindi pagbibigay ng
mas malalim na dilim o deep black na pwede magawa sa OLEDs na gumagawa ng
kanyang sariling liwanag.
OLED TV
Sa lahat ng mga uri ng telebisyon na meron ngayon ang OLED TV ang pinaka-kakaiba. OLED (Organic Light Emitting Diode) TV ay kapareho ng LED TV, na may konting pagkakaiba lamang. Ang bawat pixel ay nakagagawa ng ilaw, kulay at opacity sa kanyang sarili. Ang ibig sabihin nito ay pwede ng wala itong backlight. Kaya ang OLED TV ay maninipis dahil saw ala na itong backlight. Ang liwanag o brightness ay nakocontrol na sa pixel pa lang at nakagagawa ito ng napakagandang contrast. Nakagagwa ito ng malalim na dilin o deep black, na hindi kaya ng ibang telebisyon. Sa simpleng pananalita, ang OLED TV lang ang nakagagawa ng matingkad na larawan sa lahat ng telebisyon sa ngayon. Ngunit ang OLED TV din ang may pinakamaiksing lifespan o haba ng buhay. OLED TV rin ang pinakamahal ang halaga kumpara sa LED TV at QLED TV, na isa sa kinaayawan ng marami dito.
Kaya kung bibili ka ng TV ang masasabi ko, ang OLED TV ay
para sa maraming pera, ang QLED ay para naghahanap ng magandang picture quality
at ang LED TV ay para sa lahat.
RESOLUTION
Ang isa na dapat mong pagdesisyunan sa pagbili ng telebisyon ay ang picture resolution. Ang resolution ng TV ay nasusukat sa dami ng pixels nito sa screen. Sa mga nakalipas na taon maaring pipili ka sa pagitan ng 480p, 720p o 1080p na TV set. Ang mga nabanggit ay ang dami ng pixels sa pahalang na linya sa inyong TV screen. Mas maraming pixels ay maganda ang detalye sa larawan na iyong pinapanood. Habang tumatagal ang screen resolution ay pinararami at ang kalidad ng larawan ay patuloy na gumaganda. Sa panahon ngayon hindi na uso ang 480p at ang 720p ay makikita nalang sa mga mumurahing tv sets. Sa pagdating ng mga matataas na resolution tulad ng 4K at 8K, pati ang 1080p ay malamang na mawala na rin.
Sa kasalukuyan, ang ating magandang pagpilian ay ang 1080p at 4K TVs. Kung ang 1080p ay tinatawag na HD o High Definition, ang 4K naman ay tinatawag na UHD o Ultra High Definition. Syempre kapag mas mataas ang resolution mas malinaw at maganda ang inilalabas nitong kalidad ng larawan sa inyong TV screen. Meron na rin na lumalabas na 8K dito sa Pilipinas ngunit bihira pa. Ito ay doble ang nagagawang detalye sa larawan at mas malinaw. Ngunit ang mga pelikula dito sa Pilipinas ay kokonti o wala pa ang 8K na format kaya hindi mo pa rin masyadong mapapakinabangan ang 8K.
Kaya kung bibili ka ngayon ng telebisyon pwede kang
mamili sa 1080p kung medyo kulang sa budget, at kung may budget naman at nais
mo ng mas magandang detalye sa iyong pinapanood mag 4K resolution ka.
LAKI O SIZE
Pagkatapos suriin ang uri ng TV at resolution na gusto mo, pumunta naman tayo sa pagpili ng laki ng TV na gusto mo. Dati rati, marami sa mga TV ay magkakapareho lang ang laki. Ang mga mataas sa 40’ ay tinatawag na malaking TV.
Karaniwang sabik tayo sa pagbili ng malaking telebisyon, ngunit hindi lahat ng Malaki ay Mabuti. Ang TV na sobrang laki, na hindi naayon sa paglalagyan nito at sa layo ng inyong panonood ay nakaiinis tulad din ng ito ay maliit. Masakit din sa mata kapag pakiramdam mo na sobrang laki ng iyong pinapanood. Kaya kailangan mo rin alalahanin ang laki ng lugar na paglalagyan mo nito na magiging palagay ka sa panonood. Ang masyadong malapit sa screen ay hindi rin maganda.
Kaya pumili ka lamang ng sapat ang laki na nararapat sa
laki ng lugar na paglalagyan nito, sa sobrang laki ay baka di ka naman
mag-enjoy sa iyong pinapanood at sumakit pa ang iyong mata.
HDR (High Dynamic Range)
Kung ang resolution ay nagdadala ng magandang detalye sa larawan, ang HDR naman ay naghahatid ng malawak na kulay sa larawan upang ito’y maging makatotohanan. Maraming bersyon ang HDR na lumalabas sa ngayon, ngunit darating din ang panahon na magkakasundo rin ang mga gumagawa nito sa isang bersyon na migiging universal. Ang mga ito ay HDR10, HDR10+, Dolby Vision, HLG at IMAX Enhanced.
Ang mahalaga kapag bumili ka ng telebisyon ay meron itong
HDR para maganda ang picture quality ng iyong telebisyon.
SMART TV FUNCTION
Marami sa mga mabibiling mga TV ngayon ay SMART TV na. Sa pamamagitan nito ay makakagagamit ka na ng mga web application sa iyong telebisyon. Pwede ng makapanood ng mga video mula sa Youtube, Netflix, Vimeo at makakapakinig ka ng music sa Spotify. Pwede mong gamitin si Google assistant upang mapadali ang iyong paghahanap ng mga nilalaman ng web. Araw-araw ang SMAT TV ay nadadagdagan mga bagong features na pwede mong ma-enjoy. Ngunit para ma-enjoy mo talaga ang iyong Smat TV dapat ay may stable kang internet connection sa bahay o sa paglalagyan nito.
Marami nang web applications ang available sa Smart TVs
ngayon kaya kung mahilig ka sa panonood, ikaw na ang magsasawa. Alamin mo rin kung
anong version ng Operating System meron ito. Marami sa mga TV ay gumagamit ng
Android OS kaya piliin mo yung may pinaka-latest version tulad ng Android 9 or
10.
DIGITAL TUNER
Sa pagbili mo ng TV, dapat mong alamin kung ito ba ay mayroon
ng digital tuner o ISDB-T Tuner upang di ka na bumili ng set-up box na tulad ng
ABS-CBN TVplus, Affordabox at RCA digibox. Mawawala na sa malapit na panahon
ang analog broadcast ng mga TV station at ito ay pinalitan na ng Digital
Braodcast kaya kelangan ang TV mo ay may digital tuner upang masagap mo ang mga
digital channel sa iyong Telebisyon.
MGA SAKSAKAN O INPUTS
Kailangan mong tingnan ang mga saksakan sa gilid o likod
ng TV. Kailangan meron kang 2 – 4 na HDMI inputs para sa mga aparato na gusto
mong ikabit sa iyong telebisyon tulad ng blu-ray player, video game sytem,
streaming media player, laptop at PC. Kapag may sapat na inputs ang TV mo, di mo
na kailangan bumili ng HDMI splitter upang magamit ang iba’t iba mong devices
ng hindi mo na tinatangal. Pumili rin ng may USB 2.0 inputs para makapanood ka ng mga pelikula.
Tingnan mo rin kung may audio input at output ang iyong telebisyon dahil magagamit mo ito kapag gusto mong palabasin ang tunog ng TV sa iyong amplifier.
Marami pang dapat isaalangalang sa pagbili ng TV ngunit ang mga nabanggit ang pmga pinakamahalaga sa lahat kaya dapat ang mga ito ang dapat mong tandaan kapag bibili ka na ng telebisyon.
Salamat po sa pagbisita sa website na ito!
Appliance PH Television Episodes
1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY
3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV
4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND
5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV
6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?
7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY
8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS
9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV
0 comments