PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV?
Sa videong ito ay paguusapan naman natin kung paano natin pangangalagaan ang ating mga TV o telebisyon. Mahalaga ito lalo na kung gusto mo magtagal ang iyong TV especially kung malaki ito at mahal ang halaga. Ang paghaba ng buhay ng ating TV ay nasa atin ding kamay. Kaya tutok lang at panoorin hanggang huli ang videong ito.
Araw araw natin ginagamit at tinitingnan ang ating mga tv pero minsan kahit marami ng alikabok ay nakakalimutan pa rin itong linisin. Tandan na bago natin linisin ang ating tv ay alisin muna ang pagkakasaksak nito sa outlet. Ang simpleng pagpunas ng pranela o malabot na basahan sa screen nito araw araw bago ka manood ay isang simpleng paraan ng pangangalaga nito. Ngunit minsan ang simpleng pagpupunas ay hindi sapat. Hindi natin napapansin may mga dumi sa screen na di naalis ng simpleng punas dahil nakadikit ito. Kelangan natin gumamit ng distilled water upang maalis ang mga marka sa tv tulad ng water marks, oil marks and removable scratches. Huwag na huwag i-spray ng diretso kahit na anong liquid sa screen ng TV, ang gawin mo ay sa pranela o malambot na basahan mo i-spray ang distilled water tapos sa saka mo sya ipahid sa screen ng tv very gently. Kailangan ay hindi basang basa yung pranela o soft cloth para walang maiwang basa o watermark sa screen. Huwag po gumamit ng detergent at iba pang chemical panglinis ng screen ng inyong TV. Magaan na pagpupunas lang ang kailangan at huwag mong diinan ang LCD panel nito.
Sa likod ng inyong tv naman karaniwang agiw at alikabok ang madaling dumami kaya dapat every other day nililinis mo ito. Ang likod ng TV ay may mga butas o air vents na maaring pasukan ng agiw at alikabok. Tandaan natin na ang piyesa ng mga tv ngayon ay napakaliliit at sobrang dikitdikit. Isang maliit lamang na dust ang makapasok sa loob sa main components ng tv ito ay maaring makaapekto sa performance ng ating television. Ang mga alikabok na makakapasok din sa loob ng ating mga tv ay maaring magcause ng short circuit na pwedeng magdulot ng hindi nito paggana ng maayos. At sa mga ibang pagkakataon ay maari itong makaapekto sa picture quality. Sa araw araw ang simpleng duster ay pwede mong gamitin pangalis ng mga alikabok.
Ang pagdami dami ng dust o alikabok sa mga air vents ay makakasagabal sa circulation ng air at pwedeng maging dahilan ng overheat. Pwede kang gumamit ng vacuum cleaner dalawang beses isang bwan upang maalis ang mga alikabok sa mga lugar na mahirap maabot. Bago ka gumamit ng vacuum cleaner, siguruhing hindi nakasaksak ang tv sa outlet. Italikod mo ito para madali mong makita ang mga air vents at mailagay ang nozzle ng vacuum cleaner. Hindi naman kailangan matagal basta nakita mo na naalis na ang mga alikabok ay pwede mo na ititgil.
Ang mga component inputs ay kailangan din linisin tulad ng HDMI, RCA at USB input terminals at port para hindi ka mahirapan sa pagconnect ng mga external devices. Yung akala mo na sira yung ikinokonek mong device yun pala alikabok lang ang dahilan kaya di nagkokonek.
Iwasan na tamaan ng matigas na bagay ang inyong TV screen upang huwag masira ang panel at liquid crystal nito. Huwag lagyan ng mataas na pressure ang screen ng TV tulad ng pagtulak o pagpalo dito. Ang pressure sa screen ay maaring maging sanhi ng dead pixel o kung malala ay screen blackout.
Siguruhin na tama at maayos ang pagkakabit ng mga external devices sa iyong tv. Gumamit ng tamang cables sa bawat devices para maiwasan ang pagkasira ng iyong TV.
Ang remote control ay parte ng ating TV lalo na ngayon na karamihan sa mga LED TV ay wala ng control buttons sa body nito at nakasalalay lang ang control sa remote control nito. Ang remote ay minsan nakakaligtaan ng ingatan at palagi nlng nauupuan, nahuhulog, ipinang babato ng mga bata. At sa katagalan hindi man lamang tsinetsek kung ok pa ba ang battery o baka nagleak na ang battery nito.
Kailangan nyo rin ingatan ang remote control at iwasan itong mabagsak mahirap makabili ng kapalit nito, ang universal remote ay hindi talaga kagaya ng iyong remote control. Palitan ang battery kung matagal na ito at wag mo ng intayin di gumana bago mo palitan. Gumamit ng lithium o recharble battery para mas reliable. Para maprteksyunan mo ang iyong remote control pwede ka bumili ng case nito. Proteksyon ito sa pagkabagsak at pagkakaroon ng alikabok. Mabibili mo ito sa mga appliance store.
Tandaan na ang remote control ay hindi kasama sa warranty ng inyong TV dahil accessory ito. Kaya dapat ingatan mo ito tulad ng tv mo.
Ang pagpapahalaga sa ating mga appliances ay dapat maging ating priority dahil hindi kokonting pera ang ginastos natin sa mga ito. Kaya dapat alamin nating alamin ang mga pagay kung paano pangangalagaan aang mga ito.
Appliance PH Television Episodes
1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY
3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV
4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND
5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV
6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?
7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY
8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS
9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV
0 comments