ANG BRAIN O PROCESSOR NG TV

by - 11:39 AM



Nais ninyo bang malaman kung ano ang utak o brain ng inyong mga tv? Sa videong ito ay ipapaliwanag natin kung ano ang TV Processor at ang function nito sa ating mga telebisyon. Mahalaga bai to o hindi? Kaya tumutok na hanggang sa hulihan para malaman ninyo ang tungkol dito.

Sa una nating article na may title na ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION ay tinalakay natin ang mga sumusunod, Type o Uri ng mga Television, TV Resolution, TV Size, Smart TV function, Digital Tuner at mga Inputs. Ngayon ipapaliwanag ko naman po ang pinakamahalagang bahagi ng TV, ang Processor nito.

Ang buhay ng tao ay pabilis ng pabilis. Tulad din ng mga napapanood natin sa ating mga TV tulad ng mga sports, movies, motor racing at gaming. Upang makasunod ka sa bilis, kailangan mo ng speedy at powerful na tv processor.

Tulad ng computer processor, ang powerful chip na ito ay nasa loob ng inyong TV. Ito ay karaniwang sinasabi na utak o brain ng TV. Ito ang nagbibigay ng mabilis na paglabas ng mga images sa screen ng TV, sa pamamagitan ng pagprocess ng mga video na iyong pinapanood. 

Bakit ba mahalaga ang TV processor? Dahil ito ang may direct impact sa picture quality ng inyong TV. Ang mabagal na processor ay maaring magdulot ng, Una, yung mabibilis na video ay magmumukhang slow motion at sluggish. Pangalawa, Ang picture ay grainy at maraming image noise, at Pangatlo, patay o dull ang kulay at mukhang di totoo.

Kapag ganito ang makikita mo siguradong hindi ka mageenjoy sa panonood. Kaya napakahalaga na pumili ka ng TV na may powerful processor tulad ng Alpha 9 Gen 3 ng LG, Neo Quantum Processor ng Samsung at Sony X1 Ultimate Gen3.

Sa pamamagitan ng malakas na processor, ang isa pinakamabuting magagawa nito ay ang pag-iwas sa blurring ng mga mabibilis na scene tulad  ng isang kotse na tumatakbo from 0 to 120mph in 3 seonds. Tulad ng paglalaro sa game console, kapag bigla kang inatake ng kalaban, kailngan makita mo agad sa isang kisap mata, ng malinaw.

Ang mga action na tulad nito ay binubuo ng mga frames, na gumagalaw ng napakabilis. Ang mga regular na TV ay nakakapaglabas lamang ng 30 hanggang 60 frames lamang sa isang Segundo, ngunit tulad ng Alpha 9 ito’y kayang maglabas hanggang 120 frames per second, na napakalaking pagbabago. Kahit na ang pinakamabilis na sporting action ay nanataling makinis, malinaw at di lumalabo.

Ano ba ang refresh rate? Ang inyong  TV picture ay mayroong maraming mga frames – ito ay mga sunodsunod na images na inilalabas sa pamamagitan ng kakaibang bilis. Sa tuwing ang isang imahe ay nagiiba papunta sa kasunod na frame, ang screen ay nagrefresh. Mas mataas ang refresh rate , mas maraming beses magrefresh ang images per second.

Ang mga makabagong TV processor ay mahigit pa ang halaga kesa sa pagdisplay ng mabibilis na video. Ang mga ito ay dinesenyo upang mas lalong magpaganda ng picture quality. Kasama dito ay ang mga sumusunod; Pag-aalis ng grains at noise sa picture, Palabasin ang detalye at texture ng picture, makapaglabas ng picture na may lalim o depth at pagpapalabas ng napakagandang kulay.

Sa pamamagitan ng powerful TV processor, paano nagkakaroon ng noise reduction? Sa pamamagitan nito, ang mga edges ng bagay sa larawan ay inaayos upang magbigay ng mas magandang detalye at maging makatotohanan. Ang mga bagay ay inihihiwalay sa background upang magkaroon ng lalim o depth at mailabas ang mga nakatagong mga detalye ng larawan. Ang kulay ay mas detalyado at mas malinaw ng pitong bese kumpara sa regular na TV.

Ang future ng mga parating na TV ay ang Artificial Intelligence (AI). Ang mga makabagong tv processor  ay mayroon ng advance picture processing at latest na AI. Sa pamamagitan ng million data point, ang malalim na learning algorithm ay lumlikha ng picture na tugma sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng AI, pwede ka ng manood kahit anong oras. Alam naman natin na minsan mahirap manood dahil may glare ang screen ng TV lalo na sa hapon, ngayon  ang pagbabago sa light ay nalalaman ng processor at automatiko itong nagaadjust sa liwanag ng kuwarto. Kaya ang mga movies ay nanatiling mainam kahit na anong oras sa araw o gabi ka manood.

Ang malalaking landmark tulad ng Egyptian Pyramid o malalaking cathedral ay nawawala ang mga detalye sa malilit na TV screen. Ngayon, ang AI analysis ay inaalam ang lugar na kailangan ng improvement at iniaayos ito, na nagdadala ng mataas na kalidad ng sharpness at binabawasan ang image noise.

Napaka halaga po ng TV processor kaya dapat bigyan natin ng pansin ito kapagbibili tayo ng TV.

Para naman po sa mga heavy gamers jan… maipapayo ko po sa inyo na ang bilhin nyong TV ay may refresh rate na 120hz to 240hz at TV na may Wide Viewing Angle, para sulit kayo sa paggigame nyo gamit ang inyong TV. 

 

 

 

 

Appliance PH Television Episodes

Television Playlist

1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION

2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY

3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV 

4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND

5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV

6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?

7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY

8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS

9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV

  

You May Also Like

0 comments