PAANO MAKATIPID SA KURYENTE SA PAGGAMIT NG AIRCON?
Dahil panahon na ng tag-init, marami ang siguradong gagamit ng kanila air conditioner para labanan ang init ng panahon. Ngunit sa paggamit ng aircon ang taas naman sa kuryente ang kasunod na concern ng bawat isa. Kaya mainam na malaman natin kung paano mapapanatiling mababa ang kunsumo sa kuryente habang gumagamit ng aircon.
Ang pagtaas at pagbaba ng kunsumo sa kuryente gamit ang aircon ay nakasalalay din sa ating mga kamay. Kaya dapat tayo ay maging handa. Sa mga mayaman na may pambayad maaring ok lang, pero sa mga sakto lang sa bwanang budget ay malaki ang magagawa ng mga tips na ito.
Ang una sa lahat ay dapat tama ang cooling capacity ng aircon ayon sa laki ng lugar na paglalagyan nito. Kapag under capacity ang aircon mo sa lugar, ang tendency ng aircon ay gumana ng gumana hanggang sa mapalamig ang lugar at dahil hirap ang motor tuloy tuloy ang andar nito at sigurado na magshoot-up ang electric consumption mo. Kaya siguruhin na sapat o mataas ng konti ang capacity ng iyong aircon against doon sa space na pinaglagyan nito upang madali nitong mapalamig ang lugar at nakakapahinga ang compressor nito. The air conditioning unit must fill the room with enough cool air until it reached desirable temperature then will temporarily stops, until it needs to supply again the room with cool air.
Ang location kung saan dapat natin ilagay ang aircon ay dapat ay sa mataas upang maging mas maganda ang air circulation. Tandaan na ang tendency ng movement ng malamig na hangin ay pababa at ang mainit na hangin ay pataas. Sa pamamagitan nito mas mabilis ang ikot ng hangin sa loob ng kwarto at madaling mapupuno ng malamig na hangin ang kwarto, meaning lesser ang paggana ng compressor kapag mabilis lumamig ang lugar. The fast circulation of air is very helpful in cooling the whole room ang reaching the desired temperature to make the unit temporarily stops.
Ang isa sa pinaka epektibong gawin upang makatipid sa kuryente ay pagsisiguro na silyado ang iyong kwarto laban sa paglabas ng malamig na hangin. Kapag silyado ang lahat na maaring daan ng cold air palabas, ang malamig na hangin ay mananatiling matagal sa loob ng kwarto o lugar at ang kumpresor ay di agad gagana kapag ang malamig na hangin ay sapat sa loob ng kwarto. Kapag silyado ang kwarto mas mabilis din lalamig ang kwarto at madali din titigil ang compressor ng aircon, so lesser ang kunsumo ng kuryente. Sealing your room to prevent cool air from coming out will help in cooling the room fast and maintaining the cool air longer, thus lesser work for the compressor and lesser electric consumption.
Sa gabi kapag matutulog na, iset ang timer ng iyong aircon sa 3 to 4 hour lang at ito ay mamamatay na. Para makatipid, paganahin mo lang ang aircon mo ng mga tatlong oras sa gabi at itimer ito para kusang mamatay. Ang natitirang lamig sa kwarto ay mananatili hanggang sa umaga na lalo kung ang kwarto ay silyado, sigurado paggising mo malamig pa rin ang kwarto mo. Sa pamamagitan nito, hindi mo ginamit ang aircon ng 8 hours habang tulog ka kundi 3 oras lamang, sigurado itong malaking tipid sa iyong kuryente. During night time, use timer to set the aircon to cool for 3 to 4 hours then automatically turn off. The rest of the cool air, specially if the room is sealed, will keep you cool until you wake up in the morning. It will help you save electricity.
Clean the filter of your aircon frequently, it will help in keeping good air circulation from the room to your aircon unit. Good air circulation will help in cooling the room fast, thus making the work of the compressor easier. Wag tayong tamarin na maglinis ng air filter ng ating aircon, makatutulong pa ito sa ating kalusugan.
Huwag kalimutan na magpalinis ng aircon ninyo every 3 months upang mamaintain ang pinaka mataas na performance nito. Kapag nasa good working condition ito siguardong mabilis ito makakapagpalamig at kapag mabilis lumamig mas magiging efficient ito gamitin. Have your aircon clean quarterly or every 3 months, to maintain good working performance and making it work efficiently.
Kung ang aircon ninyo ay tinatamaan ng araw sa labas ng inyong bahay, mas maganda lagyan ito ng bubong o cover para makaiwas sa direct sunlight. Ang direct sunlight ay nakakaapekto sa performance ng inyong aircon unit at nagpapataas ng temperature nito, dahilan upang hindi ito kapagbuga ng malamig na hangin ng mabilis. Tandaan na mas matagal gumagana ito mas maraming kuryente ang kinakain nito. Maaring di kayo naniniwala dito pero maaring isa ito sa dahilan kung bakit mataas ang kosumo mo sa kuryente. Cover the outdoor portion of your aircon to prevent direct sunlight because it may cause the aircon to lessen its ability in pushing cold air inside due to the heat coming from the sun.
Sa pamamagitan ng mga tips na ito ay maeenjoy nyo ang paggamit nyo sa inyong aircon at maaring mapababa nyo ang inyong electric bill. Mga KaAppliance, Kung meron pa po kayong maishare na tips paki-comment lang po sa ibaba.
1 comments
Thanks thanks for the helpful tips.
ReplyDelete