Ang Mga Benepisyo ng Split Type Air Conditioner.

by - 7:48 PM


Ang pagbili ng bagong split type air conditioner at installation service nito ay mas mura na sa panahon ngayon. Ang pagbili ng aircon ay kailangan pag-aralang mabuti upang maganda ang maging resulta. Ang split aircon ay nahahati sa dalawang unit, ang sa loob(indoor) at nasa labas (outdoor).

Ang split air conditioner ay unang nakita sa Japan at naging popular sa buong mundo dahil sa husay nito at mababang kunsumo sa enerhiya. Maraming mga kumpanya ng air conditioner ang nagbebnta nito sa mababang halaga. laging pumili ng magandang brand ng air conditioner at installation service nito.

Ang compressor ng split air conditioner ay nakalagay sa labas bahay o building. May mga kumpanya na gumawa ng mga modelo na may multiple indoor units na may isa lamang compressor. Narito ang mga benefits o benepisyo ng split type air conditioner.

Ang unang bentahe ng split type aircon ay madali itong mainstall o maikabit. Ang kailangan lang ay maliit na butas upang paglusutan ng copper tube at wiring. Ang copper tube ang nagkokonecta sa unit sa loob at sa compressor. Kaya ang isa sa pinakamagandang benipisyo nito ay mas madali itong alagaan at linisin dahil nasa labas ang compressor nito. Mas madali din itong i-repair kapag nagkaroon ng sira. Ang filter nito ay madaling linisin dahil pwede itong hugasan. Kaya talagang ganito ang disenyo nito upang madali ang pagpapanatili, paglilinis at pagkumpuni o repair nito.

Ang isa pa sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng split aircon ay ang tahimik nitong operasyon. Dahil nasa labas ang compressor hindi mo marinig ang patakbo nito. Dahil tahimik ito, pwedeng-pwede ito sa mga classroom, boardroom at sa ating mga silid. Mabuti rin itong gamitin sa pagpapalamig ng mga lugar sa maikling panahon lamang tulad sa sala at sa silid o kwarto naman sa gabi.

Ito ay isang maganda at matipid na paraan para sa’yo dahil ang split type aircon ay matipid sa elektrisidad lalo na kung ang bibilhin mo ay may inverter motor.

Ang control ng split aircon ay hindi kumplikado at madali lamang gamitin na siguradong ikatutuwa mo. Ito ay mayroong remote control at manual thermostat control sa indoor unit. Ang pagcontrol ng temperatura sa split aircon ay napakasimple at madali. Ang indoor unit lalo na yung wall mounted ay maganda rin dekorasyon sa iyong kwarto o sala. Imbes na bumili ka ng malaking window type na aircon, ang split ay naghahatid ng magandang kaayusan sa iyong bahay. May magagandang desenyo din nito na siguradong lalong magpapaganda sa loob ng bahay mo o upisina nyo. May mga brand ng aircon na may nga anti-bacterial filter na at ionizers na kumokontrol ng microbyo at alikabok sa hangin. May mga split type aircon din na dinesenyo upang mabilis magpalamig ng inyong mga silid dahil may malakas na blower ito. Meron din na pwede mong gamitin ang wifi upang kontrolin ito.

Ang warranty ng compressor nito ay pangkaraniwan na 5 taon at ang manufacturer’s warranty naman para sa parts at service ay isang taon.

Ang split type aircon ay may iba’t ibang lakas na iaankop mo sa laki ng paglalagyan nito. Ang cooling capacity ng split aircon ay mula 1.5HP ang pinakamaliit hangang 5 toners ang malaki, na pwede sa bahay at mga upisina.

May iba’t ibang klase din ng indoor unit ito, depende kung ano ang inyong gusto tulad ng wall mount, ceiling cassette at floor standing. 

Bago ka bumili nito magpasurvey ka muna sa mga awtorisadong service center ng mga kumoanya. Libre naman ang pasurvey. Sa ganitong paraan maksisiguro ka kung anong cooling capacity ang dapat mong bilhin para sa lugar na gusto mong palamigin. Tandaan mo kung anong kumpanya o brand ang aircon mo dun ka rin dapat magpa-install. Kapag ibang kumpanya ang nag-install, mawawalng bisa ang warranty ng aircon mo. 


You May Also Like

0 comments