ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY?
Sa aking video na ginawa 4 months na ang nakakalipas na may pamagat na “Ang Mga Dapat Tandaan Sa Pagbili ng Television” ay maraming nagtatanong kung anong brand daw ba talaga ng TV ang matibay. Kaya nagdesisyon ako na gumawa ng video tungkol dito.
Hindi lahat ng mahal ay matibay at hindi lahat ng mura ay sirain. Tulad din sa telebisyon, karamihan sa mataas ang presyo ay siyang matitibay dahil sa mataas na uri ng materyales na ginamit, skilled ang mga gumawa o bumuo nito at mataas level ng standard pagdating sa quality control. Karamihan sa may matataas na presyong telebisyon ay ang mga nanggaling sa bansang Japan at parte ng Europa, na kilala sa kalidad sa paggawa ng mga consumer electronics. Ang mga kilalang brand na galling sa Japan ay ang Sony, Sharp, Panasonic at Toshiba. Ang nanggaling naman sa Europa ay ang Philips. May dalawang brand na galling sa South Korea ang bumabandera sa merkado ngayon at ito ay ang Samsung at LG.
Napakaraming brand ng TV ang nagmula sa China ang naglipana sa appliance market sa Pilipinas ngayon na karaniwan marami ang bumibili dahil sa napakababang presyo nito kumpara sa mga pangunahing brand. Meron ding mga pangunahing brand na ang ilang sa kanilang mga modelo ng TV ay sa China ginawa dahil sa mababang cost ng labor sa doon, ngunit sinisiguro nila na ito ay pumasa sa kanilang quality control at standard. Sa bawat pagbili mo ng brand na nagmula sa China, malaki ang risk na masira agad ang mga ito lalo na kung ito’y nakita mo online. Kung gusto mo ng sakit ng ulo at masayang ang pera mo bumila ng mga ito.
Ang karaniwang dahilan kung bakit marami ang lumalabas na mahuna o siraing mga telebisyon ay ang mass production ng mga ito na karaniwan ay makina na ang gumagawa at limited na ang human intervention. Dahil sa mabilisan at maramihang paggawa sa mga pabrika ng telebisyon ay ang siyang nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng mga telebisyon, lalo na kung ito ay ginawa sa China na kilala sa paggawa ng mura ngunit may babang kalidad ng mga produkto. Kaya marami ang nagsasabi na ang mga TV ngayon ay disposable na.
Marami sa mga LED TV ngayon ay manipis at magagaan dahil sa paggamit ng napakaliliit na pyesa. Ang maliliit na pyesa na kung ito ay matanggal sa mga PCV board na pinaglalagyan nito ay maaring pagsimulan ng malfunction ng TV. Ngunit yung mga kumpanya na may strict quality control na pihahalagahan ang kalidad ng kanilang telebisyon ay nagsasagawa ng masusing test upang masiguro nila na kahit may maliliit na pyesa silang ginagamit ito ay hindi pagmumulan ng malfunction.
Ang tagal ng buhay o lifespan ng bawat LED TV ay nakabatay sa tagal ng panonood o watch hour. Ang LED, QLED at Nanocell TV ay karaniwan na may 60,000 to 80,000 watch hour hour lifespan at ang OLED na mataas ang presyo dahil sa ganda ng picture quality nito ay may 40,000 to 60,000 watch hour lifespan lamang. Kaya depende sa haba ng panonood ninyo ng TV sa isang araw ang itatagal ng inyong TV.
Ang maganda lang sa LED TV ay matipid ito sa kuryente dahil ang LED lights nito ay energy efficient na hindi tulad ng sinaunang Cathode Ray Tube o CRT na gumagamit ng mataas na enerhiya upang makapagpalabas ng liwanag. Ang CRT TV din ay may small amount of radiation na nagmumula sa screen nito, na wala sa LED TV.
Kaya masasabi ko na huwag kayo matakot na bumili ng LED TV, dahil baka nga disposable ito, hindi yan totoo. Mahaba ang lifespan ng LED TV kailangan lang umiwas ka sa brand na gawa sa China. Subukan mong bumili ng Japanese brand na may malapit na service center sa lugar ninyo na para kapag ito’y nasira may matatakbuhan kang gagawa.
Ang bawat appliances ay kailangan mo rin gamitin ng maayos at alagaan para magtagal ito. Kapag ginamit mo ito ng straight na apat na oras dapat sigurong papahingahin mo muna para magcool-off naman ang TV mo. Huwag mo hayaang mabagsak ito o tamaan ng matigas na bagay ang panel nito. Nasa inyong pangangalaga din ang itatagal nito. Minsan ay inaabuso din natin ang mga ito tulad ng K-Nobela marathon na 24 hours na walang patayan ang TV.
Sa 25 years experience ko sa appliance industry ang mga brand ng TV na subok ko na ay ang PHILIPS, SONY, SHARP, PANASONIC AT TOSHIBA. Hindi ko po sinasabi na hindi ang mga ito nasisira, ang point ko ay kilala ang mga brand na ito na maganda ang kalidad ng mga telebisyon na inilalabas nila sa merkado. Ito po ay batay sa aking karanasan kaya ko po nasabi. Kung wala ang brand ng TV mo sa mga nabangit ko, hindi ko sinasabi na inferior ang brand ng TV mo, kundi maaring wala pang sapat na batayan upang masabing matibay talaga ito. Panahon ang nagsasaysay ng durability o tibay ng mga appliances at hindi lang TV pati ibang consumer electronics na meron ang isang brand.
Kung features, gaming at picture quality naman ang paguusapan ay bilib ako sa Samsung, Sony at LG.
Sana nasagot ko ang tanong marami sa inyo.
Appliance PH Television Episodes
1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY
3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV
4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND
5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV
6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?
7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY
8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS
9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV
0 comments