Appliance Pahulugan Dumarami Ngayon

by - 2:08 PM





Para sa mga ordinaryong mamamayan dito sa Pilipinas na kumikita lang ng sapat, ang pagmamay-ari ng isang mamahaling appliances ay maituturing na isang kayamanan. Ang masinop na pag-iimpok ng salapi upang makabili ng kagamitan sa bahay ay matiyagang ginagampanan upang maisakatuparan ang minimithing ginhawa sa loob ng tahanan.

Meron naman na ang pangangailangan ay agaran kaya napipilitan kumuha ng pahulugan o kaya ay wala talagang kakayahang bumili sa pamamagitan ng cash. Meron naman na gumagamit ng pasilidad ng mga banko tulad ng credit card upang mabili ang minimithing gamit sa bahay. At ang pangkaraniwang pamamaraan ng pagbili ay ang PAHULUGAN. Sa appliances, maraming negosyo ng pahulugan ay nag-umpisa pa nung 1960s. 

Sa kasalukuyan, ang pahulugan ay isa ng regular mode of payment sa mga appliance center. May tindahan ng appliances na nagaalok ng sarili nilang pahulugan o sel-finance at meron naman na third-party financing. Talakayin natin ang bawat isa.

1. Self-Finance Installment - Sa merkado ang mga maituturing na self-finance ay yung mga stand alone na appliance store na karaniwang makikita malapit sa mga subdivision at residential areas.  Ang target nilang merkado ay yung mga residente at ordinaryong empleyado na walang credit card. Maraming tao ang kumukuha dito lalo na yung mga ordinaryong mamamayan na hindi masyadong mataas ang kinikita na natatakot kumuha sa mga bigating financing company. Karaniwan sa mga self-finance appliance dealer ay may mga collector na umiikot upang kumulekta sa kanilang customers.Mas madali ang pagkuha ng appliances sa mga tindahang ito pero mas mataas din ang pursyento ng interest na ipinapatong sa bawat appliances na ibinibigay nila. Hindi sila nag babase sa SRP kundi pinapatungan muna nila ito ng 20 - 25% bago nila lagyan ng interest na umaabot sa 3.8 to 4% per month depende sa haba ng gusto mong terms. Karaniwang may down payment silang hinihingi bago nila i-deliver ang order na appliances. 

Ang mga kilalang appliance store na may self-finance installment ay ang mga sumusunod;




May mga self-finance appliance company na may mga ahente na nagbebenta para sa kanila na kumikita ng 8% commission sa bawat item na maibenta nila. 

2. Third-party Financing - Eto yung mga kumpanyang walang sarili nilang appliance store. Karaniwan silang makikita sa mga malalaking appliance store na walang financing na kanila. Naglalagay lang sila mga representante sa bawat katie-up nilang appliance store upang magbenta ng installment sa mga cutsmomers nito. Malaking bentahe ito sa mga appliance store na walang financing dahil kung walang cash at credit card ang kanilang kliyente ay pwede pa ring kumuha ng appliances sa kanila. Ang mga financing na madalas mong matatagpuan sa malalking appliance store ay ang sumusunod.


  • HOME CREDIT - Dito mabilis ang approval. I-process nila application mo within 30-60 minutes pero mataas ang down payment at interest rate.
  • AEON CREDIT - Matagal ang processing na umaabot sa 3 - 5 araw pero maliit and down payment at intrest rate.
  • RADIOWEALTH FINANCING CORP. Matagal ang processing ng application pero mas madali ang approval, hindi masyadong mahigpit sa background investigation. 
Karaniwang sa mga payment institution nagbabayad ng monthly dues nila ang mga customers tulad ng bayad centers at bank institutions.

Ang mga malalaking appliance store ang karaniwang may mga third-party financing ay ang ABENSON, SM APPLIANCE CENTER, WESTERN APPLIANCES, ROBINSONS APPLIANCES at marami pang iba.


Depende na sa consumer kung saan kukuha ng gustong appliances o gamit sa bahay at kung anong uri ng pagbabayad ang gusto nya. Ang mga financing institution na ito ay malaki ang nagagawa upang matulungan ang mga consumers na makabili ng kanilang gustong appliances. 


You May Also Like

2 comments

  1. Replies
    1. Salamat po... marami pa po akong ginagawang articles para marami ang makaalam.

      Delete