TOP REFRIGERATOR BRAND IN THE PHILIPPINES
Ngayon pag-uusapan
naman natin ang tungkol sa mga pangunahin brand ng refrigerator na available sa
Philippine market. Mahalagang malaman ang mga pangunahing brand ng refrigerator
upang madaling makapagdesisyon kung sakiling gustong bumili nito.
Ang ranking
po ng mga brands dito ay base po sa aming sariling obserbasyon at pag-aaral at
wala kinalaman sa ibang pag-aral o surveys. Kung may sarili po kayong ranking
i-share nyo sa comment sa ibaba para makatulong sa iba.
12.
ELECTROLUX
Ang Electrolux ay isa sa mga pangunahing appliance company sa buong mundo. Ang kumpanya ng Electrolux ay may refrigerator na kinuha sa kanilang sariling pangalan, “Electrolux refrigerator”.
Ang Electrolux ay nagdedevelop ng teknolohiyang naglalayong makapagpanatili ng sariwa at masarap sa panlasang pagkain. Ang mga refrigerator na ginagawa ng Electrolux ay side-by-side, bottom freezer, French door at top freezer refrigerators. Ang mga refrigerator ng Electrolux ay kilalang maasahan. Ang kanilang mga refrigerator ay presentable at napakagandang tingnan lalo na sa mga modernong kusina. Ang pagiging presentable at maasahan kasama na ang tibay ang nagpapanatili sa mga ref ng Electrolux kasama sa mga top brands, Ang Electrolux refrigerators ay may medium to high range price kumpara sa ibang brand ng refrigerator.
Ang pinakamagandang
katangian ng technology na dinevelop ng Electrolux ay ang pananatili ng mga
pagkain na sariwa at yun ang isa sa kanila trademark, “freshness”.
11. AMERICAN HOME
Ang dahilan kung bakit
kasama ang American Home refrigerators sa pangunahing brand ay dahil sa
flexibility nito. Hindi natin pwedeng tawaran ang kalidad nito at isa ito sa
matitibay na brand ng refrigerator. What separates American Home from other
brand is the affordability. Ang presyo ng AH refrigerator ay hindi sobrang mababa
at hindi naman ito mataas.
Ang American Home ay nasa hanay ng mga refrigerator brand na masasabi nating matitibay, na kayang tumagal sa panahon.
Pagdating sa affordability,
isa ito sa katangiang panlaban nila laban sa competition. Tulad ng mura nilang
side-by-side na mga refrigerators sila ang isa sa may pinakamababang presyo
nito.
10. WHITE WESTINGHOUSE
Ang White Westinghouse ay isa sa mga pinakakilalang brand pagdating sa home appliances na nagmula sa bansang America. Ang Electrolux ang kumpanyang nagdistribute ng White Westinghouse sa Pilipinas.
Noong 1990’s isa ito sa pinaka mabenta at matibay na brand ng refrigerator sa Pilipinas na ang gumagawa pa ay Philacor. Noong magsara ang Philacor, may mga iba’t ibang kumpanya ng home appliance ang nagdala ng brand na ito. Sa panahong ito, kapagpumunta ka sa bahay ng lola mo maaring ang luma nilang refrigerator ay White Westinghouse.
Hanggang ngayon, ang White
Westinghouse ay nangunguna pa rin sa tibay at ganda ng design. Maasahan pa rin
sa pagpapanatili ng mga freshness na laman nito. At dahil sa mga bagong
innovation at teknolohiya nanatiling ang kanilang mga refrigerator ay maasahan
at mapagkakatiwalaan na kayang tumagal ng mahabang panahon.
9. FUJIDENZO
Ang FUJIDENZO refrigerators ay mabenta ngayon lalo na sa low budget market dahil napaka affordable nito na mayroong eco-conscious features at maituturing itong isang magandang investment. Meron silang home at commercial refrigerators na nagpalawak ng mga pagpipilian sa kanilang mga refrigerators.
Karamihan sa mga FUJIDENZO refrigerator ay may malaking freezers sa mga 2 door top freezer refrigerators. Ang mga compact type o personal refrigerator ng Fujidenzo ay magandang ilagay sa inyong mga kwarto.
Ang consumer support ng
Fujidenzo ay maganda dahil napakaraming authorized service centers na pwedeng
gumawa ng inyong refrigerator sakaling nagkaroon ng malfunction. Ang Fujidenzo
ay dinidistribute ng EXATECH dito sa Pilipinas.
8. GENERAL ELECTRIC
Ang GE ang isa may pinakamataas na rating pagdating sa tibay o durability sa hanay ng mga brand ng refrigerators. Ang tibay nito ang nagiging batayan kaya maraming pumipili dito dahil alam nila na magagamit nila ito ng matagalan at ang perang gagamitin nila pambili nito ay sulit pagdating ng mahabang panahon. Alam mong hindi ka rin mag-iisip ng tungkol sa repair nito sa mga ilang panahon.
Ang katunayan nito may matatagpuan kang refrigerator ng GE na mahigit pa 15 taon sa mga kabahayan ngayon. Kahit ang lola ko ayaw palitan ang kanyang GE ref kahit bagsak na ang pinto nito dahil maayos pa daw magyelo.
Ang presyo ng GE ref ay hindi pangmasa kaya hindi ito ngayon ganun kabenta kumpara nung 1990s na considered GE ang number 1 sa Pilipinas. Philacor pa ang gumagawa ng GE noong 1990s kasama nito ang White Westinghouse.
Ang GE ay dinidistribute
sa Pilipinas ng CYA Industries na may dala din ng iba pang dekalidad na brand
ng home appliances.
7. HAIER
Ang Haier ay itnuturing ngayon na isa sa pinakamalaking home appliance company sa buong mundo. Ito ay nagmula sa Qingdao, China noong 1984.
Ang Haier refrigerators ay mas kilala sa pagiging affordable ngunit pinanatili ang high-quality standard, na kanilang malaking advantage. Ang Haier din ay may malaking hanay ng mga refrigerators simula sa pinaka maliit na mga fridges hanggang sa malalaki kaya ang mga consumers ay madaling nakapamimili kung ano ang kanilang kailangan.
Ang Haier ay naghahatid ng mga refrigerator na eco-friendly na ibig sabin ay may matipid sa kuryente at hindi nakasasama sa kapaligiran.
Hindi lang sa Pilipinas
mabibili ang Haier home appliance products, kundi sa 100 countries sa buong
mundo.
6. WHIRLPOOL
Kung tibay at tatag naman ang iyong hanap, ang Whirlpool ang hindi mo matatawaran. Kaya marami sa mga may bahay ay nagtitiwala sa Whirlpool dahil ang mga refrigerator nito ay mas tumatagal kumpara sa iba. Mas kilala ang Whirlpool sa mga 2-Door top freezers Refrigerators at French Door nito. Ang presyo nito kumpara sa kaparehong kumpetisyon ay masabing mas mababa ngunit ang kalidad nito ay di matatawaran. Maaring medjo mahal ito sa tingin ng iba pero sulit ka naman sa tibay at tatag nito kasama ang magandang desenyo na tiyak na tugma sa inyong mga kusina.
Ang isa pa sa magandang katangian ng mga Whirlpool refs ay ang kanilang mga accessories, consumer support at pagiging eco-friendly nito.
Ang Whirlpool tulad ng
Fujidenzo ay distributed ng EXATECH.
5. SHARP
Ang Sharp ay isa sa mga refrigerator brand na hinahabol ng mga consumers dahil sa kilalang kalidad nito na swak naman sa kanilang budget. Bakit nga ba kailangan bumili ng mahal na pareho lang ang kalidad ng tulad sa Sharp. SA mga wais na misis subok na ang brand na ito sa maraming panahon na kayang kaya pa ng bulsa.
Kaya kung di ka makadesisyon kung anong brand ang matibay pero kaya ang presyo, wag kana mag dalawang isip sa Sharp. Kasama ng kalidad ang simplicity ng mga desenyo ng Sharp refigerators na siguradong patok sa panlasa ng mga ordinaryong misis.
Ang isa pa sa magandang
katangian ng Sharp refrigerator ay ang priority sa pagpapanatiling sariwa ng
mga laman nitong pagkain.
4. LG
Ang LG ay hindi lamang kilala sa consumer electronics at mobile devices, ang LG refrigerator ay kilala rin sa buong mundo.
Ang mga LG refrigerators ay kilala sa napaka-impresibong high-tech featues, tulad ng InstaView na sa pamamgitan ng wifi ay makita mo ang laman nito na di pa binubuksan ang pinto nito. Marami pang ibat-ibang mga high tech features ang makikita sa mga refrigerator ng LG. Ngunit kahit na high-tech ang mga ref nila, ang presyo naman nito ay abot kaya.
Kaya kung gusto mo ng mas maraming functionality ang ref mo siguradong mag-eenjoy ka kapag LG ang refrigerator mo lalo na ang kanilang mga side-by-side refrigerators.
Bukod sa mga high-tech
features, ang warranty ng compressor ng mga refrigerators ng LG ay 10 taon.
3. SAMSUNG
Ang SAMSUNG ay kilala din sa kanilang state-of-art Refrigerators at high-tech features. Kung naghahanap ka ng multi-function na refrigerator siguradong di makaliligtas ang Samsung sa iyong mga mata.
Kung may Smart TV ang Samsung, meron itong Smart Refrigerator. Ang Smart Family Hub sa side-by-side refrigerator ng Samsung ay may built-in screen at pwede mong makontrol ang ibang appliances at devices. Pwede ka din gumawa ng Meal plan sa pamamagitan nito.
Sa pamamagitan ng inyong smartphone pwede mong makita ang laman ng iyong refrigerator anywhere inside.
Bukod sa mga high-end
features, ang warranty ng compressor ng mga refrigerator ng Samsung ay 10 taon.
2. CONDURA
Ang pinakasikat na refrigerator sa Pilipinas ang CONDURA refrigerator na mas kilala sa tawag na Negosyo Ref. Ang pagiging spacious ng top freezer at bottom ref nito ang nagpasikat dito. Ang refrigerator ng Condura ay patok sa mga misis na may maliit na sari-sari store. Ang disenyo ay simple, madaling gamitin at i-operate, mabilis magpalamig at ang wired organizer nito ang mga nagustuhan ng maraming Filipino. Ang Condura ay talagang tugma para mga Filipino pati na ang presyo nito.
Ang Concepcion Industries
na kilala rin sa paggawa ng Aircon, ay nagdesenyo ng refrigerator na talagang
tugma sa pangangailangan ng mga pinoy na abot kaya. Hindi rin matatawaran ang
kanilang customers support kahit saan man sa Pilipinas.
1. PANASONIC
Ang Matsushita Electric na kilala noon sa refrigerator na National ay nagrebrand noong 2008 at pinangalanan ng Panasonic para lalong palakasin ang kanilang presence sa global market.
Ang Panasonic refrigerator ay mapupuri sa abilidad nitong makapagpanatili ng mga pagkain ng sariwa ng mas matagal dahil ito sa fast cooling ability ng refrigerator. Kilala rin ang mga refrigerator ng Panasonic sa mabilis na pagbuo ng yelo sa loob. Mas napapanatiling sariwa ang mga pagkain na nasa loob nito at napipigilan ang agad na pagkabulok ng mga ito ay dahil sa anti-bacterial filters nito na nag-aalis din ng amoy sa loob ng ref.
Ang mga refrigerators ng Panasonic ay spacious sa freezer at bottom fridge. Ang disenyo ng Panasonic ref ay kakaiba, minimalist at makabago.
Ang Panasonic refrigerator ay equipped ng energy-saving feature upang makatipid sa kuryente. Ang compressor ng Panasonic ay napakareliable at matipid sa kuryente. Kaya hindi nakakapagtaka na hanggang ngayon Panasonic pa rin ang numero uno sa Pilipinas.
Ang consumer support ay excellent at mabilis kaya kung may mga di inaasahang problema madali itong naresolba.
Yan po ang top 12
refrigerator brand sa Pilipinas.
1 comments
Galing
ReplyDelete