7 DAHILAN BAKIT ANG MGA TELEVISION GAWA SA CHINA AY MURA.

by - 8:37 PM



Hindi natin maipagkakaila na napakaraming produkto ang naglipana sa market ang nagmula sa China. Bakit nga ba napakumura ng mga produkto na galling sa China kumpara sa mga kilalang brand. Isa na dito ay ang mga telebisyon na ginawa at nagmula sa kanila.

We can’t deny there are plenty of products scattered in the market are from China. Why are those products from China are very cheap compared to the leading brands? Among these products are television manufactured by them.

Alam naman natin na napakagaling ng mga Chinese sa negosyo. Kahit maliit ang kinikita basta tuloy tuloy at maramihan ang benta nila ay ayos lang sa kanila. Napakasinop din nila dahil ang mga bagay na pwede pang magamit ay kanilang nirerecycle upang mapakinabangan pa.

We all know that Chinese are good when it comes to running their business. Even they can only acquire small profit, but with continued business and volume sales, it is okay with them. They are very prudent because anything that can be of use, they recycle it so that they can use it again.

Sa China ay napakaraming produkto ang ginagawa tulad ng smartphones at appliances kasama na dito ang telebisyon. Ang mga pangunahing brand ng TV na nagmula sa China ay ang TCL, Hisense, Skyworth, Konka, Haier, Changhong at Pensonic. Ang TCL ang pinakamalaking TV manufacturer na mula sa China at pangatlo sa pinakamalaki sa buong mundo. Ang Hisense naman ay kilala sa mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng telebisyon at patuloy na nakikila sa US at Europe. Pati na ang mga smartphone manufacturer ay sumali na rin sa paggawa ng telebisyon tulad ng Xiaomi, Realme at Huawei. Marami din ang makikitang bagong brand sa Shopee at Lazada tulad ng COOCAA at CHIQ na mula din sa China.

In China, there are plenty of products being manufactured like smartphones and appliance that’s include televisions. The leading television brands from China are TCL, Hisense, Skyworth, Konka, Haier, Changhong at Pensonic. TCL is the largest TV mnufcturer in China and third largest in the world. Hisense is known for advance technology and innovation in TV manufacturing and continuously becoming popular in the US and European market. Even the smartphone manufacturers joined in manufacturing their own television like Xiaomi, Realme at Huawei. There are also new brands found in Shopee and Lazada like COOCAA and CHIQ are also from China.

Ano ang mga dahilan kung bakit napakmura ng mga TV sa China?

What really are the reasons why TV from China are cheap?

1. LABOR COST

Ang China ay napakayaman sa kanilang human resources. Ang bansang ito ay may 1.3 bilyong papulasyon kaya napakarami ang nangangailangan ng trabaho dito at yan ang dahilan kung bakit mababa ang pasweldo sa kanila. Kailngan nilang magtrabaho ng mas mahabang oras upang kumita ng malaki.

Ang Hisense na pagmamay-ari ng state ay mayroong 80,000 employees, ang TCL ay may 35,000 employees at ang Haier ay may 99,000 employees, patunay na appliance industry sa China ay nangangailangan ng maraming trabahador. Ang China ang isa sa pinakamababang pasahod o pasweldo sa buong mundo kaya naman ang presyo rin ng mga produkto tulad ng appliances ay kaya nilang ibenta sa mababang halaga.

China is very rich when it comes to their human resources. This country has approximately 1.3 billion population that’s when many people here are looking for jobs and one of the reasons why they have cheap labor cost. Employees need to work extended hours to earn more for their living. Hisense, owned by the state, has 80,000 employees, TCL has 35,000 employees while Haier has 99,000 employees. This is the proof that appliance industry in China needs plenty of labor. China is one of the countries with the lowest labor cost in the world, that’s why products like appliances can be sold in a cheaper price.

2.  GOVERNMENT SUPPORT

Ang mga kumpanya ay nakakakuha ng suporta sa kanilang gobyerno. Alam ng kanilang gobyerno na malaki ang halaga sa kanilang ekonomiya ng mga malalaking kumpanya kaya binibigyan nila ng kaluwagan ang mga kumpanya ito tulad ng makabagong paraan ng transportasyon at mga magagandang daan o highway, 24 na oras na murang kuryente at maluwag na batas tungkol sa paggaw o labor laws.  Kaya ibinibigay ng gobyerno ang lahat ng pabor sa mga kumpanya upang maging mas malaki ang kitain ng mga kumpanya at malaki ang magawa nito sa pagunlad ng kanilang ekonomiya.  Malaki ang nagagawa ng suporta ng gobyerno sa pagpapanatili nila ng mababang presyo ng kanilang mga produktong inilalabas sa market.

Manufacturing companies get a needed support from their government. Their government knew the importance of these companies to their economy that’s why they are helping the big companies with new way of transportation and huge highways, 24 hours cheap electricity and lenient labor laws. The government support these companies to gain more profit because it will bring improvement to their economy. The huge support from the government helps companies in maintaining lower price of products in the market.

3. PRODUCT EXPORT

Hinihikayat ng gobyerno ng China ang mga kumpanya na mag Export ng kanilang mga produkto palabas ng China papunta sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Maliit lamang ang sinisingil ng gobyerno sa mga kumpanya na naglalabas ng kanilang produkto upang mapanatiling mababa ang presyo ng mga ito, kaya ang presyo ng mga appliances tulad ng telebisyon ay napanatiling mababa ang presyo saan mang parte ng mundo ito makarating. Mas maraming export ang nagagawa ng mga kumpanya ay mas malaki ang suporta ng gobyerno sa kanila dahil malaki ang kita na pumapasok sa mismong bansa nila. Ang export ng mga manufacturing companies ay malaki ang kontribusyon sa kanilang GDP o Gross Domestic Product kaya naman hinihikayat ng gobyerno na sila ay makapag-export ng kanilang mga produkto.

Companies are encouraged by the government to export their products out of China to different parts of the world. The government collect less to those companies exporting their products, that’s why appliances like television maintain a low price wherever part of the globe it may reach. Companies that export their products more, the better the government supports given to them because the government knew there will be more profit in return. Export from manufacturing companies contribute a lot to their GDP or Gross Domestic Product, that’s why the government encourage them to export their products.

4.  MABABANG MARKETING EXPENSE

Ang mga Chinese ay naghahanap ng mga marketing ways na hindi sila gagastos ng malaki tulad ng paglilimita sa pagkakaroon ng mga showrooms. Ayaw nila masyadong gumastos sa mga marketing activities kaya naman napapanatili nila na mababa ang presyo ng kanilang mga produkto. Ang mababang presyo ng kanilang produkto ang mismong kanilang marketing promotion na umaakit sa mga consumers na bilhin ang kanilang produkto. Ang mga consumers ay mahahalina sa ganda ng specifications ng mga telebisyon na mataas at advance kumpara sa mga leading brand ngunit kayang-kaya ng bulsa.

Chinese are looking for marketing ways not to spend a lot like limiting them from having showrooms. They don’t want to spend so much in marketing activities that’s why they can maintain the price of their products low. The cheap price of their products is their marketing promotion that attracts more consumers to buy the product. The consumers are attracted to superb specification which is advance compared to the leading brand but very easy on the pocket.

5. ONLINE SELLING

Sa China, karamihan sa consumer electronics tulad ng television at smartphone ay ibinibenta online. Ang mga kumpanya ay di na kailangan maghanap pa ng mga distributors at dealer para magbenta ng mga produkto nila. Sa ganitong paraan ang mga produkto ay nakakarating ng diretso sa mga consumers at naiiwasan ang pagtaas ng presyo. Dahil walang dealers na kailangan pang magdagdag sa presyo, napapanatili nila ang presyo na mababa. Marami ang bumibili online dahil mas convenient ito lalo na sa mga taong busy araw araw.

In China, most commonly consumer electronics like television and smartphone is being sold online. Companies don’t need to look for distributors and dealers to sell their products. In this way, products can reach directly to the consumers, thus preventing the increase in price. Because there are no dealers commissioned, there is no need to add on the price, making the price low. There are many people buying online because of convenience especially for the busy people every day.  

6. PRODUCT RESEARCH

Pangkaraniwan na kapag gusto ng mga kumpanya na maglabas ng mga bagong produkto sa market ay nagsasagawa sila ng masusing pag-aaral at pagsusuri upang ang kanilang maging mga produkto y maging matagumpay sa market. Gumagastos ang mga kumpanya ng oras at malaking halaga ng pera, na malaki ang naidudulot na pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ngunit sa China, pwedeng hindi gumastos ng malaki sa  research dahil pwedeng kumopya lang ng product ng iba at yan ang nakakapagpababa ng presyo ng ng mga product nila.

It is a common practice, when a company wants to introduce a product in the market they conduct research to ensure the success in the market. Many companies spend plenty of time and huge amount of money on research, and that has a very huge impact on price. However, in China, companies can spend less on research because they can just copy someone’s product, and that is one reason why their products are cheap.

7. QUALITY

Alam naman natin na ang mga produktong galling sa China ay hindi matitibay. Ang quality ng produkto nila ay mababa, ngunit hindi naman napakababa. Sa totoo, ang China ay gumagawa din ng mga dekalidad na produkto ngunit iniiwan nila ang pagpili sa mga bumibili. Syempre kapag gusto mo ng mas matibay o dekalidad na produkto dapat handa kang magbayad ng mas mataas. Kaya ipinauubaya nila sa bibili kung pipili ba sila ng mura nga pero mababa ang kalidad o mataas ang presyo na nakasiguro kang tatagal. Kaya ang kalidad ng mga produkto ay isa sa batayan kung bakit ang mga produkto na galling sa China ay mababa ang presyo.

We know that products from China is not durable. The quality of the products is very low, but not very low. The truth, China is manufacturing good quality products but leave the choice to the consumers. Of course, if you choose to acquire better quality product you need to pay a bigger price. That is the reason they leave the choice to their consumers. They can choose a cheaper product that won’t last long or expensive one that will last long. The quality of products is one of the bases why products from China are cheap.

Kaya ngayon nauunawaan mon a kung bakit ang mga appliances tulad ng Television ay mura kapag nanggaling sa China.

Now, you understand why appliances like television are cheap if it originates from China.

Ang videong ito ay hindi naglalayon na pababain ang tingin sa mga produkto na galing sa China, ngunit upang maintindihan natin bakit sila nakakagawa at nakapagbebenta ng murang mga produkto sa buong mundo.

This article is not intended to degrade the products from China, but to make us understand the reason why they can manufacture and sell cheaper products around the world.



You May Also Like

0 comments