Nakatitipid Ka Ba Sa Induction Cooker?

by - 9:08 PM




Ano ba ang Induction Cooker?

Ang Induction Cooker ay isang lutuan na gumagamit ng magnetic induction upang mabilis na painitin ang kaserola, kaldero, kawali at iba pang induction ready cookware. Gumagamit ito ng kuryente.Ang magnetic cooking plate ay nakalagay sa ilalim ng glass top ng cooker na directang nagpapainit sa lutuan sa ibabaw nito. May ibat-ibat settings para sa ibat-ibang klase ng pagluluto.



Paano nakakatipid sa Induction Cooker?

Kumpara sa mga gas heating stove at heating plate, mas matipid sa enerhiya ang induction cooker  dahil walang nawawalang init, ang init ay diretso sa mismong kaldero o pot. Walang lumalabas na init na sumasama sa hangin at dahil diretso sa pot mas mabilis uminit ang niluluto at madali rin patayin. Madaling nakukuha ng pagkaing niluluto ang init kaya madaling naluluto ang pagkain. Sa Induction cooker ang init ay pantay at tuloy tuloy kaya mas madaling maluto ang pagkain. Ang induction heating element ay may kaparehong lakas ng init na nanggagaling sa gas burner ngunit mas energy-efficient. Ang ibabaw o surface ng induction cooker ay umiinit dahil sa kaldero o pot na nasa ibabaw nito na syang direktang kumukuha ng init. Mas energy-efficient, consistent ang heat at mabilis maluto ang pagkain kaya mas nakakatipid ang induction cooker. Mas madaling napapanatili ng induction ang naayong tamang temperatura upang mabilis na maluto ang pagkain..


Mas ligtas bang gamitin ang induction cooker?

Kahit bukas ang induction cooker ngunit walang nakalagay na kaldero o pot, nararamdaman nito na walang init na nagagawa kaya pwede itong mamatay ng kusa. Pagnaramdaman nya na walang pinapapainit namamatay sya ng kanya. Kapag naramdaman naman nya sa sobrang init ng pot sa kanyang ibabaw awtomatiko din itong namamtay. Kaya kung nagluluto ka at naiwan mo, kapag naramdan nito sa may mataas na temperatura ito'y sadyang mamatay nalang. Kaya ligtas gamitin ang induction cooker dahil maliit ang pagkakataon na magkaroon ng sunog. 

Dahil ang pot o kaldero ang umiinit, ang ibabaw ng cooker ay hindi sobrang umiinit kaya hindi magdudulot ng sobrang pagkapaso mapadikit man ang iyong balat.

Kumpara sa mga gas stove at electric stove mas safe talaga ang induction dahil walang apoy o baga na lumalabas dito. Sa gas stove, ang Liquid Petroleum Gas o kilala sa tawag na LPG ay pwedeng sumabog kapag sumingaw sa tangke nito at biglang may nagsindi ng apoy. Ang gas din nito ay hindi ligtas para sa ating kalusugan kapag ating nalanghap. Ang electric stove naman ay kailangan muna magbaga ang coil o plate para uminit ang kaserola sa ibabaw nito. Ang nagbabagang coil o plate ay minsan sanhi ng pagkapaso. Sa induction cooker ang iingatan mo lang madikitan ay yung mismong kaserola dahil nandun ang init. 

Madali bang linisin ang induction cooker?

Dahil ang kaldero o cookware ang umiinit, ang ibabaw ng induction cooker ay hindi masyadong umiinit kaya pwede mo agad punasan ng basang tela na may sabon upang maalis ang mga dumikit na pagkain at saka mo punasan ng basang tela na walang sabon para tuluyan na itong malinis. Siguruhin lang na maalis lahat ng mga tumulong sauce o sabaw upang huwag langgamin o ipisin. 

 

 

 

 


  


You May Also Like

0 comments