Pinadaling Paglalaba sa Washing Machine
Maraming nagsasabi "Hiwalay ang puti sa decolor."
Kelangan pa bang pag-isipan yan? Maraming ibat-ibang kulay at tela kaya bigyan mo ng iyong atensyon ang mga ito. Ang unang dapat tingnan ay ang itiketa o care label at ihiwalay ng base sa bawat kulay. ang iyong labahin at sundin ang simpleng paraan na ito;
1. Color
Piliin ang mga damit sa lalabahan ayon sa kanyang kulay tulad ng puti, katamtaman ang kulay at matingkad na kulay. Sa pamamagitan nito hindi hahawa ang ibang kulay sa puti.
2. Temperatura
Sa itiketa ng damit nakalagay kung anong temperatura ang nararapat na gamitin sa paglalaba ayong sa telang ginamit.Iwasang gumamit ng mas mataas na temperatura kung hindi naayon sa damit. May mga washing machine na gumagamit ng temperatura o init sa paglalaba.
3. Programa sa Paglaba ng inyong machine.
Laging tingnan ang itiketa kung anong klaseng laba ang kailangan sa tela. Merong nakasaad na hand wash, delicate, soft wash at heavy wash. Depende sa uri ng tela ng lalabahan ang dapat tingnan upang maayos na magawa ang setting ng iyong washing machine.
Ang magkakaibang tela o fabrics ay dapat labahan ng magkakahiwalay. Pwede mong ibukod ang mga ito na naaayon sa uri ng fabric tulad ng Natural Fibers at Man-made Fibers.
1. Man-made Fibers - Synthetic Fibers at Regenerated Fibers
2. Natural Fibers - Cotton, Linen, Wool at Silk
Pumili ng tamang program sa Washing Machine.
Karamihan sa mga garments ay kayang labahan sa washiing machine kailangan lang ng paglalagay sa tamang programa ng washing machine. Ang mga kailangang tingnan ay ang tamang setting sa kulay, fabric, at gaano karumi ito. Pwedeng gumamit ng eco-wash program sa mga ordinaryong mga damit. fast-wash sa mga di masyadong marurumi. Gentle wash sa mga synthetic at may delikadong prints.
Ang dapat natin laging tandaan na tayo ay gumamit ng washing machine na energy efficient o matipid sa kuryenta at eco-friendly detergents.
0 comments