Bago Ka Bumili Ng Washing Machine

by - 9:14 PM




Naririto ang mga tips bago ka bumili ng washing machine na magagamit mo sa bahay.

Ito ang mga dapat mong isaalngalang bago ka bumili ng washing machine.

1. LAKI

Gaano kalaki ang lugar na paglalagyan mo? Ang mga washers at dryer ay merong ibat-ibang taas at lapad kaya baka mahirapan kang ilagay ito sa iyong bahay.Magdesisyon ka kung saan mo ito ilalagay, sukatin kung gaano kalaki ito at pumili ng kasya sa sukat na ito. Kung maliit lang ang iyong lugar mas mabuti kong bibili ka ng magkasama na ang washer at dryer.

2. KONSUMO SA KURYENTE

Ang pagpili ng washing machine na may magandang energy rating ay makatutulong sa iyong makatipid at mabuti ito sa kapaligiran.

3. ALLERGIES

May mga kasama ka bang kapamilya na merong allergies? Kung ganoon, pumili ng washing machine na may extra banlaw o extra-rinses.Kapag tinuyo mong mabuti ang iyong nilabahan maaring mawala ang lahat ng sanhi ng allergies.

4. CAPACITY

Ilang katao ang meron kayo sa bahay? Sa isang normal na dami pwede na ang 6 - 8 kilos ng washing machine. Kung isa o dalwa lang kayo pumili ng mas maliit na washer.



5. SPIN SPEED

Paano mong binabalak tuyuin ang iyong mga labada? Mas mabuti kung dryer dahil mas mapapadali ang pagtuyo mo ng damit kumpara kung tutuyuin mo lang ito sa labas ng bahay. Pumili ng may mabilis na spin dryer.

6. PAGKUNSUMO NG TUBIG

Pumili ng washing machine na may sensor kung gaano karaming tubig lamang ang dapat gamitin na naayon sa dami ng lalabahan. Sa pamamagitan nito nakakatipid ka sa paggamit ng tubig at sa kuryente narin dahil sa dami ng load. 

7. MOISTURE SENSOR

Pumili ng dryer na may moisture sensor, sa pamamgitan nito mas makakatipid ka sa kuryente dahil automatic na titigil ang dryer kapag naramdaman nyang wala ng tubig ang napipiga da damit. 

Ilan lang ito sa mga dapat mong isaalangalang kapag ikaw ay nagbabalak bumili ng washing machine upang masiyaha ka sa perfomance nito. 

You May Also Like

0 comments