Pag-aalaga Sa Iyong Washing Machine

by - 10:05 PM




Tulad nating lahat, ang iyong washing machine ay nangangailangan ng konting alaga at atensyon paminsan-minsan upang mapanatiling kapakipakinabang.




1. HUGASAN MO ANG IYONG WASHING MACHINE

Kahit ang washing machine ay nangangailan din ng paghuhugas.Patakbuhin mo ito, lagyan ng tubig at powder na sabon at patakbuhin ng walang laman. 

2. LINISIN ANG FILTER

Dapat mong linisin ang filter nito dalawang beses isang taon.Tingnan mo ang manual kung saan ito naroroon at alisin ang lahat na nakilekta nitong dumi. Hugasan mismo ang filter at ibalik ito. May mga machine na may PIN trap, hanapin ito at alisin ang laman dahil karaniwang dito napupunta ang mga metal objects tulad ng coins. Lagi mo itong gawin.

3. LINISIN ANG LALAGYAN NG SABON AT FABRIC SOFTENER

Kahit na anong naiiwand sa drawer ng sabon at fabcon ay maaring pagmulan ng pagdami bakteria. Alisin ang drawer at hugasan ito ng mainit na tubig. Mas pangalagaan ang fabcon drawer. Linisin din kung saan ang mga drawe na ito ay nakalagay lalo na sa ibabaw nito kung saan dumadaan ang tubig. Upang maiwasan ang mabahong amoy iwanang medyo nakabukas ang drawer upang makapasok ang hangin at imikot ito sa loob.

You May Also Like

0 comments