RCA DIGITAL TV BOX DV1603

by - 12:18 PM




Sa una kong isinulat dito sa Aplyanses pinagkumpara ko ang RCA Digital TV BOx at ABS-CBN TV PLUS na marami ang bumasa at tumangkilik. Ngayon ipakikilala ko ang bago nilang unit model ang DV1603.

Ang mga modelo ng lumang RCA Digital TV Box ay DV1402 at DV1501. 

Ngayon ang bagong modelo ay ang DV1603 na halos walang pinagiba sa lumang DV1501 ang nawala lang ay ang volume at menu control sa main unit. Ang maganda sa DV1603 ay mas stable na ang channel programming na hindi tulad ng DV1501 after mong magscan ng channel biglang nababgo ang posisyon ng channel ayon sa pagkasunod-sunod o minsan nauulit ang mga ito. Mas magaan ito kesa sa DV1501.


Tulad ng ABS CBN TV PLUS, ang RCA DV1603 ay madali na rin makascan ng mga channels ngunit napakaraming encrypted channels lalo na sa ABS-CBN reserve channel na may dollar sign ($) ang mga ito. Kumpara sa TV PLUS mas mabilis ang response time ng RCA DV1603 kapag naglilipat ka ng channel. Sa TV PLUS may 1 - 2 seconds delay ngunit sa RCA ay halos wala.

Mas malinaw ang RCA ng doble at mas kokonti ang pixelated pictures kumpara sa TV PLUS dahil HDMI ang koneksyon nito. Sa TV PLUS may pagkakataon na may malabong porsyon ang picture ngunit sa RCA ay halos wala. Ang dahilan nito, ang TV PLUS ay gumagamit pa rin ng lumang rca jack na kahit malinaw ay analog pa rin at hindi digital. Nas maganda ang contrast at brightness ng RCA. 

Ang TV PLUS ay maraming advertisement pagbukas pa lang lalabas na yung advertisement nya. Sa channel menu may advertisement din. Talagang commercialize ang TV PLUS.

Ang RCA DV 1603 tulad ng mga ninuno nya ay 3-in-1 din. 

1. Digital Tuner receiving digital broadcast.
2. Media Player that can play almost all video format available and read external hard drive
3. TV Broadcast Recorder - record your TV program even your TV is turn-off.

DV1603 has RF output that can help you connect coaxial cable to your TV tuner if you want to watch analog broadcast.

To see the full feature of RCA Digital TV Box read "Paghahalintulad sa RCA Digital TV Box at ABS-CBN TV Plus"


Ang kagandahan ng RCA kung gagamitin mo ay HDMI connection yung rca jack connection ay di mo magagamit kaya pwede mo ikonek ang audio (red & white jack) sa iyong audio amplifier para mas maganda ang sound ng iyong piananonood lalo na kung pelikula na maganda ang audio effects.  


   

You May Also Like

20 comments

  1. Kabibili ko lang ng RCA DV1603, pero ng subukan ko sa local cable connection ay wala sya makuhang channel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po pwede sa cable ang RCA DV1603, sa free to air channels lang.

      Delete
  2. Channel abscbn walang sound or voice, picture ok malinaw at sa lahat ng channel ok function, abs cbn lang problema sound wala.

    ReplyDelete
  3. hindi ka lang cguro nagbabasa ng manual.

    ReplyDelete
  4. paano ma update dv 1603 para mabuksan $ sign

    ReplyDelete
  5. pa help nag update ako ng DIGITAL TV BOX DV1603 tapos blank na sya ilaw nalang meron

    ReplyDelete
  6. Paano magdownload ng software update ng rca dv1609

    ReplyDelete
  7. Ano at ilang channel ang makukuha dito sa iloilo city?

    ReplyDelete
  8. Paano maalis ung $ sign para gumana.. Un kc Hindi gumagana..?

    ReplyDelete
  9. Pa send ng Link sa pag update ng software

    ReplyDelete
  10. paano makasagap ng maraming channels at maunlock ang scrambled channels ang RCA 1603 gamit ang outdoor antenna?

    ReplyDelete
  11. Yong bang kasamang nyan antenna katulad din noong DV-1501 na amplified? (May built-in booster)

    ReplyDelete
  12. Hi, nasira ang remote control ko dito na DV1603, saan ba makabili ng replacement?

    ReplyDelete
  13. pls. reply me to this > jsagusay@gmail.com

    ReplyDelete