Alam naman natin na ang mga Pilipino ay napakahilig kumanta at ng dumating ang videoke, isa ito sa mga naging libangan ng mga pinoy. May good news ako sa inyo, kung meron kayong smart android tv box at v8 sound card at bm800 microphone ay pwede kayong makagawa ng sarili ninyong version ng videoke.
Ang mga kakailanganin natin ay micro usb to 3.5mm, micro usb to usb, mic cable, bm800 mic, hdmi cable, mi box android tv at v8 soundcard.
Pwede rin po kayo gumamit ng ibang tv box tulad ng MXQ. Pwede rin kayong gumamit ng dynamic mic kung wala kang bm800 mic.
Simulan na natin ang pagkakabit ng bawat cable. Sa likod V8 soundcard ay ilagay sa live 1 ang micro usb to 3.5mm, sa charging naman ang micro usb to usb at sa condenser mic ang mic cable. Sa earphone/speaker natin ilalagay ang 3.5mm na papunta sa amplifier.
Pumunta naman tayo sa mi box. Ang mga saksakan sa likod nito ay ang power input, USB, HDMI at audio out. Simulang natin isaksak ang 3.5mm na galling sa live 1. I-konek ang USB sa na galling sa charging dahil ang power ng v8 ay doon manggagaling sa mibox. Ang hdmi cable naman ay ikoonek naman sa hdmi out ng mibox. Yung nasa dulo sa kaliwa ay para sa power ng mibox. Ngagon ay pwede na natin iset-up sa TV at amplifier.
Narito na tayo sa harap ng TV. I-konek sa likod ng v8 soundcard sa earphone/speaker ang 3.5mm cable papunta sa input ng amplifier. Buksan ang amplifier dahil dito lalabas ang tunog na galling sa mic na galling sa V8 souncard at videoke music na galling sa mibox. I-konek sa mibox ang power cord nito at isaksak sa power outlet. Ikonek ang hdmi cable galing sa mibox papunta sa hdmi in ng TV. Ngayon kumpleto na ang ating koneksyon. I-power on natin ang v8 saound card. Pindutin ng 3 segundo, kapag sabay sabay umilaw ang red buttons meaning naka-on na ito.
Buksan ang mibox at pumunta sa youtube. Pumili ng kanta na gusto mong kantahin. Pwede ka rin magdownload ng ibang apps na pwede sa videoke tulad ng karafun at midi-karaoke na panggagalingan ng iyong mga music.
Subukan natin kung ok ang ating ginawang set-up. Pagpasensyan nyo na ang aking boses. Di po ako magaling kumanta. Sample lang po ang gagawin ko.
Ayan mga idol, Nakita na natin na pwede tayong gumawa ng sarili nating home videoke set-up gamit ang mga gadgets na ito. Salamat po sa inyong pagdalaw sa blog na ito.
Related Videos:
Mga Benepisyo ng Split Type Aircon
Dapat Tandaan Sa Pagbili Ng Television
Dapat Tandaan Sa Pagbili Ng Refrigerator
Top Seven 4K UHD LED Television of 2020
Magnegosyo ng Appliances ng Walang Puhunan
0 comments