Magnegosyo ng Appliances ng WALANG PUHUNAN.

by - 12:23 PM

 


Gusto mo ba na magsimula ng negosyo ngunit wala kang sapat na puhunan para mag-umpisa. Sa videong ito ituturo ko sa inyo kung paano kayo makapagsisimulang magnegosyo ng appliances kahit wala o kokonti lang ang iyong puhunan.

Para maisakatuparan mo ang kagustuhan mo na makapag simula ng iyong sariling appliance business kailangan mo lang magsimula sa apat na bagay.

 

Ang una ay maghanap ka ng mga appliance dealer o retail store na malapit sa iyo tulad ng ABENSON, SM APPLIANCE CENTER, ROBINSONS APPLIANCES, WESTERN APPLIANCES, ANSONS AT IBA PA. Makipagkaibigan ka sa mga salesman at manager at kunin mo ang phone numbers nila upang kapag may kailangan ka tulad ng stocks at price madali kang makakatawag sa kanila.

Pangalawa ay installement contract, pwede kang magpagawa nito sa mga abogado o kaya humingi ka ng kopya ng installment contract ng mga dealer na may installment para magka idea ka. Huwag mong kopyahin. Gamitin ito para lang magkaroon ka ng idea.

Pangatlo ay social media pages na gagamitin mo para magpromote ng iyong negosyo at mga produkto.

Pangapat at pinakamahalaga ay ang CREDIT CARD. Mas mainam kung marami kang credit card na magagamit pero isa o dalawa ay pwede nang panimula.

Simulan mo ang negosyo mo sa mga malapit mong kamag-anak at kaibigan. Ipaalam mo sa kanila na may bago kang negosyo at ito ay appliances.  Pwede kang gumawa ng page at ipaalam mo sa mga kakilala mo na ito na ang bago mong negosyo.

Magtanong ka sa mga dealer at retail stores kung meron silang binebentang mga murang appliances. Hingin mo ang mga modelo at humingi ka ng picture at presyo. I-check mo ang original price ng bawat isa. Gumawa ka ngsarili mong pricelist na may add-on profit na o tubo. Umpisahan mo ng iaalok sa mga kaibigan mo o ipost sa FB page at iba pang social media platform. 

Kapag may customer kana na kukuha at nagkasundo na kayo sa presyo at babayaran niya kapag nadeliver mo na yung item, pumunta ka o umorder ka na sa appliance retailer na kukunan mo nito. Bayaran mo ang item sa pamamagitan ng credit card. Kung makakahingi ka pa ng mas mataas o additional na discount ay gawin mo upang mas malaki ang kita mo.

Sa pamagitan ng pagbabayad ng credit card ginamit mo ang pera ng banko para mabili mo ang item na gusto ng customer mo. Kapag naideliver mo na ang item at nagbayad na ang customer, bayaran mo rin agad ang banko. Kapag good payer ka sa banko siguradong tataas ang credit standing mo at maari ka nilang bigyan ng mataas na credit limit. Kapag mataas ang credit ratings mo sigurado, maraming banko ang mag o-offer sa’yo ng additional credit card at lalaki ang puhunan mo.  

Sa una lang maliit ang kita dahil maaring mababa pa ang maibigay sa iyong discount ng mga dealer at retailer na kausap mo ngunit kapag lagi ka ng kumukuha sa kanila pwede ka ng mag-apply as sub-dealer para tumaas ang discount mo at mabigyan ka ng credit terms.

Hindi doon natatapos ang mga pagkakataon na meron ka, pwede ka rin magbenta ng installement o pahulugan sa mga kakilala mo na hindi kaya makakuha ng cash. Sa pahulugan alam naman natin na malaki ang kita. Kaya kung gusto ng customer mo ay installment pwedeng pwede. Marami ng retailers ngayon ang nagbibigay ng 0% installment o pahulugan gamit ang credit card. Halos lahat na ng big appliance items ay may 0% installment hanggang 36 months. Dahil walang tubo ang kinukuha mong item, pwede mo naman ipasa sa customer mo at patungan ng 3 to 4% per month. Ang ibabayad mo sa credit card company ay kukunin mo sa customer mo monthly, babawasin mo lang ang tubo mo. Wala kang inilabas na pera pero nakapagbenta ka ng appliances sa customer mo.  

Siguruhin mo lang kapag installment ang kinuha sa ‘yo ay may installment contract kayo para kung  hindi magbayad ay pwede mong batakin ang appliances na ibinenta mo sa kanya, dahil habang hindi yan fully paid ay sa’yo pa rin ang item. Mataas ang risks sa installment ngunit malaki rin ang kita kaya dapat buo ang loob mo kapag ginawa mo ito.

Yan ang dalawang paraan kung paano ka makapagsisimula ng iyong negosyo ng wala kang puhunan na inilabas. Ginamit mo ang credit card mo para mabili ang item na binibenta mo.

Marami pang ibang mga paraan kung paano ka makapagnenegosyo ng walang puhunan. Yan ating tatalakayin sa mga susunod ko pang video.

Sana ay makatulong ang videong ito sa pagsisimula mo ng iyong  sariling negosyo. Kailangan ng tamang pagpaplano at lakas ng loob ang pagsisimula nito. Kaya good luck sa’yo. Maraming Salamat! 

 

 


Related Videos:

Mga Benepisyo ng Split Type Aircon

Dapat Tandaan Sa Pagbili Ng Television

Dapat Tandaan Sa Pagbili Ng Refrigerator

Top Seven 4K UHD LED Television of 2020

Mga Uri ng Washing Machine

Magnegosyo ng Appliances ng Walang Puhunan

Newer Post Older Post

You May Also Like

0 comments