ANG PINAKAMAHUSAY NA TV BRANDS SA 2021
Kapag ang pinagusapan ay pagbili ng TV, ang palaging itinatanong ay; Alin ba ang pinakamahusay na TV brand? Habang ang mga mamimili ay naghahanap sa kanilang mga paboritong tindahan ng appliances o sa pamamagitan ng pagsusuri sa shopee at Lazada, ang tanong na ito ay nagiging mahalaga.
Hindi lamang ang brand ng TV na iyong pipiliin ay makikilala sa logo ng TV set na ilalagay mo sa iyong bahay. Ang ibat ibang TV brands ay may kanya kanyang kalakasan at kahinaan, tulad din ng pagpapahalaga sa ibat ibang features at karanasan ng mga gumagamit. Higit sa lahat, marami ang nagaalala ay sa tibay at performance ng TV tulad ng kalidad ng larawan at tunog, angkop na kulay, contrast at liwanag, at lahat ng mga bagay na dapat isasaalangalang sa pagbili ng bagong TV.
Bakit ba mahalagang malaman kung ano ang pinakamahusay na TV?
Sa kadahilanang marami ang 4K TV na naglipana sa pamilihan na nagyayabang ng kakayahan ng smart tv at napakaraming features tulad ng HDR at mga modes tulad ng gaming modes, kaya napakadaling isipin na ang mga TV ay pare-pareho lang, ngunit masasabi natin hindi yan totoo.
Ang isa sa makahulugang katangian ng mga telebisyon ay ang makikita sa gumawa nito, at ito ay may mga kadahilanan. Ang gumagawa ng TV ang umaalam sa mga pangunahing aspeto ng disenyo at kalidad ng produkto, mula sa kung anong software tatakbo ang TV hanggang sa kung papaano ito makikita sa iyong sala o living room. Ngunit may mga brands na may mas mahusay na particular na katangian, maaring ito ay ang magandang display technology, kalidad ng tunog, smart tv software, at kabuuang halaga nito na naayon sa presyo.
Maaring sa ngayon, ang isang sa pinakamaliking aspeto na binibigyan ng pansin ng mga gumagawa ng TVs ay kung anong smart tv software tatakbo ang kanilang mga telebisyon. Maaring ang mga kumpanya o gumagawa ng TV ay magpasyang gumawa ng sarili nilang software, tulad ng Samsung na gumawa ng sarili nilang Tizen Smart TV Hub operating system, o LG na meron namang WebOS, maaring tulad ng iba na umasa nalamang sa mga third-party software tulad ng Android TV at Roku TV.
Ang mga TV software na ito ay mas maraming magagawa pa kesa sa maghatid lamang ng magandang user interface tulad ng pagpili sa pagitan ng Youtube, Netflix, iFlix, Amazon Prime o Vimeo, ang software ay nagsisilbing operating system ng Smart TV at ito’y nakakaimplwensya sa kung anong apps o applications ang patatakbuhin ang available, anong smart home tv features ang iyong magagamit, at maaring kung paano makikipag-usap sa iyong TV gamit ang voice control at artificial intelligence tulad ng paggamit ng Alexa at Google Assitant.
Ang huli, ang TV brand ay makatutulong sa pagalam kung anong presyo ang gusto mo at anong antas ng kalidad ang iyong aasahan.
Ano ba talaga ang pinakamahuhusay na TV brand?
Napakaraming TV brand ang naglipana sa pamilihan, ang bawa’t isa ay nagaalok ng ibat ibang modelo at presyo. Ngayon ay magfocus tayo sa limang pinakamahusay na brand na dapat mong tandaan kung bibili ka ng TV.
Ang bawat isa sa mga pangunahing TV brands ay maaring pwede tayong makapili ng isang modelo na paborito natin, modelo na maaring kasama sa mga listahan ng mahuhusay na tv models at may magagandang review ratings.
Ang panglima ay ang HISENSE. Ang paborito ng mga budget conscious.
Ang isa sa mga kumpanya na mula sa China na kilala sa paggawa ng mga home appliances tulad ng mga air conditioner ay magaling din palang TV maker at isa sa mga mahusay na gumawa ng abot kayang telebisyon sa merkado. Kami ay namangha sa husay at kalidad ng Hisense TV na kanilang inihahandog sa kanilang mga parokyano, na maari mong bigyan ng pansin o tingnan kapag bibili ka ng TV. Depende sa modelo ng TV, ang Hisense ay nagaalok ng parehong Roku TV at Android TV na iyong mapagpipilian. Ang Roku TV at Android TV ay kasama sa mga pangunahing TV platform o operating system. Ang Hisense rin ay nagsisimula ng gumawa ng TV na gumagamit ng QLED technology upang mas lalong mapaganda ang kulay at liwanag kumpara sa mga normal na LED TV na halos kahanay lang ang presyo. Sa mga naghahanap ng dekalidad ngunit murang TV pwede nyong isama ang Hisense sa listahan ng maari nyong bilhin.
Depending on the of TV, Hisense offers both Roku TV and Android TV that you can chose from. Ang Roku TV at Android TV are the leading TV platform or operating system. Hisense also started to manufacture TVs that uses QLED technology to provide better color and brightness than regular LED TV in this price range. To those looking for quality but affordable TV, you can include Hisense in your list that you can buy.
Sa mundo ng telebisyon, ang SONY ay masasabing napakahusay. Patuloy silang gumagawa ng napakahusay at dekalidad na TV mula pa noong dekada sisenta, ang kasanayan nila ay nagpapakilala ng maayos na pagkagawa ng mga Bravia TV na kanilang ibinebenta at ang napakahusay na performance ng kanilang mga TV.
Ang Sony rin ay nagdadala ng pinakamagandang tunog sa hanay ng mga telebisyon, Salamat sa mga teknolohiya na tulad ng Acoustic Surface Audio+, ito ay gumagamit ng glass sa OLED TV panel para gumawa ng dialogue at sound effects, na nagpapalabas ng tunog na makatotohanan.
Ang Sony ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na kalidad na processor o engine ng mga telebisyon tulad ng X1 Ultimate at ang bagong Bravia XR na may cognitive intelligence, na naghahatid ng makatotohanang larawan at mataas na refresh rate upang mabawasan ang blurring at logs ng mabibilis na movies, sporting events o games.
Ang mga Sony TV ay gumagamit ng Android TV at Google TV software upang matugunan ang inyong smart tv na pangangailangan. Ang Google app ecosystem ay napakalawak, ang Android platform ay naghahatid ng malalim na smart home integration at magaling na voice interaction kumpara sa ibang Smart TV software.
Ang nagiging problema lang sa mga makabagong Sony TV ay ang presyo, na mas mataas kumpara sa kumpetisyon. Ngunit ang tibay ng Sony TV ang kanilang pangunahing katangian, na makapag bibigay ng siguridad na magagamit mo ng mahabang panahon.
Ang pangatlo ay TCL. Ang kampeon sa halaga.
Kung merong brand na magbibigay ng halaga sa iyong pera, ito ay ang TCL. Noong 2019, ang TCL ay pumangalawa sa pinakamaraming TV na nabenta sa buong mundo. Ang TCL ay sumabog bilang isa sa pinakamalaking TV brand, ito ay may mabuting dahilan. Ang mga TCL TV ay naghahatid ng mataas na uri ng teknolohiya sa mga LED at QLED TV na napaka-abot kaya ang presyo, meron din itong Game mode na ikatutuwa ng mga mahihilig sa paglalaro. Ang mga TV ng TCL ay nagdadala ng mahusay na performance, na mas mataas ang halaga kumpara sa kanyang actual na presyo.
TCL din ay naghahatid ng pinakamahusay na Roku TV sa pamilihan. Salamat sa mahigpit na ugnayan sa pagitan ng TCL at Roku, mararanasan mo ang pinakamahusay na Roku TV, mula sa intuitive interface hanggang sa makabagong voice interaction. Marami tayong makikitang Roku TV sa mga pamilihan na may ibat ibang brand sa budget section ng display ng TV sa appliance store ngunit walang kang mabibiling katulad ng TCL TV.
TCL 55-Inch 4K UHD QLED Android TV C716
Android 9.0 with Chromecast. ExceptionalColours of QLED.
BUY NOW ON SHOPEE
Ang pangalawa ay ang SAMSUNG.
Ang Samsung ay isang balyena sa inyong kwarto pagdating sa telebisyon, ito ay may napakalawak na pagpipilian ng 4K at 8K Smart TV, at ito ang may pinakamatagal sa pangunguna sa quantum dot technology, kahit na ito’y may mga napipintong kumpetisyon pagdating sa QLED TV. Ang mga Samsung TV ay gumagamit ng sariling Tizen Smart TV platform, na naghahatid ng napakagandang ecosystem ng mga apps, kasama na ang ibang maayos na smart features na iyong magagamit. Makakatanggap ka ng kakaibang handog mula sa smart home control hanggang sa mga fitness-oriented features, idagdag pa ang suporta sa video chat at productivity na hindi mapapantayan.
Ang Samsung din ay nagnanais na makatuklas kung paano natin tingnan ang TV at kung paano ito tutugma sa ating mga buhay. Mula sa frame ng mga TV na nagmumukahang gawang-sining sa ating mga dingding. Ang Samsung Lifestyle TV collection ay naghahatid ng mga kakaibang TV sa pamilihan.
Ang mga Samsung TV ay naiiba dahil sa kanilang paggamit ng HDR10+ format kesa sa popular na Dolby Vision HDR at paggamit ng Bixby Voice kesa sa mas magandang Google Assistant o Alexa.
Ang nangungunang TV sa 2021 ay ang LG. Ang nangunguna sa OLED TV.
Ang LG brand ay kilalang-kilala, nirerespeto at nagkaroon na ng lugar sa listahan ng pinakmahusay na TV taon taon, sa isang kadahilan mataas sa lahat, ang OLED. Sa pamamagitan ng OLED display, ito ay malinaw na pamalit sa mas murang LCD Panels. Ang LG ay ang pangunahing gumagawa ng OLED sa buong mundo na lumampas sa lahat ng bagay tungkol sa mga telebisyon. Kung gusto mo ng pinakamagandang kalidad ng larawan, kailangan mo ng OLED TV. At pagdating sa nangunguna sa OLED TV, ang LG ay ang brand na ating mairerekomenda.
Ngunit marami pang ibang dahilan upang bilhin mo ay LG TV set, kahit na hindi OLED TV model. Sa pangkalahatan, ang LG ay may reputasyon ng paghahatid ng mataas na kalidad na disenyo at napakagandang kalidad ng larawan, kahit na sa kanilang mga LG Nanocell at QNED TV, o mga murang LED TV tulad ng LG UHD models, na gumagamit ng LCD panels. Madali din gamitin ang LG WebOS smart TV software, na naghahtid ng maraming applications at features na pwede mong mahiling, at isama pa sa motion-controlled LG Magic remote na nagbibigay ng isa sa pinakamatalinong navigation experience na makikita mo lang sa mga mataas na uri ng TV.
Yan ang listahan ng limang pinakamahuhusay na brand ng TV na matatagpuan sa mga pamilihan na pwede mong maging batayan sa pagbili ng iyong minimithing telebisyon.
Appliance PH Television Episodes
1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY
3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV
4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND
5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV
6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?
7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY
8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS
9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV
0 comments