PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY

by - 6:25 PM

 

Ngayon naman ay pag-uusapan natin ang tungkol sa display technology ng mga television at kung alin ang pinakamaganda sa mga ito.

Linawin natin ang mga bagay na nauukol sa mga display technology ng TV upang maiwasan ang inyong mga pagkalito sa mga teknolohiya at pangalan na ginagamit ng mga gumagawa ng telebisyon.

Now let’s talk about different display technology of televisions and which one is the best. Let’s make things clear about TV display technology to avoid confusions about different technologies and names used by television manufacturers.

Mainam na malaman nating kung ano ang mga display technology na ginagamit sa mga TV ngayon upang madali kang makapagdesisyon sakaling gusto mong mag-upgrade o bumili ng bagong TV.

It is only right to know these display technologies used in televisions so you can easily decide when you want to upgrade or buy a new TV set. 


Maaring napansin nyo na maraming ibat-ibang uri ng TV technology ang inyong maririnig kapag pumasok ka sa mga tindahan ng appliances o makikita kapag nagsearch ka sa internet. Kung minsan napapaghalo pa ang tv resolution sa display panel kaya marami ang nalilito.

Perhaps you noticed the different tv technology you’ll hear when you enter an appliance store or read a lot when you search in the internet. Sometimes many get mixed-up about tv resolution and display panel.  

Sa videong ito ay ipaliliwanag ko ang pagkakaiba ng bawat display technology at ano ang importansya nito at bentahe kumpara sa iba. Ang mga kilalang display technology ay ang LCD, Nanocell, QLED at OLED.

In this video, I will explain these technologies to know its importance and advantage over the other. The popular display technologies are LCD, Nonocell, QLED and OLED.

Umpisahan natin sa LCD technology. Ang LCD o Liquid Crystal Display ay isang flat-panel display na nangangailang ng ilaw sa likuran nito upang makalikha ng larawan o image ang mga liquid crystal. Ang LCD ay di nakalilikha ng sariling ilaw kaya kinakailangan nito ng ilaw sa likuran o backlight.

Let’s start with LCD technology. LCD or Liquid Crystal Display is a flat-panel display that needs light to produce images in the liquid crystal. LCD do not emit light directly instead it uses a backlight to produce image. 

 Ang mga unang lumabas na LCD TV ay gumagamit ng fluorescent backlight upang makapgpalabas ng image ang bawat liquid crystal. Ang mga unang LCD TV ay madaling nakilala sa pamilihan dahil ito ay flat screen na, mas matipd sa kuryente at mas manipis kesa sa CRT TV. Nang lumaon ang fluorescent backlight ay napalitan ng mas energy efficient o matipid na LED o light emitting diode backlight. Dahil sa paggamit ng LED sa mga LCD TV kaya ito tinawag na LED LCD TV at ng tumagal ay LED TV nalang. Tandaan nyo po, yung LCD ay panel at ang LED ay backlight. Sa susunod nating mga video paguusapan naman natin ang ibat ibat LED backlight ng TV.

The first LCD TVs uses CCFL backlight to produce image in each liquid crystal. LCD TVs become popular due to its flat screen, energy efficient, and slim design compared to CRT TV. After sometime, CCFL backlight was replaced by more energy efficient LED or light emitting diode backlight. The use of LED on LCD TVs it was called LED LCD TV and later called LED TV. Always remember LCD is the panel and LED is the backlight. In our upcoming videos we will talk about different types of LED backlight.

Ang LED TV ay flat-screen TV na gumagamit ng LCD panel at LED backlight. Ang LED ay naghahatid ng magandang kulay sa larawan na lumalabas sa LCD panel. Ang LED TV ay nakagagawa ng mas maliwanag, matingkad na kulay at malalim na dilim kumpara sa flourecsent back-lit LCD. Ang LED TV ang pinakamarami sa pamilihan ngayon dahil mas abot kaya ang presyo nito.   

LED TV is a flat-screen TV using LCD panel and LED backlight. LED produces vivid color to the images that comes out of the LCD panel. LED TV creates bright, vivid color at deep black compared to CCFL back-lit LCD. There are many LED TVs in the market because it’s price is very affordable.

Sa pamamagitan ng pinagsamang LCD panel at LED technology, may mga manufacturer ng TV na gumagawa at tumutuklas ng TV na may mas mataas na antas ng kalidad ng larawan, malawak na liwanag, matingkad na kulay at  malalim na dilim.

Due to the combination of LCD panel and LED technology, there are TV manufacturers that are trying to create and discover better picture quality, brightness, vivid color and local dimming.

Sa kagustuhan ng Samsung na makagawa ng mas advance na TV technology, natuklasan nila ang Quatum Dots. Ang mga TV ng Samsung na gumagamit ng quantum dot technology ay tinawag nilang QLED. Ang QLED TV ay gumagamit din ng LCD panel at LED backlight. Pinalooban ito ng mga quantum dots sa pagitan ng panel at backlight. Ang quantum dots ay nagliliwanag at gumagawa ng napakagandang kulay kapag tinamaan ng asul o blue backlight. Ang mga QLED TV ay naghahatid ng mas mataas na kalidad ng larawan kumpara sa ordinary LED TV. Kahit na ang QLED TV ay nasa maliwanag na lugar, ang mga larawan ay lutang na lutang pa rin. Ngunit dahil sa paggamit ng backlight, kaya ang local dimming o lalim ng  dilim, ay di pa rin  makapantay sa mga OLED TV. Kung ikukumpara ang QLED sa ordinary LED TV ito ay may mas magandang kalidad ng larawan, matingkad at magandang kulay at mas malalim ang dilim o deep black.

Samsung’s desire to discover a better and advance TV technology, they were able to discover Quantum Dots. Samsung TV’s that uses quantum dot technology is called QLED. QLED TV uses LCD panel and LED backlight. A layer of quantum dots is inserted between the panel and backlight. Quantum dots illuminate and create a vivid color when hit by blue backlight. QLED TVs produce high picture quality than ordinary LED TV. Even if QLED TVs are located in well lighted place, its brightness stand-out. However, the use of backlight unable to produce local dimming compared to OLED TV. Compared to ordinary LED TV, QLED has a better picture quality, vibrant color and deeper black.   

Ang mga QLED TV ay kapansin-pansin sa mga tindahan ng appliances dahil sa sobrang liwanag at lutang na lutang na larawan. Ang mga TV company na                      gumagamit ng QLED Technology ay Samsung, TCL at Hisense.

QLED TVs are often showcased in stores because they’re very bright and the images stand out, even in brightly lit showrooms. TV companies using QLED technology are Samsung, TCL and Hisense.

Ang LG naman ay gumawa din ng advance na technology upang tapatan ang Samsung QLED TV. Ito naman ay pinangalanan nilang LG Nanocell TV. Ang Nanocell TV ay gumagamit din ng LCD Panel at LED backlight subalit ito ay may mas pinataas na pula at berdeng kulay para makagawa ng mas malinaw at mas magandang kulay ng larawan kumpara sa ordinaryong LED TV at mapalapit sa kalidad ng larawan ng OLED. Ang Nanocell TV ay nilagyan naman ng nanocell layer  sa pagitan ng panel at backlight upang mapaganda ang kulay at kalidad ng larawan.

While LG was able also create advance technology to equal Samsung’s QLED TV. This technology is called LG Nanocell TV. Nanocell TV uses also LCD panel and LED backlight and enhances the red and green color to create vibrant image compared to LED TV and come close to OLED TV. In Nanocell TV, a nanocell layer was inserted between the panel and backlight to improve color and quality of picture.

Ang Nanocell TV ay may maliwanag na display, matingkad na kulay at manipis na bezels para sa mas magandang anggulo ng panonood. Mas mura ito kesa sa OLED TV. Tulad ng QLED TV ang pangunahing kahinaan nito ay ang local dimming, minsan sobrang liwanag o sobrang dilim, dahil ito sa backlight.

Nanocell TV possess brightness, vivid color and thin bezels so you get better viewing area. Nanocell TV is cheaper than OLED TV. The same with QLED TV, its weakness is the local dimming, too much brightness or too dark.

Ang Nanocell at QLED technology magkaibang display technology ngunit ang layunin ng mga technology na ito ay makapagbigay ng maganda, dekalidad at makatotohanang image display na hindi kasing mahal ng OLED TV.

Nanocell and QLED has different technology but was created with the purpose of providing high quality picture and realistic image, but not as expensive as OLED TV.   

Marami ang nagnanais na magkaroon ng TV na may magandang larawan, matingkad na kulay, may local dimming at  magandang contrast. Salamat sa OLED panels na nag hahatid  ng makatotohanang larawan sa mga mataas na uri ng TV at mga display. Ang nakaka-interes sa OLED o Organic Light Emitting Diode ay hindi ito gumagamit ng backlight. Ang bawat pixel sa LCD panel ay gumagawa ng sariling liwanag depende sa larawan sa screen. Ang bawat pixel ay may kakayahang lumiwanag at hindi umilaw. Dahil dito ang OLED TV ay nakagagawa ng mas malalim na dilim at magandang contrast sa larawan.

Many are aspiring to acquire TV with high picture quality, vivid color, local dimming and good contrast. Thanks to OLED panels that bring realistic image in premium TV and display. What makes OLED or Organic light emitting diode interesting is OLED does not use backlight. Instead, individual pixels its own light, depending on the screen image. Each pixel has the ability to lit or not, because of that OLED TV has deep black and better picture contrast.

Ang OLED TV ay nakagagawa ng kamangha-manghang detalye sa larawan at malalim na dilim, kaya ang bawat larawan ay nagkakaroon ng lalim o depth. Ang mga larawan sa OLED TV ay lumilikha ng buhay na larawan lalo na sa 4K at 8K resolutions.  Dahil walang backlight ang OLED TV, ito ay nagagawang mas manipis at may mas malawak na display angle.

OLED TV creates outstanding picture details, local dimming and has better depth. OLED TV creates a life-like image on 4K and 8K resolution. OLED TV don’t have backlight making it slimmer and has better viewing angle.

Ang kahinaan lang ng OLED panel ay ang pagkakaroon ng Burn-in o mantsa sa sa screen ng TV. Ang mantsa ay tumatak sa screen kapag ang larawan tulad ng logo ay matagal na natili sa screen, minsan ito’y nagmumukhang parang ghost sa screen.

The weaknessn of OLED panel is having burn-in on the TV screen. Burn-in remain on the screen whenever a picture like logo stay on the screen for a long time, it appears like a ghost on the screen.  

 

Ang isa pang kahinaan ng OLED TV ay mas maiksi ang buhay nito kumpara sa ordinary LED TV.

 Also, OLED TV’s has shorter life span compared to ordinary LED TV.

 

Ang mga TV company na may OLED TV ay ang LG, SONY at Skyworth.

TV companies that manufacture OLED TV are LG, SONY and SKYWORTH. 

 

Nanocell vs QLED vs OLED: Ang Nanalo 

Nanocell vs QLED vs OLED: The Winner

Pagdating sa kung alin ang nanalo sa hanay ng mga display technology, tulad ng Nanocell, QLED, OLED at iba pa , ang nag-iisang nakakapaghatid ng pinakamahusay na display o visual ay ang OLED. Kung nagnanais ka ng pinakamagandang kulay, malalim na dilim at pangkalahatang kalidad ng larawan, ang OLED ay good option.

When it comes to the winner among the display technology, like Nanocell, QLED, OLED etc., the one that delivers the best visuals is OLED hands-down. If you want the best colors, deeper blacks, and overall visual quality, OLED is the best option.

Kaya kung naghahanap ka ng TV na mapupunan ang iyong viewing habbits at craving sa realistic na scenes na kaya naman ng iyong budget, mag OLED TV ka na.

If you are looking for a TV that will satisfy your viewing habits and craving for realistic scenes and if suits your budget, OLED is for you.

Sana po ay naipaliwanag ko po ng maayos ang detalye tungkol sa mga display panel at magkaroon kayo ng ideya kung ano ang magandang bilhing TV.

I hope I was able explain in details about display technology and provide you better understanding what is the best TV to buy. 

 

________________________________________________________________

Appliance PH Television Episodes

Television Playlist

1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION

2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY

3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV 

4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND

5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV

6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?

7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY

8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS

9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV

 


You May Also Like

0 comments