MGA BAGONG TRENDING NA TV
Ngayon naman pagusapan nating kung ano ang mga uso pagdating sa television at ang mga pinag-usapan. Alamin natin kung ano ang mga technologies na parating sa hinaharap at pinaplanong gawin ng mga TV manufacturers.
Ito ay isang mabuting paraan upang magkaroon tayo ng advance na kaalaman sa kung ano ang ating mga inaasahan sa hinaharap at kung ano ang pwede nating maenjoy sa kasalukuyang teknolohiya.
Malaking TV na mataas ang resolution.
Sa taong ito marami ang tiyak na mag-iisip na magupgrade, magpalit at bumili ng bagong TV set. Ang mga malalaking telebisyon tulad ng 40 hanggang 55-inch TV ay nagiging pangkaraniwan sa mga sala ng mga tahanan ngayon dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pamilihan. Marami din ang nagpapalit galing sa 32-inch papuntang 40 to 43-inch dahil gusto nilang maenjoy ang Full HD resolution.
Sa paglipas ng panahon maraming malaking pagbabago ang masasaksihan natin sa mundo ng telebisyon. Kung ang mga TV na 50-inch noon ay napakalaki na, sa panahong ito ang malaki ay mas magiging malaki pa at mas lilinaw pa. Ang mga 65 inch TV ngayon ay masasabing magiging mas trending dahil mas maraming dagdag na features, mataas na resolution at mas pinababang presyo kumpara sa mga nakaraang taon.
Marami ang nagupgrade sa 50-inch to 55-inch TV dahil gusto nila maranasan ang ganda ng mga 4K o Ultra HD TV. Kaya nung nakalipas na taon, ang mga malalaking TV na may 4K o UHD resolution ay tumaas ang dami ng nabenta sa pamilihan. Ang mga Super Utra High Definition (SUHD) o 8K TV ay dumarami na rin. Dahil sa pagdami ng mga TV maker na gumagawa ng malaking TV na may mataas na resolution ang presyo ng mga ito ay patuloy na bumababa sa pamilihan at nagiging affordable na sa mga Pinoy.
Gaano ba kalaki ang Malaki? Kung ang mga 65 inch TV ay nagiging kilala na ngayon sa pamilihan, ating inaasahan na ang bumibili ng 75-85 inch na mga TV ay patuloy na madaragdagan lalo na sa pinaraming special features at mataas na uri ng picture quality ng mga ito.
Hindi pa rin natin maiaalis na ang market share ng mga 32 inch TV ay malaki parin dahil marami ang bumibili nito para naman ilagay sa mga secondary viewing locations tulad ng kwarto at kusina. Ngunit inaasahan na ang lubhang pagdami ng mga TV sets na malalaki, may magagandang features at mababang presyo, lalo na galing sa mga TV companies na mula sa China.
Ngayong taong ito makikita natin ang baglobo ng dami ng mga SUHD o 8K TV sa pamilihan. Ang isa sa mga dahilan ay ang mas magandang detailye nito sa larawan dahil ito ay may 33 million pixels, kumpara sa 8 million pixels lang ng 4K TV set. Sa nakaraang taon maliit pa ang benta ng 8K TV dahil mataas ang presyo nito, ngunit sa pagdami ng gumagawa nito ngayon, siguradong magiging affordable ito. Pero hindi dahil may mas magandang detalye ito kumpara sa 4K ay magiging reasonable na ito para sa iba. Marami pa rin ang bibili ng mga TV na abot kaya nila.
Ang challenge lang ng mga gumagawa ng 8K TV ay kokonti pa rin ang mga 8K contents sa panahong ito. Kokonti pa ang mga movies na kinunan na gamit ang 8K format. Hindi tayo pwedeng umasa na magkaroon ng TV broadcast na 4k o 8k format sa panahong ito dahil ang ang mga broadcast network at cable provider nga dito sa Pilipinas ay nahihirapan pa sa paghahatid ng Full HD.
Panahon na ba para sa OLED TV o meron pang ibang mga option?
Sa panahong ito ang mga OLED TV na mula sa LG at Sony ay nanguna sa ating talaan ng magandang telebisyon, ngunit ang mga LED TV pa rin ang nanguguna sa dami sa mga kabahayan, dahil ang mga ito ay mas mura ang halaga at ang bawat LED TV ay patuloy na gumaganda taon-taon.
Sa taong ito, ang isa sa mga magiging makabago ay ang paggamit ng mini-LED backlights na gagamitin ng mga TV brands kasama dito ang LG, Samsung at TCL. Ang backlight na ito ay mas maliliit kumpara sa normal na LED backlights na ginagamit sa mga regular na LED TV.
SA mga LCD panel TV set, ang backlight ay laging bukas, at ang mga pixels sa harapan nito ay sumasara at bumubukas upang hayaang pumasok ang tamang dami ng liwanag para sa bawat scene, at sa bawat scenes may mga liwanag na hindi maiiwasang lumamapas kaya ang mga scene na dapat ay maiitim ay nagmumukhan gray, at ito ay gumagawa ng gray na kulay sa itim na background.
Sa OLED TV, hindi yan problema dahil ito ay walang backlight. Ang bawat pixel ng OLED ay lumiliwanag sa kanyang sarili, kaya pwede itong mamatay sa mga scene na di kailangan ng liwanag. Ang madilim na scene ay tunay na madilin.
Sa mga nakalipas na pahanon, maraming mga TV brand ang gumamit ng full-aray LED backlights sa kanilang matataas na modelo para masolusyunan ang problemang ito. Ang mga LED ay inihahanay sa buong likuran ng LCD panel, imbes na sa gilid lamang meron, tulad sa maraming mga LED TV ngayon. Ang Full-array LED backlights at local dimming technology ay pinagasama, kung saan ang mga LED ay hinati sa mga zone upang ito ay lumiwanag o dumilim ng magkakahiwalay. Ang resulta, ang madilim ay totoong madilim at naiwasan magkaroon ng gray spot o area.
Ang paggamit ng mga mini-LED sa backlight ay maghahatid ng isang makabagong teknolohiya. Sa pamamgitan ng pagpapaliit ng mga LED, makakagagamit ng maraming LED sa isang lugar upang makapaglagay ng libong mini-LED sa likuran ng LCD panel. Ang mga mini-LED na ito ay hahatiin din sa mga zone na pwede patayin o padilimin, at dahil maliliit ang mga LED mas marami ang mga zone na magagawa, at ang zone na ito ay mas madaling makontrol para sa mas magandang contrast at mas makatotohanang dilim.
Sa taong ito inaasahan na mas maraming TV manufacturer ang gagamit ng mini-LED sa kanilang mga TV. Tulad ng LG na nagpahayag na ng paggamit ng mini-LED at ito ay gagamitin sa kanilang nanocell technology, na kanilang sinasabi na ang mga TV nila ay magkakaroon ng mas magandantg kulay, contrast at liwanag. Ang Samsung din ay nagpahayag ng paggamit ng mini-LED technology sa kanilang mga Neo QLED 4K at 8K TV set.
Ang mini-LED backlight ay nagdadala ng mas magandang kalidad ng larawan lalo na kung sasamahan ng High Dynamic Range o HDR ngunit asahan na natin na mas mataas ang presyo nito kumpara sa ibang LED TV.
Bukod dyan, meron pang isang technology na dinedevelop ng Samsung at ito ay ang micro-LED. Ang Sony ay meron ding micro-LED na tinawag nilang Crytal LED, na ginagamit nila sa mga commercial video wall. Sa papamagitan ng micro-LED, hindi na kailangan ng backlight dahil ang bawat pixel ay binubuo ng tiny LED sub-pixel na gumagawa ng sariling ilaw. Ang ibig sabihin nito ay ang bawat pixel ay kayang magpatay at magbukas ng ilaw, tulad ng sa OLED TV. Ang Sistema ay modular kaya pwede ito magawa sa ibat-ibang laki at hugis. Ito ay maaring lumabas sa pagtatapos ng taon sabi ng Samsung sa kanilang malalaking TV size.
Sa taong ito inaasahan din natin na marami sa mga 4K TV ay makakaroon ng pinahusay na HDR o High Dynamic Range na makagagawa ng mas malawak na liwanag at mas clarong larawan. Maaring maraming TV makers ang magpromote ng kanilang TV na may mataas na antas na liwanag na kinakailangan upang masaksihan ang HDR performance.
Kung sa panahon ngayon ay nagnanais ka ng OLED TV ngunit hindi makaafford bumili dahil may kamahalan ito, wag kang malungkot. Kung dati ay dadalawa lamang ang TV maker na may OLED TV, ngayon ay may dalawang Chinese company ang magkakaroon ng OLED TV, ito ay ang SKYWORTH AT KONKA. Kung sakaling pumasok na ang OLED ng Skyworth sa Pilipinas inaasahan na magiging competitive na ang presyo ng mga OLED TV.
Ngayon ANG OLED TV ng Sony ay sinamahan nila ng kanilang bagong develop na bravia engine na tinatawag nilang BRAVIA XR na may Cognitive Intelligence para maghatid ng mas makatotohanang larawan sa screen lalo na sa 4K at 8K TV. Ang Bravia XR sa mga Sony TV ay naghahatid ng true-to-life color, fast response time at immersive sound na totoong magugustuhan ng lahat at lalo na ng mga gamers.
Dahil sa mabilis na pagdevelop ng mga bagong technology sa panahon natin, marami sa mga TV manufacturer ang nagnanais na sila ang maging trend setter upang sila ang makakuha ng pinakamalaking market share. Ngunit alam nila na ang customer satisfaction ang higit sa lahat ang dapat nilang laging isaalangalang.
________________________________________________________________
Appliance PH Television Episodes
1. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG TELEVISION
2. ANONG BRAND NG TV ANG MATIBAY
3. PAANO ALAGAAN ANG INYONG LED TV | CARING FOR YOUR LED TV
4. PINAKA MABENTANG BRAND NG TV | TOP SELLING TV BRAND
5. ANG BRAIN, ENGINE O PROCESSOR NG TV
6. ANO BA ANG SMART TV AT ANDROID TV?
7. PINAKAMAGANDANG TV DISPLAY TECHNOLOGY | BEST TV DISPLAY TECHNOLOGY
8. BAGONG TRENDING TELEVISIONS | LATEST TELEVISION TRENDS
9. CHEAPEST SMART TV - COOCAA 32 inch HD LED TV
0 comments