PINAKAMATIPID NA REFRIGERATOR SA KURYENTE AT MATAAS ANG EEF
Ang tatalakayin naman natin ngayon ay mga refrigerator model na may mataas na EEF o Energy Efficiency Factor at kung magkano ang kunsumo nito sa kuryente. Sigurado magiging interesado kayo dito lalo na yung mga bibili pa lang o mag-aupgrade ng kanilang refrigerator.
Bago natin talakayin ang mga refrigerator na matipid sa kuryente ay pagusapan muna natin ang tinatawag na EEF o Energy Efficiency Factor at kung saan mo makikita ito.
Ang Energy Efficiency Factor ang isa sa mahalagang batayan na dapat nating i-consider sa pagbili ng bagong refrigerator. Kaya kung bibili ka ng refrigerator hanapin mo ang may pinakamataas na EEF na available.
Ang EEF ay ang malaking numerong nakalagay sa gitna ng energy guide label na karaniwang na dikit sa pintuan ng mga refrigerator. Ang EEF ay nagsasaad kung gaano kahusay ang refrigerator gumamit ng power para palamigin ang kabuoan ng loob nito.
Ang mataas na EEF ay nangangahulugan na ang isang modelo ng refrigerator ay mahusay gumamit ng enerhiya, at itoy nangangahulugan ng mababang halaga ng operasyon o paggana. Ito ang magsasabi kung gaano ang isang modelo ng refirgerator kahusay gumamit ng enerhiya kumpara sa iba.
Ang mga refrigerator lamang na may laki mula 5 cu. Ft. hanggang 20 cu. Ft. ang merong energy guide label. Ang mga beverage cooler, upright freezer at chest freezer ay di nirerequire na lagyan ng energy label.
Ang EEF ay kabaligtaran ng
pagkunsumo ng enerhiya (ang pagbaba ng konsumo ng enerhiya, ay pagtaas ng EEF),
kaya naman ang mga inverter refrigerator ay may mas mataas na EEF kumpara sa
mga non-inverter refrigerator.
Kaya ang mga direct cooling o manual defrost refigerators ay maaring mas mababa ang kunsumo kumpara sa mga no-frost ay dahil meron itong mas mataas na EEF.
Narito ang halimbawa ng Energy Guide Label na dapat natin makita sa unahan ng refrigerator kapag bibilhin pa lang tayo sa mga appliance store. Makikita ang Brand ng Refrigerator, ang model number, at sa gitna ay may maliking numero at yan ay ang EEF. Sa itaas na kanang bahagi mo naman makikita ang Energy Consumption. Kapag bumili ka ng ref wag mo itapon ang Energy Label, itago mo ito kasama ang warranty card at resibo dahil magagamit mo yan sa hinaharap.
Ayon sa inilabas na talaan para sa 2nd Quarter ng 2021 ng Department of Energy sa kanilang website ang mga sumusunod na refrigerator ay may mataas na EEF at mababang konsumo ng kuryente
Narito ang mga refrigerator na locally manufactured na may mataas na EEF at mababang Energy Consumption. Ang gagamitin po natin dito na Storage Volume Capacity ay ang net size na pinagbatayan sa pagcompute ng EEF at Energy Consumption.
____________
Simulan natin sa pinaka maliit na
may taas na almost 5 cu. ft..
Ito ay ang Condura CSD510MNi na may laki na 137Liters o 4.84 cu ft net size.
Ito ay single door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A Refrigerant.
Ito rin ay manual defrost na may malaking 21L freezer.
Ang mga Wired Shelves nito ay adjustable.
Meron itong LED light na maliwanag
at matipid.
May kasama itong Ice Tray at Ice
scrapper.
May ABS plastic door rack at ABS plastic built-in egg rack
May kabuoang bigat ito na 31kg
May laki itong 57cm L x 50cm W x 108.7cm H
May 1 year warranty ito sa parts
& service
May 5 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 5cuft na Ref
ay 214.
Ang CSD510MNi ay mayroon mataas na 403
EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.36 KWH/24h
Assuming na ang power rate ay ₱9.94 per KWH
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 125-142L o 5 cuft pababa na ref ay ₱213.65.
Ang CSD510MNi ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱107.35.
________
Ang susunod naman sa 5.1 to 5.9 cu ft category ay ang
CONDURA CSD500SAi na may size na 150L o 5.3 cu ft net size.
Ito ay single door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A Refrigerant.
Ito rin ay semi-auto defrost na may
malaking freezer.
Ang mga Wired Shelves nito ay
adjustable.
Meron itong LED light na maliwanag
at matipid
May kasama itong Ice Tray at Ice
scrapper.
May ABS plastic door rack at ABS plastic built-in egg rack
May kabuoang bigat ito na 34kg
May laki itong 56.2cm L x 51.9cm W x 115.5cm H
May 3 year warranty ito sa parts
& service
May 10 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 5.1 – 5.9 cuft
na Ref ay 243.
Ang CSD500SAi ay mayroon mataas na
467 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.34 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 5.1 – 5.9 cuft na ref ay ₱211.23.
Ang CSD500SAi ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱101.39.
Condura Single Door CSD500SAi Inverter Style
___________
Ang susunod naman sa 6 - 6.9 cu ft category ay ang
PANASONIC NR-AQ211VS na may size na 198L o 6.9 cu ft net size.
Ito ay single door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A Refrigerant.
Ito ay may 3 Econavi Sensor, Half Grip Door Handle, Built in Deodorizer, tempered glass vegetable case cover at manual defrost.
May kabuoang bigat ito na 40kg
May laki itong 65cm L x 58cm W x 130cm H
May 1 year warranty ito sa parts
& service
May 5 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 6 – 6.9 cuft
na Ref ay 239.
Ang NR-AQ211VS ay mayroon mataas na
500 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.41 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 6 – 6.9 cuft na ref ay ₱278.87.
Ang NR-AQ211VS ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱122.26.
________
Ang susunod naman sa 7 - 7.9 cu ft category ay ang
CONDURA CSD231SAi na may size na 201L o 7.1 cu ft net size.
Ito ay single door top freezer na direct cooling, inverter motor.
Ito ay semi-automatic defrost. Ang
freezer nito ay 30L.
Ito ay may adjustable wire shelves, LED light, ABS plastic egg tray, Ice tray at Ice scrapper.
May kabuoang bigat ito na 51kg
May laki itong 58cm L x 54cm W x 144.5cm H
May 3 years warranty ito sa parts
& service
May 10 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 7 – 7.9 cuft
na Ref ay 258.
Ang CSD231SAi ay mayroon mataas na
506 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.41 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 7 – 7.9 cuft na ref ay ₱310.92.
Ang CSD231SAi ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱122.26.
Condura Single Door CSD231SAi
_________
Ang susunod naman sa 7 - 7.9 cu ft category ay ang
PANASONIC NR-BQ211VS na may size na 211L o 7.45 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A refrigerant.
Ito ay manual defrost na may 3
Econavi Sensor
Ito ay may adjustable wire shelves, LED light, built-in deodorizer, at mayroong itong modern flat door design
May kabuoang bigat ito na 38kg
May laki itong 62cm L x 54cm W x 131.5cm H
May 1 year warranty ito sa parts
& service
May 5 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 7 – 7.9 cuft
na Ref ay 258.
Ang NR-BQ211VS ay mayroon mataas na
500 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.53 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 7 – 7.9 cuft na ref ay ₱310.92.
Ang NR-BQ211VS ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱158.05.
___________
Ang susunod naman sa 8 - 8.9 cu ft category ay ang
PANASONIC NR-BQ241VS na may size na 242L o 8.55 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A refrigerant.
Ito ay semi-auto defrost na may 3
Econavi Sensor
Ito ay may adjustable wire shelves, LED light, built-in deodorizer, at mayroong itong modern flat door design
May kabuoang bigat ito na 41kg
May laki itong 62cm L x 54cm W x 146.5cm H
May 1 year warranty ito sa parts
& service
May 5 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 8 – 8.9 cuft
na Ref ay 290.
Ang NR-BQ241VS ay mayroon mataas na
550 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.52 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 8 – 8.9 cuft na ref ay ₱320.63.
Ang NR-BQ241VS ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱155.06.
Panasonic NR-BQ241VS 2 Door Top Freezer Direct Cool Inverter Refrigerator
__________
Ang susunod naman sa 9 - 9.9 cu ft category ay ang
PANASONIC NR-BQ261VB na may size na 264L o 9.3 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na direct cooling, inverter motor at gumagamit ng R600A refrigerant. Ito ang tinatawag na Asenso Ref
Ito ay manual defrost na may 3
Econavi Sensor
Ito ay may adjustable wire shelves, LED light, built-in deodorizer, at mayroong itong modern flat door design
May kabuoang bigat ito na 48kg
May laki itong 62cm L x 54cm W x 156.9cm H
May 3 years warranty ito sa parts
& service
May 12 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 9 – 9.9 cuft
na Ref ay 314.
Ang NR-BQ261VB ay mayroon mataas na
470 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.64 KWH/24h
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 9 – 9.9 cuft na ref ay ₱329.68.
Ang NR-BQ261VB ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱190.85.
Panasonic NR-BQ261VB Direct Cool Inverter Refrigerator
___________
Ang susunod naman sa 10 - 10.9 cu ft category ay ang
HAIER HRF-IVD450H na may size na 311L o 10.9 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na no
frost at gumagamit ng inverter motor
Ito ay AUTO Defrost na.
May kabuoang bigat ito na 59kg
May laki itong 60cm L x 60.5cm W x 172cm H
Ang Average EEF ng mga 10 – 10.9
cuft na Ref ay 365.
Ang HRF-IVD450H ay mayroon mataas
na 625 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.61 KWH/24h.
Ang Refrigerator na ito ang maituturing na pinaka-energy efficient sa lahat ng available refrigerator sa Pilipinas.
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 10 – 10.9 cuft na ref ay ₱309.76.
Ang HRF-IVD450H ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱181.90.
Haier HRF-IVD450H Fresh Cooling Inverter Two Door Refrigerator
____________
Ang susunod naman sa 11 - 11.9 cu ft category ay ang
HAIER HRF-IV478H na may size na 333L o 11.7 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na No Frost
at inverter motor na.
Ito ay may 360 degrees Multi-Airflow para sa pantay na paglamig. Ito ay may Spill proof tempered glass shelves. Inox finish for more durability.
May kabuoang bigat ito na 59kg
May laki itong 65cm L x 60cm W x 170cm H
May 2 years warranty ito sa parts
& service
May 10 years warranty sa compressor
Ang Average EEF ng mga 11 – 11.9
cuft na Ref ay 401.
Ang HRF-IV478H ay mayroon mataas na
500 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.77 KWH/24h.
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 11 – 11.9 cuft na ref ay ₱291.64.
Ang HRF-IV478H ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱229.61.
______________
Ang susunod naman sa 12 - 12.9 cu ft category ay ang
ELECTROLUX ETB3700H-A na may size na 350L o 12.3 cu ft net size.
Ito ay two door top freezer na No
Frost at inverter motor na.
Ito ay may 360 degrees Cooling para sa pantay na paglamig. Ito ay may chill room o enclosed shelf para sa mga deli snacks. May Taste Guard para maalis ang mga bacteria at mapanatiling fresh ang pagkain.
May laki itong 65cm L x 59.5cm W x
175.5cm H
Ang Average EEF ng mga 12 – 12.9 cuft na Ref ay 426.
Ang ETB3700H-A ay mayroon mataas na
475 EEF.
Ito ay may Energy Consumption na 0.84 KWH/24h.
Ang Average Energy Consumption Cost
per Month ng mga 12 – 12.9 cuft na ref ay ₱285.68.
Ang ETB3700H-A ay may Energy Consumption Cost per Month lamang na ₱250.49.
______________
Yan ang 10 refrigerator na
pinakamatipid sa kuryente at may mataas na EEF sa mga locally manufactured
refrigerator ayon sa talaan ng DOE na inilabas nito lamang June 2021. Sa mga
gusto makakuha ng listahan ng EEF na galling sa DOE ay punta lang sa kanilang
website. Iiwan ko sa ibaba yung link.
Department of Energy Website:
Complete List of Refrigerator with EEF:
_________________
Recommended Refrigerators
1. Condura Single Door 5.8cu ft. CSD500SAi Inverter Style
2. Panasonic NR-BQ241VS 8.6 cu. ft. 2 Door Top Freezer Direct Cool Inverter Refrigerator
3. Panasonic NR-BQ261VB 9.4 cu. ft. Direct Cool Inverter Refrigerator
4. Haier HRF-IVD450H 11.5 cu. ft. Fresh Cooling Inverter Two Door Refrigerator
0 comments