MGA APPLIANCES PARA SA MALUSOG NA PAMUMUHAY

by - 12:17 PM



Ang haba ng buhay ng tao ay patuloy na bumaba. Marami ang nagsasabi na ang isa sa pangunahing dahilan ng pag-iksi ng buhay ay nagmumula sa hindi tamang pagkain. Ang mga karamdaman, tulad ng alta-presyon, diabetes, paghina ng atay at bato, cancer, stroke, at marami pang iba, ay nauugat sa di wastong pagkain.

Maraming organic foods ang ginagawa at ibinebenta ngayon na napakabenta sa pamilihan, upang ang mga nagnanais ng malusog na pamumuhay, ay kanila itong magawa. Alam nyo po ba na ang mga kasangkapan o appliances sa ating bahay ay pwedeng magamit upang mapanatili ang malusog na pamumuhay?

Ang kalusugan po natin ay nakasalalay sa ating mga kamay. Hindi kailangan gumastos ng mahal upang  tayo ay makagawa ng masustansyang pagkain. Maari nating gamitin ang mga appliances sa ating bahay upang makagawa ng mga recipe o formula na makapagpapanatili sa atin ng malusog na katawan.

May mga appliances po na mas mainam nating bilhin upang magamit natin sa pagpapanatili ng ating kalusugan. May mga appliances na binili natin para tayo masiyahan, maligayahan, maging magaan ang paggawa, pagpapanatili ng sariwang pagkain, padaliin o pabilisin ang mga gawain, at sa marami pang mga kadahilanan. Sa pagkakataong ito dapat maitutok mo naman ang iyong atensyon sa mga appliances na makakapagpapanatili ng ating kalusugan upang maaring mapahaba ang ating buhay. 

Narito ang mga small kitchen appliances na pwede natin magamit upang mas maging mabuti ang ating kalususgan.

1.     Juicer

Ang natural na pagkain ng mga tao ay dapat ang prutas, ngunit natutunan na natin kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain tulad ng kanin, karne, gulay, isada at marami pang iba. Ang prutas ay maraming magagawang mabuti sa ating katawan lalo na kung ito ay mas madaling maaabsorb ng ating katawan. Sa pamamagitan ng Juicer ay mapipiga nito ang likido ng prutas at gulay, at kapag ininom natin ito ay mas mabilis ang absorption ng mga vitamins at mineral na nasa mga prutas at gulay.

Marami sa mga Juicers na may kakayahang makuha ang mga maliliit na sustansya na magagamit ng ating mga katawan sa pagpapanatili ng kalusugan. Maari din makapagmix ng mga prutas at gulay upang mas maging malasa ay masustansya. Sa mga taong mahirap magtunaw ng pagkain ang juicing ay malaking bentahe. Ang pagkain ng prutas at gulay ay masa mabuti kesa sa pagkain ng mga karne na alam naman natin na dahilan ng mga sakit na may kinalaman sa puso at cancer. Ang juicing ng mga prutas at gulay ay nakatutulong din sa pagpapababa ng inyong timbang at nakapagaalis ng mga toxin sa katawan.

Philips Juicer HR1836/00 500W 1.5L Metal Body

High Juice Extraction Juicer - Metal Body


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE



2.     High Speed Blender

    Para naman sa mga prutas at gulay na hindi pwede sa Juicer, ang pinakamainam naman ay i-blender ang mga ito. Sa pamamagitan ng pagbeblender ang mga fiber content ng prutas at gulay ay pwede parin nating makain, di tulad kapag ginawa itong juice o piniga. Pwede kang kumuha ng mga recipe sa internet tungkol sa paghahalo ng iba’t ibang prutas at gulay upang maging mas masustansya ang iyong pagkain. Iwasan lang ang paggamit ng maraming asukal o condensed milk sa pagbeblender. Pwede kang  gumamit ng stevia o honey para sa healthier alternative na sweetener.

     Kung maari ay pumili ng mga blender na may mataas na RPM o revolution Per Minute para mas maganda ang pagka-breakdown ng mga nutrients.  Marami kang pwedeng magawa sa mga pagkain na gamit ang blender kailangan mo lang maging mapaglikha sa paghahanda ng inyong pagkain. Malaki ang magagawa ng fruit and veggie diet sa ating mga katawan kaya ang blender ang isa sa mga pangunahing kailangan mo sa iyong kusina.

Philips Blender HR2221/00 700W 5 Speed

2L plastic jar, 5speeds, pulse, mill, Lavender Star Blade Smoothie, Juicer, Ice Crasher (Black)


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE




3.     Food Processor

Syempre sa mga mahilig gumawa ng mga veggie salad, ang food processor ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito makakalikha ka ng ibat-ibang healthy food sa pamamagitan ng pagmix ng mga nutritious ingredients. Hindi ka magsasawa sa mga pagkain dahil marami kang magagawang fruits at vegetable mixtures gamit ang food processor. Mas magiging masaya at madali na ang paghahanda ng mga pagkain gamit ang food processor.

Philips Food Processor 700W 1.5L

S-Blade, 2in1 disc Shredding and Slicing, Kneading Tool, Emulsiying disc


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE



4.     Rice Cooker or Multi Cooker

Kung akala mo na bigas lang ang pwede mo maluto sa rice cooker, pwede mo rin itong magamit sa pagsteam ng mga pagkain tulad ng isda, dumpling, siomai, chicken at mga masusustansyang gulay. Ang pagsteam ng pagkain ay mas healthy kumpara sa pagpiprito ng mga ito dahil walang mantikang ginagamit. Sa pagsteam ay lumalabas din ng natural na lasa ng mga pagkain at ang mga natural na nutrients ng mga ito. 

Sa pamamagitan ng pagsteam napapanatili ang flavor, texture at ang kulay ng pagkain. Sa pagsteam ng pagkain napapanatili ang mga vitamins at minerals at natural enzymes, di tulad ng pagpiprito. At ang pinakamahalaga, sa pamamagitan ng pagsteam mas maganda ang pagkakaluto ng pagkain at mas mabilis ng 30 porsyento ang pagluluto ng mga ito.

Philips Multi Cooker HD2137/62

Non-stick Inner Pot w Pressure Cooker 6L


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE



5.     Air Fryer

     Kung gusto mong kumain ng prito na may konti o walang mantika, kailangan mo ng Air Fryer. Ito ay isa sa mabisang paraan upang magenjoy kang kumain ng prito na hindi nangangamba na ang pagkain ay may mataas na oil content. Sa paggamit ng air fryer napapanatili ang lutong ng mga pritong pagkain. Kung di ka makakain ng French fries dahil sa dami ng mantika na nakukuha dito, ngayon mageenjoy ka na kumain ng fries na halos walang mantika. Nung unang kong matikman ang luto sa air fryer nung nagdemo kami sa isang exhibit, namangha talaga ako sa lasa ng pagkain at natuwa ako na wala ng lasang mantika ang pinirito.

     Alam naman natin na ang mantika o oil ay isa sa mga sanhi ng sakit na pumapatay sa mga tao ngayon. Ang mga sakit na maiiwasan natin kung di na tayo gagamit ng mantika sa pagprito ay ang altapresyon, atake sa puso, at stroke. Kaya ang air fryer ay isang makabagong paraan ng pagluluto ng pagkain na makakapagpapanatili sa atin ng maayos na kalusugan.

     Ang air fryer ay napaka space saver kaya popular ito sa mga nakatira sa condominium. Healthy eating and space saver.

Philips Air Fryer HD9200/91 4.1L 1400W

Healthy Low Fat Multicooker Fryer 4.1 Liter Cooking Capacity Heavy Duty Analog Fryer Rapid Air Technology 1400W (Black)


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE



6.     Induction Cooker 

Malamang ay nagtataka kayo kung bakit nakasali ang induction cooker sa mga appliances na pwedeng maghatid ng maayos na kalusugan sa atin. Hindi lang ang ipinapasok sa bibig ang nakakaapekto sa kalusugan, pati na rin ang ating nalalanghap. Alam naman  natin na ang mga lutuang gumagamit ng LPG ay may mga amoy na lumalabas. Ang LPG ay by-product ng mga produktong petrolyo kaya maaring may epekto ito  kapag ating nalanghap. Kaya ang induction cooker ay napakagandang ipalit sa mga LPG gas stove na ating ginagamit sa mga kabahayan ngayon. Ang induction cooker ay walang masamang gas na pwede nating malanghap. Ito rin ay napaka energy efficient dahil walang nasasayang na enerhiya dahil ang cookware ang umiinit. Ligtas din ito gamitin dahil may shut-off sensor ito na umaalam kung sobra ba ang init na nalilikha o walang init na nagagawa.

Midea Induction Cooker FP-60ITL210WETH-B1 2100W

Touch Control, with 60-240 ℃ Temperature Range


BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE



7.     Vaccum Sealer

Napakagandang karagdagan ng Vacuum Sealer sa ating mga kusina dahil tumutulong ito na mapanatili ang ating mga pagkain na sariwa. Ang vacuum sealer ay nakapagpapahaba ng buhay ng mga pagkain na ating itinatabi at naiiwasan ang mabilis na pagkabulok ng mga ito. Sa pamamagitan nito nakasisiguro tayo na masustansya pa rin ang ating inihahain sa ating hapagkainan at malayo sa mga kontaminasyon. Kaya naman dapat meron ka sa bahay mo nito upang maiwasan ang pagkasayang ng mga pagkain at makasigurong masustansya pa rin ang iyong kinakain.

Lecon Vaccum Sealer Metal Body

Household food vacuum packaging machine compression sealing machine fully automatic maintain fresh plastic packaging vacuum sealer evacuation machine


BUY NOW ON LAZADA

 

Yan ang pito sa mga maliliit na appliances na pangkusina na ating magagamit upang ang ating araw araw na pamumuhay ay healthy at ligtas. Subalit lagi nating tatandaan na sa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang lahat upang tayo ay mamuhay ng malusog at ligtas. Ang mga kasangkapang ito ay kagamitan lamang at na sa ating parin ang desisyon kung ano ang ating kakanin.

 

____________



You May Also Like

0 comments