Tips Para Protektahan Ang Mga Appliances Sa Biglaang Pagtaas Ng Daloy Ng Kuryente.
Ang mga makabagong appliances ay nagtataglay ng advance electronics, upang maging episyente, at mapabuti ang katayuan ng ating pamumuhay. Ngunit, sa mabilis na paglago ng electronics ay dumarating ang pagkakataon na tumataas ang tsansa na masira ito sa biglaang paglakas ng daloy ng kuryente.
Ang biglaang bugso ng daloy ng kuryente o Power Surge ay nangyayari ng mas madalas kesa sa iyong iniisip, at iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin mag-invest sa mga power surge equipment, na isang matalinong desisyon dahil ito ay maaring makapigil sa pagkasira ng ating mga appliances.
Ano ba ang power surge at paano ito nangyayari? Ang biglang pagtaas ng daloy ng kuryente ay isang saglit na pagkakaroon ng mataas na dami ng boltahe na lubhang mataas kumpara sa tamang level nito.
Sa Pilipinas, ang standard na level ng boltahe ay 220V na may frequency na 60Hz, at mga appliances ay nakadisenyo sa ganitong standard. Subalit ang mga appliances ay rated sa ±10% 230V, na ibig sabihin pwede itong tumanggap ng boltahe sa pagitan ng 207V hanggang 253V. Ang makasisirang bugso ng boltahe ay mataas sa 253V.
Ang pagtaas ng boltahe ay mas madalas kesa sa iyong iniisip dahil nangyayari ito sa maliliit na dating na di natin nararamdaman ang epekto.
Ang mga kadahilanan ng pagbugso ng kuryente ay ang pagtama ng kidlat. Ang daluyan ng kuryente kapag tinamaan ng kidlat, ay walang magagawa kundi higupin ang mataas na dami ng elektrisidad, na nagdudulot ng sobrang taas na dami ng kuryente.
Ang isa pang dahilan ng power surge ay ang electrical overload. Ang karaniwang may kasalanan ay ang mali at abusadong paggamit ng mga extension cord, tulad ng octopus connection, o kaya ay paggamit nito sa mga appliances na nangangailangan ng mataas na daloy ng kuryente tulad ng refrigerator, aircon at microwave oven. Ang sobrang dami ng kuryente na hinihila nito ay gumagawa ng biglang pagtaas ng kuryente na nagpapaoverloaded sa circuit.
Idagdag pa dito ang mga linya ng kuryente na may sinyales na ng pagkasira tulad ng sunog at amoy sunog na nanggagaling sa outlet, maingay na tunog, at madalas na pagtrip ng breaker.
Ang madalas na pagkawala ng daloy ng kuryente o brown-out ay pwede ring sanhi ng power surge. Ang kuryenteng biglang dumadaloy sa linya pagkatapos ng brown-out ay mas higit na malakas kaya gumagawa ito ng power surge, na maaring makasira ng mga appliances na nakasaksak sa outlet.
Paano ba nakakaapekto sa mga appliances ang biglaang paglakas ng daloy ng kuryente?
Madalas ay merong mga maliliit na pagtaas ng daloy ng kuryente na hindi natin napapansin at ang mga makabagong appliances ay equiped naman para sa mga maksing pagtaas ng daloy ng kuryente. Subalit, ang pagkasira ng mga appliances ay nagaganap dahil sa mga madalas na biglaang pagtaas ng daloy ng kuryente kahit na maiksi o sandali lang ito na nagpapaiksi sa buhay ng appliances at nakakaapekto sa performance nito lalo na kung walang power protection device.
Ang mga appliances na may microprocessor ay malapit sa pagkasira dahil ang malakas na daloy ng kuryeta ay maaring makaprito at makatunaw ng mga plastic na parte nito.
Ang sobrang daloy ng kuryente ay maaring magdulot ng sobrang init sa mga appliances at maaring makasira ng mga circuit board ng mga ito at maaring makapagdulot ng sunog.
Kaya alamin natin kung ano ang mga appliances na kailangan ng power surge protector.
Ang mga appliances na ngangailan ng surge protector ay may mga high-tech electronics dahil ang mga ito ay mas madaling masira.
Ang sususnod na prioridad ay ang mga appliances na laging ginagamit tulad ng refrigerator, aircon, at television, dahil habang ginagamit ang mga appliances na ito, ay may mataas na tsansa na magkaroon ng pagtaas ng daloy ng kuryente.
Ang mga simpleng appliances tulad ng mga semi-automatic na washing machine at maliliit na appliances sa kusina ay pwedeng wala ng surge protector.
Ang mga mamahaling appliances ay dapat ang unang lagyan ng mga device na sumasanggalang sa mga pagtaas at pagbaba ng daloy ng kuryente, upang kahit papaano ay maingatan ninyo ang inyong investment sa mga mahal na appliances.
Narito ang mga device na magagamit upang protektahan ang mga appliances natin sa bahay.
1.
Automatic
Voltage Regulator (AVR)
Ang automatic voltage regulator (AVR) ay power protection device na nagpapanatili ng boltahe sa tamang dami sa mga appliances, sa pamamagitan ng pagregulate sa kahit anong pagtaas o pagbaba ng boltahe na maaring mangyari.
Ang device na ito ay naghahatid ng proteksyon sa iyong mga appliances. Ang AVR ay karaniwan ng gingamit sa mga mamahaling appliances na may sensitive na electronic parts.
Secure Automatic Voltage Regulator 220 Volts with Surge Short Circuit Protection
BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEE2.
Power-on-delay
Ang power-on-delay ay napakahalagang device na magagamit kapag nawalan ng daloy ng kuryente.
Kapag nawalan ng kuryente at sa pagbabalik nito ang gagawin ng power-on-delay ay i-delay ang pagpasok ng kuryente sa iyong appliances ng 3-5 minuto upang masiguro na maayos na ang daloy ng boltahe bago dumating sa inyong appliances. Ito ang nag poprotekta sa mga appliance sa inaasahang voltage surge sa pagbabalik ng kuryente.
Ito ay napaka kapakipakinabang sa mga appliances na gumagamit ng compressor tulad ng refrigerator at aircon, dahil ang refrigerant ay dapat maistabilize muna pagkatapos na tumigil ang compressor, bago ang appliances ay buhaying muli.
Ang power-on-delay device ang may pinakakokonting proteksyong maibibigay dahil hindi nito naprotektahan ang appliances habang nagkakaroon ng power surge, kundi nagagamit lamang ito pagkatapos mawalan ng kuryente.
3. Surge Protector
Ang surge protector ay gumagana sa pamamagitan ng pagpatay sa power supply papunta sa appliances kapag nakaramdam ito ng hindi pangkaraniwang daloy ng kuryente lalo na ang sobrang pagtaas ng boltahe. Ito ang sumasagip sa inyong appliances sa pagkasira.
Ang surge protector ay kailangan lalo na kung nakatira ka sa malapit sa mga malls at factories, ngunit maaring hindi ito sapat kung kayo ay nakatira sa lugar na regular na nagpapabago-bago ang daloy ng kuryente o laging may power fluctuations.
Panther PVP 2500 Voltage Surge Protector 2500 Watts with Power on Delay
BUY NOW ON LAZADA BUY NOW ON SHOPEEPaano ba natin mapoprotektahan ang ating mga appliances sa pabagobagong daloy ng kuryente na hindi gagamit ng mga device?
Gawin nating ang mabubuting gawi sa pagprotekta sa ating mga appliances sa biglaang pagtaas ng daloy ng kuryente.
1. Kapag nakakaranas ng pagkidlat at pagkulog, ang pinakasimpleng paraan upang maprotektahan ang ating appliances sa bahay ay alisin natin ang mga ito sa pagkakasaksak sa mga outlet.
2. Kapag nawalan ng daloy ng kuryente, alisin sa pagkakasaksak sa outlet ang lahat ng appliances sa bahay at sa pagbalik ng kuryente huwag muna natin isaksak at buhayin ang mga appliances. Maghintay ng ilang minuto bago gamitin muli ang ating appliances upang maistabilize muna ang daloy ng kuryente.
3. Huwag natin i-oeverload ang electrical circuit sa bahay. Ang pagsaksak ng maraming appliances sa isang circuit ay maaring humila ng sobrang dami ng kuryente na kaya nitong madala lamang. Maari itong maging sanhi ng pagtaas ng daloy ng kuryente at pinaka masama maaring magdulot ng sunog.
Ang mga pagbabago-bago sa daloy ng kuryente sa mga kabahayan ay pangkaraniwan ng nangyayari na hindi lang natin namamalayan kaya dapat ang bahay natin ay maroon power protection. Napakatalinong paraang na mag-invest tayo sa mga power protection devices upang sagipin ang ating appliances at tahanan laban sa pagkasira dala ng mga power surges and fluctuations.
God
Bless Us All. To GOD Be The Glory!
0 comments