KUMPLETONG GABAY SA PAGBILI NG TELEVISION
Noong nakaraang taon ginawa namin ang video na may title na “Ang Mga Dapat Tandaan Sa Pagbili Ng Television”. Sa video natin ngayon ay gagawin natin itong mas kumpleto para sa kapakanan ng ating mga masugid na taga-subaybay.
Sa mabilis na paglago ng kaalaman at pagtuklas, ang mga appliances tulad ng television ay mabilis din nagkakaroon ng pagbabago. Ang mga makabagong teknolohiya ay nagdadala sa tao ng ibayong pagpapagaan sa pamumuhay, episyenteng paggamit ng enerhiya at naiibang kasiyahan sa mga gumagamit nito.
Ang
telebisyon ay isa sa mga pinangagalingan ng entertainment sa bahay. Ang
telebisyon ay naging parte na ng ating mga buhay at nararapat lang na sa
pagbili natin ng television ay alam natin ang mga features at specification na
meron ang ating television.
Simulan natin sa LCD Panel. Ang LCD panel ay ang screen ng inyong TV. Ito ay binubuo ng maraming layer tulad ng LCD, Color Filter, Polarizer at iba pa. Ang LCD o liquid crystal display ay binubuo ng mga pixels. Ang LCD ay nangangailangan ng liwanag upag makapaglabas ito ng imahe sa screen. Ang mga pixels ay sumasara at bumubukas upang hayaang pumasok ang tamang dami ng liwanag para sa bawat scene na lumalabas sa TV screen. Ang Color Filter ang nagbibigay ng kulay sa mga larawan sa screen sa pamamagitan ng ilaw nan a nangagaling sa backlight. Ang Polarizer ang gumagawa ng malinaw at maliwanag na larawan. Kung walang polarizer ang imahe na lalabas sa screen ay malabo.
May dalawang type ng LCD panel na laging ginagamit ng mga TV manufacturer at ito ay ang IPS panel at VA panel. Ang IPS o In-Plane Switching ay may wide viewing angle ngunit may mababang contrast, samantalang ang VA panel o Vertical Allignment naman ay may high contrast ratio pero may narrow viewing angle. Ang pagkakaiba ng dalawa ay di naman nakakaapekto sa picture quality tulad ng peak brightness at color accuracy.
Ang karamihan sa mga TV sa pamilihan ngayon ay gumagamit ng LCD Panel tulad ng LED TV, QLED TV, NANOCELL TV, at MINI LED TV. Huwag po natin pagkamalian, ang LCD po ay panel at ang LED ay backlight.
Dahil
sa ang LCD panel ay nangangailangan ng backlight o tinatawag na transmissive
panel, narito ang mga backlight na ginagamit dito.
Ang CCFL o Cold Cathode Fluorescent Lamp ang unang backlight na ginamit sa mga LCD TV. Ang CCFL ay nakalilikha ng maliwanag na image sa screen ngunit napakababa ng contrast dahil ang dapat na madilim ay kulay gray.
Nang lumipas ang ilang taon, dumating naman ang LED backlight. Ang LED o light emitting diode ay mas maliwanag, naghahatid ng magandang kulay at matipid sa kuryente. Ang LED backlight ay nagbibigay ng mas magandang contrast sa larawan kumpara sa CCFL backlight.
Ang mga ordinaryong LED TV ay gumagamit ng Edge LED backlight. Ibig sabihin ang mga LED light ay nakalagay lamang sa gilid na nagbibigay ilaw sa screen. Ang mga edge-lit TV ay mas mababa ang presyo at pwedeng mas manipis, ngunit dahil nasa gilid lang ang mga ilaw may lugar na hindi pantay ang ilaw na nagreresulta sa mababang contrast at di pantay na kulay.
Dahil sa nakita ng mga gumagawa ng TV ang kakulangang ito, naisipan nila gawin itong Direct LED TV o Direct Lit. Sa pamamagitan ng paglalgay ng mga rows of LED sa likuran, nagkaroon ng mas pantay na liwanag na pumapasok sa panel ng television. Ang pictre quality ay naging mas maganda at malinaw kumpara sa edge-led TV ngunit di parin ito nagbigay ng magandang contrast sa larawan dahil sa kakulangan ng local dimming.
Upang masolusyunan ang low contrast ng edge-lit at direct-lit TVs, ang mga manufacturer ng TV ay gumawa naman ng Full Aray LED TV. Ang mga LED ay inihahanay sa buong likuran ng LCD panel, imbes na sa gilid lamang o ilang hanay lamang tulad ng edge-lit at direct-lit. Ang Full-array LED backlights at local dimming technology ay pinagasama, kung saan ang mga LED ay hinati sa mga zone upang ito ay lumiwanag o dumilim ng magkakahiwalay. Ang resulta, ang madilim ay totoong madilim at naiwasan magkaroon ng gray spot o area. Ngunit lubos na mas mataas ang presyo ng Full Aray LED TV kumpara sa mga edge-lit at direct lit LED TV dahil sa additional na mga LED light at local dimming.
Ang paggamit naman ng mga mini-LED sa backlight ay maghahatid ng isang makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng pagpapaliit ng mga LED, makakagagamit ng maraming mini-LED sa isang lugar upang makapaglagay ng libo-libong mini-LED sa likuran ng LCD panel. Ang mga mini-LED na ito ay hahatiin sa mga zone na pwede patayin o padilimin, at dahil maliliit ang mga mini-LED mas marami ang mga zone na magagawa, at ang zone na ito ay mas madaling makontrol para sa mas magandang contrast at mas makatotohanang dilim. Ang mini-LED kasama ang local dimming at naghahatid ng mas makatotohanang kulay at magandang contrast sa mga larawan.
Ngayon na nalaman na natin ang mga LED backlight ng ating mga flat screen TV, alamin naman natin kung ano ang mga additional na layer sa LCD panel upang pagandahin ang images sa screen tulad ng QLED at Nanocel TVs.
Ang QLED TV ay may LCD panel din at gumagamit din ng LED backlight. Para mas maimprove ang picture quality, magkaroon ng mataas na brightness, vivid at accurate color, nilagyan ng hiwalay na layer ng quantum dots sa pagitan ng LCD panel at blue backlight, kaya tinawag itong Quantum LED. Kapag tumama ang blue LED light ay naactivate ang quantum dots upang maghatid ng mas mahusay na kalidad ng larawan sa screen.
Ang Nanocell TV naman ay kahawig ng QLED, nilagyan din ng extra layer na may nano-particles sa pagitan ng LCD panel at LED backlight upang i-refine ang red at green wavelength upang gumawa ng mas matingkad at accurate na pangunahing kulay, na tugma sa mga HDR content na may wide color range.
May mga flat screen TV na di na kailangan ng LED backlight at ito ay ang Micro-LED at OLED TV.
Meron isang technology na dinedevelop ngayon, ito ay ang micro-LED. Ang micro-LED ay hindi na nangangailangan ng backlight dahil ang bawat pixel ay binubuo ng tiny LED sub-pixel na gumagawa ng sariling ilaw. Ang bawat pixel ay kayang magpatay at magbukas ng ilaw, para makagawa ng deep black at high contrast images sa screen na di kayang pantayan ng mga TV na gumagamit ng back light. Ang bawat pixel ay nakagagawa ng tamang liwanag upang makagawa matingkad na kulay at makatotohanang larawan sa screen. Dahil wala itong backlight nagagawa itong mas manipis.
Marami ang nagnanais na magkaroon ng TV na may magandang larawan, matingkad na kulay, may local dimming at magandang contrast. Ang OLED panels ay naghahatid ng makatotohanang larawan sa mga mataas na uri ng TV at mga display. Ang nakaka-interes sa OLED o Organic Light Emitting Diode ay hindi ito gumagamit ng backlight. Ang bawat pixel sa LCD panel ay gumagawa ng sariling liwanag depende sa larawan sa screen. Ang bawat pixel ay may kakayahang magbigay ng liwanag at magpatay nito. Dahil dito ang OLED TV ay nakagagawa ng mas malalim na dilim at magandang contrast sa larawan. Kaya ang OLED TV ang nangungunang tv dahil sa napakagandang kalidad ng larawan na meron ito na may tamang blend ng color, brightness at contrast.
Ngayon naman ay pagusapan natin ang screen resolution. Ang screen resolution ay dami ng pixels sa horizontal at vertical line sa tv monitor. Ang mga CRT TV ay may resolution na 800x600. Ang mga flat screen TV ay may SD (Standard Definition) o 640 x 480 resolution, HD (High Definition o 1280 x 720 resolution, FHD (Full High Definition) o 1920 x 1080 resolution, 4K UHD (Ultra High Definition) na may resolution na 3840 x 2160 at ang 8K UHD na may 7680 x 4320 resolution. Ang pixel ay pinakamaliit na unit sa mga digital image o display. Mas marami ang pixels mas maganda ang bawat detalye ng mga images. Kaya kung mataas ang screen resolution ng TV mas malalaking picture resolution ang kaya nitong ilabas sa screen na may napakagandang detalye at clarity.
Ang mga picture at video ay may sariling resolution na kapag tugma sa TV resolution ay makagagawa ng magandang picture quality dahil sa precise details at awesome clarity sa screen. Kaya may mga television na may AI Upscaling upang automatic na itaas ng engine ng TV ang mga mababang resolution na video at pictures. Ang Upscaling ay nakapagbabawas ng posibilidad na magkaroon ng pixelated na parte ng larawan sa inyong TV screen. Ang karaniwang may mga Upscaling ay 4K at 8K UHD TV, na kayang mag upscale ng Full HD resolution picture at videos pupuntang UHD resolution depende sa kakayahan ng engine ng TV.
Ang TV size ay kapartner din ng resolution. Mas Malaki ang TV size maaring mas mataas ang TV resolution. Ang mga 32-inch TV ay may resolution na 1366 x 768 resolution o HD ready, meron ding mga Full HD na at bihira lang ang may 4K UHD. Marami sa mga 40-inch to 50 inch TV naman ay Full HD na, hanggang 4K UHD at kokonti pa lang ang may 8K UHD. Ang 50-inch pataas na TV ay merong Full HD hanggang 8K UHD. Ang recommended na bilhing TV ngayon ay 40 to 65-inch 4K UHD TV with AI Upscaling dahil marami ng mga movies na Full HD at 4K format.
Kailangan mo din i-consider ang viewing distance sa size ng iyong bibilhing TV. Kapag hindi tugma ang laki ng TV sa viewing distance baka naman maapektuhan o hindi ka maging comforatable sa iyong panonood.
Ang karaniwang hindi napapansin na technology sa TV ay ang ENGINE nito. Ang Television Engine ang utak o brain ng inyong TV. Dito nagmumula ang mga signal kung paano lalabas sa TV screen ang mahusay na larawan. Ang TV Engine ang nagpoproseso ng tamang kulay, tamang dami ng liwanag, upscaling ng resolution, artificial intelligence, response time, motion detection at iba pa. Ang mga makabagong TV engines ay gumagamit ng perspective analysis na tulad sa tao upang mag-analize at mag-optimize ng libo-libong impormasyon sa isang kisap mata. Nauunawaan nito kung paano dapat natin makita at marinig ang ating mga napapanood. Kaya kung bibili ka ng TV pumili ka ng may superior TV engine upang maging enjoyable ang inyong panonood.
Kasama ng mahusay na picture engine, mataas na resolution at local dimming, kailangan ang inyong tv ay may kakayahang magprocess ng High Dynamic Range o HDR contents dahil ang HDR ay naghahatid ng brighter highlights, higher contrast at wide range of color details, para sa isang napakaganda at makatotohanang larawan sa screen.
Kung gamers ka o mahilig manood ng mga sports, dapat ang TV mo ay may refresh rate na minimum na 120Hz at response time na 3ms pababa, upang maiwasan ang log at blurring habang naglalaro ka o nanonood ng action sports program. Sa mga gamers mainam na pumili ng IPS panel na may mataas ang refresh rate.
Syempre marami ang gustong makapanood ng malinaw na TV shows kasama ang buong pamilya. Kaya dapat ang bilhin mong television at may Digital Tuner o ISDB-T Tuner na. Ang mga TV networks ay nagsimula ng magshift sa digital braodcsting na may 480p o SD resolution at 720p o HD resolution at malamang sa ilan pang panahon ay 1080p o Full HD na. Ang digital broadcast ay crystal clear at may precise details kapag nareceive ng digital tuner para mailabas sa inyong tv screen. Ang analog broadcast at mga analog tv ay malapit ng i-phase-out, kaya dapat ang TV mo ay may digital tuner na para di ka na bumili ng digital tv-box.
Ang kapartner ng magandang picture quality at magandang sound quality. Pumili ng TV na may magandang tunog. Pumili ka ng may mga latest sound technology tulad ng Acoustic Audio, Dolby Audio, Dolby Atmos, Q Symphony at iba pa. Sa pamamagitan ng mgandang tunog mas lalo mong maapreciate ang iyong panonood. Pumili ka ng TV na may at least 10watts bawa’t speaker o kaya ay may kasama ng sound bar.
Ang kasunod naman po ay ang SMART TV features ng mga TV. Ang Smart TV features ay ang kakayahan ng TV na makaconnect sa internet via Wifi o LAN cable. Nagkakaiba lang ang mga Smart TV sa software na ginagamit. May mga Smart TV na Simple Smart TV lang na ibig sabihin limited lang ang function na magagawa tulad ng panonood sa Youtube at Netflix lang at wala ng ibaba pwede. May mga Smart TV naman na gumagamit ng Android software na popular ngayon na pwedeng makaaccess sa google playstore at makapag-download ng maraming applications na pwede sa TV tulad ng youtube, youtube music, facebook watch, Netflix, spotify, amazon prime, at marami pang iba. Ang Samsung naman ay gumagamit ng Tizen Smart Hub at ang LG ay webOS na marami din applications tulad sa android. Ang Sony ay gumagamit ng Google TV at Android Software. Ang TCL ay gumagamit naman ng Android at Roku software.
Sa pamamagitan ng Smart TV pwede na kayong makapanood ng libo-libong mga movies, makapakinig sa spotify ng music at makapaglaro ng mga games sa inyong TV. Ngayon ang isa sa mga functionality na inilagay sa Smart TV ay ang video conference gamit ang iba’t ibang meeting apps tulad ng skype, zoom at google meet at nilagyan na ng camera para magkakitaan. Kaya kahit may pandemic ay pwedeng magkumustahan gamit ang TV.
Pwede kang matulungan ni Alexa, Bixby at Google Assistant upang mas mapadali ang iyong mga paghahanap kapag ang iyong remote control at smart tv ay may voice recognition.
Ang Smart TV na may DLNA ay pwede ng magMirroring. Kung anong ginagawa mo sa phone mo ay pwede mong palabasin sa iyong TV. Kung may Built-in Chromecast naman ito, pwede mo ng palabasin sa TV ang pinapanood mo sa PC, laptop, mobile phone at tablet. Pwede mo ring gawing monitor ng computer ang iyong smart tv ng walang wire basta nakaconnect kayo sa isang network gamit ang google chromecast.
Ang Smart TV ay mayroon ding Processor, RAM at ROM tulad ng mga smartphone. Pumili ng may Quadcore o Octacore processor, at least 2GB RAM pero mas recommended kung 4GB RAM at 16 to 32GB ROM storage. Sa ganitong specification, makasisiguro ka na ang navigation mo ay smooth at mabilis ang response ng mga applications. Kung android software ang napili mo para sa smart tv mo, pumili ka ng Android 10 version. Tandaan po na ang user interface ng mga smart tv application ay naiiba sa mga smartphone.
Kung mahilig ka naman magdownload ng mga movies at music galing sa internet at i-play ito sa TV, pumili ng TV na may 2 o higit pa na USB port. Ang USB port ay saksakan ng USB flash drive na lalagyan ng mga pic, sound at movie files. Dapat ang iyong TV ay nakababasa ng iba’t ibang image, video at sound format tulad ng AAC, MP3, MP4, MPEG, MOV, MKV, PNG, JPG at iba pang format.
Ang mga input at output ports na dapat meron ang iyong tv ay 2 o 3 HDMI ports para sa mga connection movie player, game console, computer at ibang media devices; AV input connection para sa mga old devices kung meron ka pa; Audio output para kung gusto mong palabasin ang sound ng TV sa iyong amplifier.
Mabuti rin kung Bluetooth ready na ang TV upang madali kang makakapag connect ng Bluetooth device tulad ng mouse at keyboard, game pads, headset at iba pang Bluetooth capable devices.
Pumili magandang bezel o frame ng inyong tv na tugma sa inyong paglalagyan. Merong mga flat screen TV na nagtataglay ng magandang desenyo ng frame na siguradong magpapaganda sa inyong mga dingding na tulad ng mga artwork.
Malakaking advantage kung ang mabibili mong TV ay merong minimum 2 years parts and service warranty para mas matagal ang proteksyon sa pagkasira.
Iyan po ang mga guide ninyo kung kayo ay bibili ng bagong television sa panahong ito. Isipin mo na kapag bumili ka ng TV ngayon, dapat at least hindi pa ito obsolete pagkalipas ng 5 taon.
0 comments