BAGONG TELEVISION BRAND PART 1: HUAWEI VISION S

by - 8:18 PM

 


Marami ang humuhiling na gumawa tayo ng video tungkol sa mga bagong brand ng TV ngayon. Dahil marami ang mga bagong brand at para mahimay natin ng husto ay gagawin nating series ito. Ang unahin nating pag-usapan ay ang Huawei.

Marami sa mga new television brands ay galling sa China ngayon ang naglipana sa pamilihan ngayon. Ang ironic, kahit na marami sa mga Filipino ang nagsasabi na naiinis sila sa bansang ito dahil sila ang pinagmulan ng covid19 at sa pang-aagaw sa mga isla ng Pilipinas, marami pa rin ang productong pumapasok sa Pilipanas na nanggaling sa kanila at marami pa rin ang bumibili.

Maraming kadahilanan kung bakit nakakaakit ang mga China made products sa mga pinoy. Ang una, ang mga television na naggagaling sa bansang ito ay napakamura kumpara sa kumpetisyon. Pangalawa, hitik sa magagandang features na hindi matatagpuan sa iba. Ngunit ang malaking tanong ay tatagal ba ito tulad ng mga leading brands na sinubok na ng panahon.

Marami din naman na maasahang brand na galling sa China at napatunayan na ito sa mga produktong ginagamit ng marami sa ngayon. May mga television brand din na nangunguna na rin sa buong mundo tulad ng TCL at Hisense. 

Kaya tara tuklasin natin ang iba pang mga China brands na maaring maging tanyag din tulad ng nabanggit.

Simulan natin sa HUAWEI.

Ang Huawei brand ay kilala sa mga mobile phone. Dahil sa mataas na lebel ng teknolohiya ang ginagamit ng Huawei kaya nakagawa sila ng mataas na uri ng mga mobile phones. Nagkaroon man sila ng konting problema sa relasyon nila sa Google, ito ay naghatid ng mas ibayong pagtuklas sa makabagong paraan.

Ngayon ay nagsimula na rin sila gumawa ng mga telebisyon na dala ang kanilang kagalingan sa paglikha at pagtuklas, na kanilang nagawa na sa kanilang mga mobile phones. Ang mobile phones, computers at telebisyon ay mga consumer electronics na halos hindi nagkakalayo ng technology na ginagamit.

Ipinapakilala ang Huawei Vision S Beyond TV

Ang Huawei Vision S ay may dalawang Tv size, ito ay 65-inch at 55-inch na parehong 4K Ultra High Definition na may resolution na 3840x 2160. Ito ay gumagamit ng LCD panel at Direct LED backlight.

Ang ginamit na operating system o software ay HarmonyOS, na kanilang sariling develop na OS. HarmonyOS, “the intelligence you can trust”. Ito ay may kakayahang i-connect ang iba mo pang mga device tulad ng tablet at smart phone. Maari kang magdownload ng iyong favorite mong applications sa Huawei AppGallery. Don’t expect many applications kumpara sa Android pero marami ditong very useful na mga applications. Meron na itong Wish 107.5 TV na pwede ka ng makapakinig ng maraming music. Para kang nakasakay sa Wish Bus.

Dahil sa HarmonyOS pwede mong i-project ang iyong ginagawa sa mobile phone at makita ng mas malaki sa tv screen gamit ang OneHop Projection.

Sa pamamagitan ng Mirror Control, ang iyong hauwei phone ay pwedeng maging touchpad para sa Huawei Vision S na pwede kang mag free touch, handy control at easy input, kaya di mo na kailngan laging gamitin ang remote control.

Kung mahilig ka mag games, gawin mong gamepad ang iyong phone. Maglaro gamit ang phone mo as gamepad at tingnan ang nilalaro mo sa mas malaking screen. 

Meron ito Huawei Share na pwede kang magtransfer ng files tulad ng photos, music, videos at applications galing sa mobile phone papunta sa TV at vise-versa.

Ito ay may 3GB Internal Memory (RAM) at 32GB na Internal Storage (ROM) na very advisable para tumakbo ng smooth at maayos ang mga applications. 

Ang isa sa magandang feature ng Huawei Vision S ay ang 1080P MeeTime Video Call. Kaya kung gusto mong makausap ang iyong mga mahal sa buhay, magiging mas madali kapag gamit mo ang telebisyon na ito. Kung may video call ka sa phone mo, pwede mo ito itransfer sa TV para maging madaling makita at magenjoy sa pakikipagusap. Syempre dahil ngayon ay panahon pandemya marami ang nasa bahay lang at tamang-tama ang TV na ito para makaalis ng inip, pwede ka ng makipagchikahan. 

Ito ay may 13MP magnetic camera na maghahatid ng makatotohanang larawan at may 1080p video capability, na naigagalaw ng 180 degrees para mas magandang viewing angle. Pwede ka rin kumuha ng mga larawan habang nasa harapan kayo ng television.

Tulad ng Android na may Google Assistant at Samsung na may Bixby, ang Huawei HarnonyOS naman ay may Celia. Ito ang Huawei AI Voice na pwede tumugon sa iyong mga request. Ang Tv ay may 6 mic far-field voice pickup na accurate na marecognize ng boses hanggang 5 metro ang layo. Pwede mong utusan si Celia kung gusto mo manood ng movie, making music, itaas o ibaba ang volume ng tv, o kaya ay i-turnoff ang screen.  

Ang Huawei Vision S ay may minimalist design na ginawa upang maghatid ng ganda sa inyong living room. Ito ay may 4K UHD infinity screen at high-class stainless-steel frame na pakagandang pagmasdan.

Mamangha ka sa napaka-smooth na motion dahil ito ay mayroong 120Hz high Refresh-Rate Screen na tugmang tugma sa mga high action at speed movies, at sa mga games. Ang 120Hz motion rate ay naghahatid ng nakakagulat na fluid motion habang ang Smart MEMC algorithm nito ay naglilipat ng mga low frame video pataas sa 120 frame-per-second upang magkaroon ng fluid motion na walang lag o blur. Swak na swak ito sa mga merong PS5 o X Box.

Pagdating na man sa napakagandang kulay.

Salamat sa DCI-P3 colour gamut at Stunning Colour Technology dahil ang Huawei Vision ay nakaglalabas ng vibrant clolour na buhay. Ang masusing colour calibration na ginawa upang masiguro na standout ang colour performance. Nilagyan ng low blue-light at flicker free technology, upang masigurong ang inyong mata ay protektado.

Meron din itong Dynamic Contrast Improvement at Super Resolution Turbo na naghahatid ng makatotohanang dilim at magandang detalye sa mga larawan.

Kapag ang pinagusapan naman ay sound quality, mamamangha ka sa Huawei Vision S. Turn your living room into a bona fide home theater with 4 built-in speaker and cutting-edge Huawei Histen audio algorithm. Ito ay may 2 10W speakers at 2 10w Tweeters

Ito ay may Bluetooth voice remote control. Ito ay capable sa Wifi connection via 2.4Ghz at 5.0Ghz. Kaya kung ang internet modem mo ay capable magsupply ng 5.0Ghz pwede mo itong magamit sa Huawei Vision S para sa mas mabilis na internet connectivity.

Ang mga external device ay pwede i-connect through 2 x HDMI 2.0, 1 x AV input, 3 x USB 3.0 at 1 x SPDIF. Ang mga interface na ito ay natatagpuan sa gilid ng TV.

Ang 55-inch Tv nito ay may 190W power consumption at ang 65-inch ay may 230W naman. 

Huawei Vision does not support the DTMB, DVB, ATSC and ISDB broadcast standard as it doesn’t have a tuner interface.

Meaning wala itong digital tuner kaya di ka makapanood ng mga local channels. Ang kailangan mo ay bumili ng digital box para makapanood ng digital broadcast.

Kailangan din na ang Huawei phone mo ay mayroong Huawei Vision App at tumatakbo sa EMUI 10.1 para maka-connect sa TV at magamit ang mga functions nito.

So, guys yan po ang first part ng ating video featuring Huawei Vision S. Sana po ay nagustuhan nyo at see you sa part 2.

Salamat po ng marami. God Bless Us All. To God Be The Glory!



You May Also Like

0 comments