Mga Dapat Tandaan Sa Pagbili ng Appliances Online
Ang pagbili ba ng Appliances Online ay magandang ideya?
Kung ikaw ay nagbabalak na bumili ng refrigerator o ng freezer o kahit anong appliances sa pagkakataong ito, iwasan mong bumili ng madalian online maliban kung nakita mo na yung produktong gusto mo sa loob ng isang tindahan ng appliances. Maaring nakakatuksong bumili agad ng refrigerator online sa kadahilanang wala ka nang masyadong dapat intindihin at walang hassle na tulad ng pagpunta pa sa isang tindahan, ngunit may mga panganib sa pagbili online.
Kailangan mong mahawakan...
Napakahirap malaman ang eksaktong matatanggap mo kapag bumili ka online. Walang pagsasalarawang sapat, kahit na ito'y kumpleto ang makakapagbigay ng ideya kung ano talaga ang iyong matatanggap.Ang mga imahe sa computer ay maaring makapanlinlang sa iyo na maaring malaki o maliit ang mabili mo. Wala ng gagaling pa na makita mo ang produkto ng malapitan.lalong lalo na kung mamahalin ang produkto na nagkakahalaga ng mahigit limampung libong piso (P50,000).
Bumisita sa lokal na tindahan...
Kung talagang interesado kang bumili ng appliances online, tingnan mo muna kung makakahanap ka ng modelo ng produktong gusto mong bilhin sa tindahan. Sa pamamagitan nito makikita mo munang mabuti ang itsura nito bago mo tuluyang bilhin online. Kapag naramdaman mong gusto mo talaga ito, umuwi ka sa bahay at ilagay ang iyong order online.
Ang isa pang bentahe kapag pumunta ka sa tindahan ay makakausap mo ang sales representative. Sa kanila mo malalaman kung ang gusto mong bilhing appliances ay nararapat sa iyong tahanan. Ang isang appliance na masyadong malaki ay maaring hindi kumasya sa pintuan ng iyong bahay at maaring lumaki ang babayaran mo sa shipping kung nagdesisyon kang ibalik ito.
Sa makatuwid, ang dapat mong gawin bago ka bumili online ay maghanap ka muna ng actuwal na modelo sa mga tindahan upang huwag kang magsayang ng iyong panahon at pera.
0 comments